Sunday, November 29, 2009

Friday, November 27, 2009

patay ka.


'nuff said. :)

Pagbabago?

PAGBABAGO.

Ilang beses ko na din narining ang salitang iyan, mula elementary yata iyan na ang bukambibig ng mga batang pulitiko sa eskwelahan. "Kapag nanalo ako, babaguhin ko ang ganito, pagagandahin ko ang ganire, ipapa-landscape natin ang kuwan at ipapa-aircon ang ano."

Siguro nga mailap ang pagbabago, kahit sabihin pa na ito lamang ang bagay na permanente sa mundo.

Sa maraming beses na narinig ko ang salitang pagbabago, kinikilabutan ako. Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagbabago? Pagbabago sa sistema, sa kapaligiran, sa mga tao o sa sarili?

Sadyang napaka-lawak ng nais ipakahulugan ng pagbabago. Sa kabila nito, paborito ito ng mga taong tinatawag at kinikilalang "lider" ang kanilang mga sarili.

Ngayon, ano nga ba ang lider?
Tao na nagpapatupad ng pagbabagong inaasam nila o sila mismo ang makapagbabago sa mundo?

Minsan akong humawak ng kapangyarihan. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako naghangad ng pagbabago, minsan naisip ko na kung maiimpluwensiyahan ng mga aksyon ko ang bawat tao na magdedesisyong baguhin ang kanilang mga gawi, doon ko pa lamang masasabi na isa nga akong lider.

Pero hindi madali. Madaming tao ang humusga hindi lamang sa kakayahan ko, maging sa pagkatao ko. At saka ko naisip, mahirap palang mangako ng pagbabago sa ibang tao.

Natutunan ko na ang pagbabago, nagmumula sa sarili at hindi dapat iasa sa ibang tao, at na ang opinyon ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang pag-usapan at pakielaman ang buhay ng ibang tao ay hindi mahalaga kung alam mong tama ang ginagawa mo at wala kang inaapakang ibang tao, bagkus mas masarap sa pakiramdam na batuhin ka nang harapan ng mga taong alam ang kagalingan at kahinaan mo.

Ilang beses na din napatunayan ang kapangyarihan ng salitang "pagbabago" sa mga eleksyong naganap, napansin ko na karamihan ng mga nananalong politiko, sa bayan man o sa eskwelahan ay nananalo.

At sa mga pagkakataong nasaksihan ko ang mga ganitong pangyayari, matumal ang pagbabagong ipinangako ng mga nahalal na opisyal. Lilipas ang kanilang termino at idadahilan nila na walang pera ang pamahalaan upang maipatupad ang pagbabagong ipinangako nila.

Ayon sa isang manunulat na iniidolo ko, ang salita ay nakamamatay. Bagama't salita lamang, ito ang nagpapakilos sa tao upang mag-isip at umaksyon. Hanggang saan nga ba nasusukat ang pagbabago?

At higit sa lahat, ang pagababagong ipinangako ba ay nakabuti o nakasama sa mas nakararami?

Napansin mo ba na marami akong tanong?




Monday, October 12, 2009

mamang drayberrr.

Gaya ng dati ko nang nasabi, malaking parte ng buhay ko ang pag-bi-biyahe sa mga PUVs simula noong bata pa ako.

Kasama din dito ang mala-pelikulang eksena ng mga aksidente at kung anu-ano pa.

Kanina lang pumunta ako sa isang mall dito sa binahang probinsya namin para makipag-date este bumili pala ng mga kailangan kong gamitin sa demonstration teaching namin.

Siyempre, inaasahan na na marami ang magpupunta sa mall matapos ang paglalambing ni Pepeng sa Pinas, kaya medyo traffic. Ewan ko ba naman sa mga lalake kung bakit mabilis mag-init ang mga ulo pagdating sa pagmamaneho.

Hay naku, nauna mahaba kasi yung jeep na sinasakyan namin, at dahil kasapi sila sa pila ng jeep na pinapayagan ng mall, pribilehiyo sana nila na mauna sa pagpasok dahil dapat makaalis din sila agad sa babaan.

Noong una pa lang, nakasunod na yung jeep namin sa isang itim na sasakyan tapos pilit siyang kina-cut ng isang kotse. So sinisksik ni Manong Drayberr ang jeep niya expecting that the driver of the car will give way... akala ko din ganun gagawin niya kasi kasama niya pa ang misis niya at ang baby niya (hindi tinted ang kotse nila)...pero hindi.. nakipag-gitgitan siya hanggang sa magbanggaan sila.. well hindi ganun kalakas ang impact pero sapat na ýun para ma-activate ang init ng ulo ng nasa kotse.

Binaba niya yung bintana niya and he started cursing like "PI ako nauna eh! Kanina pa 'ko dito. PI!"..

Pagkatapos ng ilang murahan at payabangan, bumaba ako sa jeep.

Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit kailangan humantong sa ganun. Kung sana nagbigayan sila, kung sana hindi pinaulanan ng mura ng drayberr ng kotse si Manong na lubos na nakatatanda sa kanya eh di sana walang gulo... eh di sana pareho silang nakapasok ng maayos sa mall.

Naalala ko ang isang insidente na kinasangkutan ng pinsan ko sa SLEX minsan, tinutukan siya ng baril ng isang doktor na nakasakay sa magarang kotse dahil kina-cut daw niya 'to.

Papatulan sana ng pinsan ko dahil may baril din siya kasi pulis siya, pero nung kukunin na daw niya yung baril niya, biglang hinawakan ng baby niya yung kamay niya. (best in story-telling naman na daw ako)

Ang sukatan ba ng pagiging isang lalaki ay ang pakikipagmurahan sa kalye sa harap ng pamilya mo? O ang pag-iintindi sa kapwa mo, dahil ikaw ang mas may lubos na pang-unawa?

Hindi ko alam. Hindi naman ako lalaki. Pero sana, sana.... wala nang sumunod pa sa drayber ng kotse na ýun kanina...isama na din ang Pinoy na taxi driver dati na lumabag ng speed limit ng bansa sa harap ng buong mundo nang magpunta dito ang Amazing Race.


Sunday, October 4, 2009

Si Ondoy at ang mga Guro

Matagal na din akong hindi nakapag-post ng blog entry sapagkat naging lubhang busy ako sa pag pa-Farmville at pag-ma-manage ng cafe ko sa Cafe World. O tama na muna. Serious 'tong post ko na 'to.

Noong kasalukuyang nananalasa si Ondoy sa Pilipinas, nagmamaganda ako sa Palayan- hindi napigilan ni Ondoy ang pagpunta ko sa camping, ewan ko ba kung bakit kahit napaka-lakas ng hangin noon eh hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Siguro dahil na-miss ko ang buhay ko dati- 'yung tipong pinapahirapan 'yung sarili at titingnan kung kaya ko bang tumagal ng walang kuryente, tubig, banyo, kama, internet at kung anu-anong perks ng mga masuswerteng kabataan.

Alas diyes ng gabi.
May natanggap akong text message, under state of calamity daw ang Nueva Ecija. Nagulat ako kasi wala namang ulan noon eh, malakas na hangin meron pero chill lang. Buhay pa naman kami at tuloy ang camping kahit walang kuryente.

Kinabukasan, umuwi din kami.. kasi tapos na din 'yung camping, hindi ko akalain na lubog na pala ang NCR noon... at hyped na ang issue kay Ondoy sa TV.

Pero hindi na din ako nagtaka kung bakit lumubog ang Maynila. Kailagan ko pa bang ipaliwanag?

Sa kabila nito, maraming Pilipino ang nagpakita ng bayanihan at kabayanihan.
Lumutang ang pagiging natural na matulungin ng iba sa atin.
At sa isang pambihirang pagkakataon na gaya nito, pinatunayan ng Langit at Kalikasan na walang mayaman o mahirap, na pantay-pantay TAYO- na TAYO mismo ang gumagawa ng social classes para sa ikaaangat o ikabababa natin.

Pero nakakalungkot din isipin na lumutang din ang isa sa pinakamalaking problema nating mga Pinoy- ang kawalan ng disiplina.

Nasa front page ng isang pahayagan ang tatlong lalaking nag-aagawan sa isang kahon ng relief goods na tila ba wala silang makukuha pa- hindi ko sila masisisi kasi wala ako sa posisyon nila, pero hindi naman siguro tama na habang pinipilit kang tulungan ng ibang tao eh ikaw mismo naglalagay sa sarili mo sa kapahamakan.

Minsan, kahit gaano natin ka-gusto ang isang bagay, kahit nawawalan ka na ng pag-asa na malampasan lahat ng problema, isang bagay lang ang kailangan natin- pananampalataya.

Dahil sa "hype" na ginawa ng media, tila nakalimutan na din natin ang iba nating kapatid, nakalimutan natin na hindi ang Maynila lang ang Pilipinas.

Naaalala mo pa ba yung mga pamilyang hindi pa man nakakabangon sa Botolan, Zambales ay hinagupit na naman ni Ondoy?

Naalala ko tuloy ang isang organisasyon dito sa probinsiya na nag-aanyaya ng mga volunteers sa Martes para tumulong sa relief operations sa Maynila.

Ironic na sa Maynila pupunta samantalang may mga nasalanta din dito sa mismong probinsiya namin at lalo na sa ka-rehiyon namin na Zambales... puwede naman na dito muna mag-reach out diba?


******************************
************************************************
******************************

Sa ika-5 ng Oktubre, Lunes ay ang selebrasyon para sa Araw ng mga Guro.

Isang pagbati ng pasasalamat sa lahat ng gurong nagtiyagang turuan ang estudyanteng gaya ko, gayundin sa mga "gurong" hindi nagtiyagang turuan ang estudyanteng gaya ko...

....lalo na sa teacher ko ng Math noong Elementary... dahil sa mga banat mo, natakot akong magtanong at naalala ko pa noong pinasagutan mo yung textbook, nanghula ako kung paano mag-round-off ng numbers.

Sa mga guro ko noong high school na tinuruan ako na wag nang mag-inarte pa kung alam kong kaya ko...

...na ang buhay estudyante ay hindi nakakulong sa mga libro, notebook, blackboard at chalk kundi maging sa kapwa mo at sa kapaligiran mo.

... na hindi mahalaga kung isang kilo ang medal mo sa bahay basta lumaki ka ng normal at masaya at wala kag attitude (digs?)

... na mas magandang hangarin ang masaya at simpleng buhay kaysa sa limpak-limpak na salapi at ugaling hindi maganda.

....na walang thrill ang buhay kung hindi mo icha-challege ang sarili mo.

...na hindi mo malalaman kung ano ang kaya mong gawin hanggang hindi mo sinusubukan

at higit sa lahat..

.. na hindi pa katapusan ng mundo kapag hindi ka naligawan ng crush mo! wahahaha.



Gayundin, lubos ang pasasalamat ko sa aking mga guro nitong kolehiyo, na nagturo sa akin ng humility at modesty (naks)

... na hindi mahalaga kung balediktoryan o salutatatoryan ka o ikaw yung teacher's pet noong HS.

... na makikilala ka lang nila kung matalino ka o kung boplaks ka sa klase nila.

... na may mga taong pilit kang hihilahin pababa, pero hindi ka dapat matakot sa sasabihin nila dahil hindi ka naman nila binubuhay at wala kang ginagawang masama sa kanila.

... na kailangang isantabi ang emosyon para sa ikabubuti ng mas marami.

... na ang pagiging lider ay wala sa posisyon o sa pangalan kundi sa mabuti, moral at tamang paggawa.


Siyempre kasama din ang mga guro ko noong Nursery at Kinder, ano ba ang memories ko sa inyo mga Ma'am? Bukod sa pagkabigo ko na malaro yung gusto kong laruan tuwing playtime?

Basta, salamat sa lahat ng naging guro ko. Saludo po akong lahat sa inyo! :)

Saturday, September 12, 2009

going where my heart takes me...

Well, first of all I dunno how or where to start this post...

Life is indeed full of uncertainties, as Howie Day puts it:
"Even the best fall down sometimes, Even the stars refuse to shine"...

It's raining hard and the stars still refuse to shine...

Maybe, I just have to go where MY heart takes ME.

Sooner or later the rain will stop and the sun will shine again, and stars will shine and twinkle again.

Maybe, you and I will collide too....


Collide – Howie Day Music Code

Monday, September 7, 2009

When it rains, it pours... then I am on the moon.

I started commuting independently at the age of 13- I was a freshman in a "science high school" somewhere in the crowded streets of Cabanatuan City. Back then, it only takes 8 pesos for me to get home in a jeepney ride.

Commuting has been a part of my life for the past 7 years of my existence or should I also count my elementary days when twenty something pesky little kids with our bags that are usually bigger than us filled with inches thick of books are jam-packed into a jeepney back and fourth to our homes?

I have seen how the roads that I used to pass by every single day have worn-out until rocks start to show. I have seen many repairs and damage, repairs and damage, repairs and damage......repairs and damage over and over again.

Just recently, DPWH and Malacañang asphalted the road from San Jose City to Cabanatuan City. It was like the ones in SCTEX, mind you. And if only cars have feelings, I am pretty sure they are very happy and comfortable passing by in one of the major roads in the province.

Then rainy season came and heavy rains poured out.

On my way to Cabanatuan one time, I was thrilled by what I saw, a part of the newly asphalted road adjacent to a private hospital and a college is now gone and all I could see are mud and rocks, how could that happen? I don't know.

A moment later, looking at the poor roads, it was as if the jeepney landed on the moon in front of again, a hospital and a gasoline station. Just imagine the craters of the moon, and I think I don't need to say a word anymore.

We painstakingly passed by the "craters", and as much as the driver wanted to make his passengers feel comfortable, he just couldn't.

And the passengers, particularly the old ones are starting to shake their heads, and get angry at the driver, as if it was his fault.

All the while, I sat quietly, looking at the potholes and just thinking that it was a giant sungka board and the "bato" are the cars. Silly.

I was supposed to take photos of the road in case you don't believe me, but I was too afraid that my mobile phone would fall off the bumpy jeepney and go straight in one of the potholes when I try to take a photo.

It was like we are riding on a car pimped by MTV with hydraulics ,just like the one that Ling-Ling's mom owns in the film Hot Chick.

As of this writing, the Sangguniang Panlalawigan of Nueva Ecija is investigating about the issue calling the attention of the district engineers responsible for the asphalting of the roads. Good thing though, the roads are still covered by a one-year warranty period from the contractor.*

I just hope that there'll be no more potholes and craters come May 2010.


Read more about the issue HERE.
*Excerpted from the Nueva Ecija Journal.

Friday, September 4, 2009

Ho-Ho-Holidays.

Mula nang naging presidente si GMA, dumami bigla ang holidays, nauso ang salitang "long weekend" dahil sa paglilipat niya ng holiday.

Aaminin ko noong una, walang pagsidlan ang kaligayahan ko pag walang pasok. Pero ngayon hindi na talaga. Isipin mo naman isang linggong atrasado ang klase sa lahat ng pamantasan sa Pinas dahil sa H1N1, nasuspinde pa ulit ng sampung araw dahil sa 5 kumpirmadong kaso ng H1N1 sa liblib na pamantasan, nawalan ng klase noong Intrams, at nuknukan ng daming dinedeklarang holiday ni GMA.

Wala namang kaso ang mga holiday na dinedeklara ni GMA kaya lang, minsan talaga hindi naman kailangan. 'Yung kay Presidente Cory, ayos 'yun kasi malaki talaga ang nagawa niya para sa bansa at ramdam mo talaga na napakalaking bahagi ng bansa ang nawala sa paglisan niya.

Pero 'yung holiday sa Lunes, hindi ko alam kung ano ang basehan ni GMA. Pre-dominantly Catholic country naman ang Pinas at hindi naman lahat nakakakilala kay Ka Erdie. Naiitindihan at nirerespeto ko na isang respetadong religious leader si Ka Erdie, pero hindi kaya "political" ang rason ng pangulo na mag-deklara ng holiday? Ewan ko lang, pero sa dami ng politikong dumadalo sa burol niya kaysa sa burol ni dating Pangulong Cory na sabay sabay pang pumupunta eh mukhang pasok sa banga ang iniisip ko. Okay, wag akong sana akong awayin ng mga kapatid. :)

Kaya lang kasi, wala na kaming natutunan. Puro make-up class, delayed na exams at tambak na requirements na dapat magawa in the remaining days of the sem. Eh wala na nga kaming sem-break eh. Kulang na lang ata huwag kaming matulog sa pagre-review, paggawa ng research papers, lesson plan, visual aids at walang katapusang projects and assignment na hindi pwedeng ipagawa kay Ate at Kuya at lalong-lalo na kay Nanay. (and the best in reklamo award goes to.........)

Siguro hindi lang ako ang makakapagsabi nito, kasi parang hindi sulit yung binabayad namin (kahit nasa State U ako) . Madaming nagsasabi passive ang mga kabataan, pero paano nga ba kami makakapag-organize ng activities kung walang participants dahil busy sa pagpasok tuwing Sabado at tambak ang gawain tuwing school days?


Okay hihinga muna ako ng walang kasing-lalim at susubukang intindihin ang bagay-bagay. Hindi na naman ako makakapag-pa-meeting sa Lunes. Huhu.

******************

EIC

Ako ay EIC (ang yabang ko).
Pakiramdam ko kawawa ang pahayagan namin.
Kasi ngayon ko nararamdaman ang preysyur at hirap bilang tagapamahala ng grupo.
Wala kaming opisina, well meron pero hindi functional kasi naka-lock lagi yung room na kinalalagyan ng opisina, conference room kasi 'yun.
Ibig sabihin, wala kaming gamit well meron ulit, isang old-aged computer na natatakot akong buksan dahil baka ugatan ako sa paghihintay na mag-boot ito. Merong malaking plastic na cabinet na tambak ng papel, lumang cork board at picture frame ata 'yun?
Walang printer, DSLR camera at lens (ambisyosa!)
Kaya naman sariling kayod ang lola mo sa pagkuha ng litrato, nakiki-gamit ng laptop ng may laptop para lagyan lang ng virus, nakiki-print sa printer ng iba at gumagamit ng charm sa panghihingi ng papel, push pins at kung anu-ano pa sa mga nakaririwasa.

Pero okay lang 'yun, hindi naman naging hadlang yung mga bagay na wala kami para makapagsilbi kami sa mga estudyante at sa kolehiyo namin. At sa tingin ko, higit sa mga materyal na bagay, pagmamahal sa pagsusulat at puso para sa pagsisilbi ng walang kapalit ang kailangan para masabi na kaya mong gampanan ang responsibilidad na naka-atang sa amin.

Nais kong pasalamatan ang mga Educator staffers sa walang sawang pagsisilbi at pagsusulat para sa mga estudyante.

O siya, tama na ang pag-e-emote ko dito at baka pagalitan na naman akira.

Wednesday, September 2, 2009

Breaking



A few weeks ago, my aunt came home from Canada for my Lola's birthday and the blessing of her new home.

It was happy seeing her again after long years, together with my cousin. We recalled countless stories on how my cousin wept and screamed with anger when he finally knew that they will be flying to Canada to follow his mom and have a better life there. We just laugh it off today.

I remember those days when members of the family have to leave and we'll send them off to airport. It was a heart-breaking moment, seeing tears running down their eyes and giving their final reminders to the ones who will be left in the country.

We were always the ones who are left- the ones who sends them to the airport and being reminded.

My dad wants us to go abroad to work and maybe, find our luck there. Though he didn't insisted us to take up Nursing (thank goodness), he encourages us to apply for a job abroad. "Wala ng pag-asa dito" he would always say.

Well, I am starting to believe him now, but that doesn't mean that I will leave.

I guess, I'd still be sending a few more relatives to the airport, be constantly reminded about the concerns here and would prepare the celebrations when they return for a visit.

******

Pagbati sa mga kapwa ko Novo Ecijano sa pagdiriwang ng
Ika-113 Anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija!

Mabuhay ang lahi ng matatapang! :)


Friday, August 28, 2009

Si Madam

2 buwan.
2 buwan na lang dapat magpa-practice teaching na ako.
Pero hindi, sumablay ako eh. Malay ko ba na wawakasan ng Math ang pangarap kong gumradweyt with honors. Pero okay lang, MOVE ON na.

Ilang beses na din kaming nang-aabala ng mga Principal at Teachers sa iba't-ibang elementary school.

Ilang beses nang nakikipag-titigan sa mga estudyante na binabati kami ng: "Good Morniiing Visitorsssss!" at "Gooodbye and Thank Yoouu Visitors!".

At higit sa lahat, madaming beses na kaming nagre-reflect at pakiramdam ko nga ay nag-cu-cue in sa utak ko ang lyrics ng Reflection ni Lea Salonga sa tuwing susubsob kami sa pagsagot ng mga manual namin sa Field Study.

Masarap mag-observe sa mga paaralan, masarap makipag-kwentuhan sa mga teachers na karamihan ay nagtataka kung bakit namin piniling magturo.

Madaming beses na ako ang ipinapain ng mga kaklase ko sa pakikipag-usap at pagbibigay ng sulat sa principals at hasang-hasa na ako sa pag-ngiti at pagiging magalang sa harap nila.

Pero kamakailan lang, hindi kinaya ng powers ko ang isang principal. Na-nega ako ng walang kapantay. Malaki ang respeto ko sa mga principal, pero hindi ko alam kung bakit nagka-ganun.

Nagbigay kami ng letter of request, pumayag siya.
Balik na lang daw kami sa susunod na linggo.
Nung bumalik kami, noon lang niya sinabi na aalis siya. Sabi namin, kailangan namin siya interview-hin.
Hindi daw namin sinabi noong una, sabi namin nakalagay naman po sa letter tsaka sinabi po namin nung tinanong niyo kung ano ang sadya namin sa school.
Wala daw siyang natatandaan na ganun. Yung appointed OIC na lang daw kausapin namin, hindi nila alam yung isasagot sa mga tanong namin kasi Principal naman talaga ang dapat sumagot noon.


Umalis kami.

Sabi namin babalik na lang kami ulit next week.

Sige daw. Maluwag na daw siya nun.

Balik ulit kami, aalis daw siya ulit.

May contest daw na pupuntahan.


Sumuko na kami.

Sana hindi na lang siya pumayag noong una pa lang.

Noong sinabi namin sa prof. namin na wala kaming nakuhang result, may sumabad na teacher din.
"Imposible 'yun, mabait yung principal dun. Baka naman kasi hindi niyo pina-follow-up!"

Kung hindi lang ako marunong rumespeto sa mga nakatatanda at sa mga guro, sasagutin ko talaga siya.

Ang ayoko sa lahat, yung nakiki-sawsaw sa usapan ng may usapan, lalo na kung hindi naman nila alam ang totoong isyu.

Buti na lang, napigil ko 'yung sarili ko, sabi ko na lang lilipat na lang kami ng school kasi baka naaabala namin yung principal.

Siguro kung magpa-practice teaching ako, hindi ko hahangarin mapunta sa eskwelahan na 'yon.
Mataas ang respeto at paggalang ko sa mga guro at principal, marahil 'yung principal at yung teacher na naki-sabad, sila 'yung exception.

Pero sana, sana.. hindi na mag-propagate 'yung mga katulad nila. Sana.




Hanggang Kailan?

*Lahat ng nakasaad sa post na ito ay pawang katotohanan lamang. :)

I. UNLAPI

"Hindi ka ba sumama sa seminar?"
"Hindi eh. Hindi ako isinama."

Sarcastic.
Sana marami silang natutunan sa seminar na pinuntahan nila.
Kung hindi mo naiintindihan, ipapaliwanag ko sa'yo. Pero dahil tinatamad ako dahil baka madurog yung keyboard sa sobrang pagka-imbiyerna ko sa mga kagalang-galang na masa kapangyarihan eh hindi na lang. Gusto ko na talagang mag-shift! SWEAR! Damdemol! (peace. :D)



II. "Public Office is a Public Trust" DAW.

"Puwede po ba kami makahingi ng short bond paper? Ipi-print lang sana namin yung Intrams issue namin, kaso wala kaming supplies eh."

"Ay wala po kaming short bond paper eh ubos na po."

"Ganun. Sige, thank you. "

HA? Student Council walang supplies?? Ang dami naman sanang pondo kung ikukumpara sa pondo ng Educator. Paano nga naman may nakapagsabi sa amin na halos lahat daw ng circle of friends ng isang officer noong makapasok sa opisina ay ganire ang eksena:

"Uy, folder oh."

"Ay ang cute naman ng specialty paper, kailangan ko 'to sa portfolio!"

"Pwede naman siguro namin kunin yung mga envelope, nagbabayad naman kami ng SC fee eh!"


Ewan ko lang kung ano ang nagyari pagkatapos ng mga eksenang iyon. Sabi nga sa Animal Song: "There's a thought, now you decide".

Noong mga unang araw, dapat gagawa ako ng program at imbitasyon sa isang activity, i-e-edit ko sana kaso nahiya naman ako bigla nang makita ko na Opening day pala ng Transformers sa opisina!



III. Nosebleed!

Ngayon lang ako nahirapan mag-butingting ng software sa internet, pramis.
Isang oras akong nakaupo sa harap ng monitor, nakikipag-patibayan sa Flickr, nahihirapan akong gamitin itez. I hate it. :)



Sinong papalag, ha? :D

Saturday, August 15, 2009

sobrang cheesy talaga.

Oo. sobra.

Alam kong madaming magagalit sa pag-kirengkeng ko dito, pero di ko talaga mapigilan. Owmaygas.

Sa tatlong taon na pakikipagsapalaran namin ni MahalKO eh minsan pa lang niya ako binigyan ng bukey op plawers. (noong JS prom noong 4th year HS kami, 2 months pa lang kami nun!)

Ayos lang. Hindi naman kasi pa-girl ang lola mo at nasusuka ako sa tawagang "bhe", "bebeko", "bhie" at (bwaaaaak... ayan, sabi ko na nga ba eh).

Basta. Siguro kaya tumagal kami ng ganito eh sadyang masarap akong mahalin (aysus.pwede ba.), balik sa usapan, ayun, hindi kami clingy pareho. Hindi gaya nung ibang mag-jowa-ers na ka-edad namin na umiikot ang mundo sa isa't-isa. Pareho kasi kaming extrovert, mahilig sa crowd, in short gala. At nagiging impormal na ang blog ko, baka wala na ulit magbasa dito kaya tatapusin ko na ang kwento ko.

Ang gusto ko lang naman talagang ipagmayabang eh binigyan niya ako ng bukey op plawers noong August 14, 45th monthsary namin. Sa sobrang kilig ko, pakiramdam ko sing-haba ng red carpet sa kasalan ang buhok kong wavy noong hawak-hawak ko ang bukey op plawers sa eskwelahan.

Ngayon, ganap kong napatunayan na nga na isa akong tunay na babae kahit hindi ako pa-girl, eh kasi naman masarap talaga pakiramdam pag nabigyan ka ng bukey op plawers kahit santan pa o sampaguita 'yan, basta galing sa MahalKO, kyemerlash na kyemerlash sa lola mo.

O sige, tama na nga, baka mabasa pa 'to ni boyPILAY, lumaki bigla ang ulo niya. :)

eto hindi cheesy.

Kahapon, nag-emcee ako sa isang seminar.

Na-nega naman ako sa pagpalipit ng dila ko ng madaming beses, at gusto kong maghumiyaw na "pwede bang mag-essay na lang, kahit 2,000 words kakayanin ko!", pero syempre, pa-star nga ako kaya nama pinagsumikapan kong ayusin ang pag-e-emcee ko kaya nairaos din naman kahit sumabay 'yung tiyan ko na wala talagang pakisama sa akin.

Pagbalik ko sa boarding house nung gabi, nawawala ang two-years old na Havaianas ko.

Puteeek! Kaya naman walang puknat na pag-tuwad ang ginawa ko sa ilalim ng mga kama sa paghahanap ng tsinepen ko, pero nabigo ako, wala na siya. Naglakad kaya mag-isa?

Nakaka-nega. Dalawang taon na kami sa bahay na 'yun pero ngayon lang taon madaming nawawala. Noong una, 'yung alkansya nung kaibigan ko, ngayon naman yung Havs ko.

Na-depress ako ng 2 minutes kasi gutom na din ako noon, dinaan ko na lang sa pagkain ng Pancit Canton ang lahat, pero sadyang masaklap ang tadhana dahil tuwing sumasagi sa isip ko yung tsinepen ko ay di ko maiwasang malungkot.

Hindi dahil sa presyo nito, pero dahil sa sentimental value nito.

Ipinabili pa kasi namin ni MahalKO 'yun dati sa Trinoma sa pinsan ng bestfriend namin, sinadya pa namin mamili sa website ng Havaianas Philippines para magka-mukha kami.






Hay. I miss you, my old, yet comfortable tsinepen.

Bumalik ka na sa'kin, please?? :(


Havs sa Bolinao. :(

Sunday, August 9, 2009

Bakit basketbol ang paboritong laro ng mga Pinoy?

Sabi ng isang kilalang sports columnist at analyst, wala daw pag-asa ang Pilipinas na manalo sa FIBA Asian Basketball Cup sa Tianjin, China.
Ka-nega naman siya, naisip ko. Noong buuin ang Team Pilipinas-Powerade, kasalukuyan akong nakikipagsapalaran sa required summer class namin, naging mainit na usapin din ito sa pagitan ng mga prof. ko.
Dalawang prof. ko ang parehong nagsabi na dapat hindi basketbol ang laro ng Pinoy dahil unang-una, wala naman tayong height gaya nung kay Yao-Ming. Tapos papangarapin natin na matalo ang mga Tsino?
Pangalawa daw, may konek sa una, sa China daw apatnapung milyong bata ang nagte-train mula pagkabata, hindi lang sa basketbol kundi sa halos lahat ng sports. Napanood ko din ito sa Discovery Channel dati, may mga bata na limang taon pa lang nagbabanat na ng buto- mapa basketbol, gymnastics, martial arts at kung anu-ano pa.
Pangatlo, hindi angkop sa tindig g katawan ng mga Pinoy ang basketbol, bagkus mas angkop ito sa soccer.

Pero bakit nga ba paborito ng Pinoy ang basketball?

1. Halos lahat ng barangay sa Pilipinas may basketball court.
Siguro dahil na din sa impluwensiya ng mga Amerikano sa atin kaya minsan, mas marami pang basketball court sa mga barangay kaysa sa Health Centers. Kaya naman, mulat ang mga kabataan sa basketbol dahil 'yun lang ang nakikita nila sa paligid nila.

2. Mura lang mag-basketball.
Mura dahil pwede ito kahit sa ilalim ng puno, sa gym ng barangay. Pwede kang maglaro kahit wala kang sapin sa paa, pwedeng maglaro ang mga lalaki ng walang pang-itaas at pwedeng half-court lang ang laro kung kulang ang tao. May mga mumurahing bola na madaling mabili kahit sa mga palengke. Hindi gaya ng soccer na dapat daw ay sport ng mga Pinoy, kailangan mo ng malaking bakanteng lote na patag, high socks, goal, at higit sa lahat, soccer ball na sa pagkakaalam ko wala pang binebenta sa probinsiya namin.

3. Madaling matutunan ang basketball.
At madali din makita ang mga resulta nito. Shoot lang ng shoot. Di gaya ng soccer na pasensyahan bago ka maka-goal. Sa totoo lang, nainip ako nang minsan mag-cover ako ng larong soccer noong Intrams namin sa sobrang tagal maka-goal ng parehong team, pero sabi nga nila, andun ang excitement ng laro na parang hindi ko naman nadama dahil umuulan noon.

4. Mas may exposure ang basketball sa Pinas.
May PBA, UAAP, NCAA at PBL sa Pinas. Dati pa nga may MBA ba yun, yung bawat probinsiya sa Pilipinas, may team. Nueva Ecija Patriots yung sa amin, ang star nun sa pagkakatanda ko ay si Willie Miller.

5. Pwedeng laruin ng kahit sino ang basketball.
Ang basketball, kahit mayaman o mahirap pwedeng maglaro. Ang soccer, halos pang-coño, laro ng mga middle-class, dahil na din siguro sa mahal ng mga gamit. Wala nga akong nakitang soccer field sa buong probinsiya lalo na sa major cities bukod doon sa nasa pamantasan namin. Improvised pa ang high-socks ng mga manlalaro. Walang soccer shoes kundi yung sneakers na pamasok din nila.

Pero may version kami ng soccer nung mga ka-laro ko noong bata pa ako. Sipa ball. Kaso para siyag baseball na walang bat at paa ang ginagamit. Ibabato ng kasama mo yung bola, dapat masipa mo 'yun tapos makapunta ka s a"home" niyo. Teka, ang labo ata nun. Basta, yun na yun!

Meron din namang ilang mayayaman ang tumutulong sa kapwa nila, lalo na sa mga batang lansangan. Minsan na itong naipalabas sa TV. May isang grupo ng mga soccer players ng isang eskwelahan ang nagturo sa mga batang kalye sa isang lugar sa Maynila ng laro. Nag-enjoy yung mga bata at naging maganda ang performance nila. Kaya nag-desisyon ang grupo na isabak sila sa totoong soccer field sa loob ng eskwelahan nila kalaban ang mga batang tinuturuan nila. Syempre, nananalo ang mga batang kalye.

"Matatalo tayo ng mababahong bata!" sabi ng isang taga-eskwelahan.
"Hayaan mo na, minsan lang naman makakalaro 'yang mga 'yan eh." sabi ng isa pa.


Magtataka pa nga ba tayo kung bakit hindi popular sa atin ang soccer?

Wednesday, August 5, 2009

Cory Aquino in the eyes of a post-EDSA baby.

I only knew her in my History books in elementary, as the wife of Sen. Ninoy Aquino, a mother of Kris and the first woman president of the Philippines and in Asia, but that was before.

I know little about the EDSA, but I have watched videos of the People Power a lot of times in my PolSci, History and Makabayan subjects. Narrations of how the death of his husband and her willingness to continue what Ninoy fought for empowered a nation-peacefully and successfully were told.

I admire her and look up to her as a leader and a mother to many Filipinos. She is calm, religious and a passionate woman without reservations to serve the Filipinos.

She always believed in the innate ability of her fellow Filipinos, even in the toughest times.

Early on my childhood days, I knew what the color yellow meant and I could vividly remember the "Laban" sign I often saw on our television screen.

As I grow older, my interest in politics also grew. I always wonder why her opinions on certain issues especially that of corruption and unethical governance always matter to the leaders of the country. "Maybe, she is really someone whom they look up to"- and I have proven it many times.

Thank you for the democracy that we are enjoying now, Pres. Cory.

Thank you for the countless times that you have defended the country and fighting for what is right.


Tuesday, July 28, 2009

SONA mo, SONA ko. :)

Ang old-aged computer namin dito sa bahay, na-reformat na naman.
Lahat ng files inalis ng pinsan ko.
Lumuha man ako ng bato, wala na akong nagawa dahil huli na ang lahat nang maalala ko na may mga piktyurs pala ako na dapat eh pina-back-up-an ko gaya noong nagpunta kami sa Bolinao (kung saan tinira kami ng mga kritiko namin. argh) at 'yung high school reunion namin.
Pero naisip ko na-upload ko naman sa Friendster 'yun kaso yung mga piktyurs namin ni Mahal ko, tinabi ko dito sa PC para ipa-print, kaso wala na.
Naubos na.... Huhuhu.


****************************************************

Nanood ako ng SONA ni GMA kanina. Okay naman, at naniwala naman ako sa mga pinagsasabi niya kaya lang ang hindi ko maintindihan eh kung bakit parang bawat pagtatapos niya sa isang statement eh naghihintay siya ng masigabong palakpakan mula sa mga audience. Naluka ako kanina noong may milliseconds na huminto siya at nakalimutan ata pumalakpak ng audience, pero naka-palakpak din sila.

Kung ako ang tatanungin, totoo yung mga sinabi niya gaya sa Skills Development Program ng TESDA, pagpapatayo ng SCTEX at ano pa nga ba?????? Yun lang naalala ko na magandang nagawa niya eh. Eh kasi naman yung GNP, GDP at kung ano-ano pang tungkol sa pera at ekonomiya niyang sinabi eh alam ko na na pwedeng dayain noong high school pa ako, at teacher ko mismo ang nagsabi sa amin niyan. Hindi ko lang alam kung sino sa teacher ko at kay GMA ang nagsasabi ng totoo.

Sabi pa ni Gloria kanina, pinagtuunan daw niya ng pansin ang edukasyon dahil minsan siyang naging teacher. Ang masasabi ko naman kung talagang na-absorb mo ang essence ng pagiging guro, siguro alam mo na kailangan mo ng aprubahan ang PhP 19,000 bilang starting salary ng mga teachers, kaysa naman turuan mo ang mga Pilipino para i-export sa iba't-ibang bansa gaya ng mga nurses, engineers at physical therapists.

Oo nga't walang maibibigay na milyun-milyong dolyar ang mga guro, pero siguro naman sapat na ang tamang pa-suweldo sa mga guro na kabayaran sa pagtataya ng mga buhay nila sa panganib tuwing eleksyon, sa pagbili nila ng sariling chalk at manila paper na gagamitin sa classroom, sa paghahati nila ng baon niya sa estudyante niya na walang baon, sa pagbili niya ng paninda ng mga co-teachers niya at ng magulang ng mga estudyante niya kahit hindi naman niya ito kailangan.

Oo nga't hindi perpekto ang mga guro. May nagtitinda ng espasol, longanisa, Avon, Triumph, Natasha at kung anu-ano pa, pero biktima lang din sila ng sistema na mula sa itaas.
Ano nga bang magagawa ng isang bagong saltang teacher na puno ng ideyalismo kung tataliwas siya sa sistema, kung kapalit nito ay ang hindi nila pagkuha ng sweldo mula sa Superintendent?

Naalala ko tuloy 'yung pinabasang akda sa aming Philippine Lit., The Visitation of the Gods ni Gilda Cordero-Fernando, inis na inis ako sa prof. ko tuwing tatanungin niya ako kung ano ba ang mensahe ng istorya, sabi ko simple lang naman po, sinasalamin po ng akda ang sistema ng edukasyon sa bansa. Hindi siya na-kuntento, ang sabi niya kasi, halos ka-pareho daw namin yung bida sa akda,idealistic.

Sa huli, naintindihan ko kung bakit hindi siya nakuntento sa sagot ko, hindi ko lubos na naunawaan yung wakas: Noong sumama ang bidang guro sa picture taking at todo-ngiti pa. Parang hinayaan na din niyang mamatay ang idealismo sa kanya.

Hinayaan na niyang lamunin siya ng bulok na sistema na dapat sana'y babaguhin niya.





Saturday, July 25, 2009

hindi ako bitter. :D

Sabi ng adviser ko magsulat daw ako ng higit sa mga personal na karanasan ko at pagiging sawi ko sa buhay. Eniwey, isang malaking hamon sa akin 'yun dahil hindi naman talaga ako mahilig magsulat tungkol sa kung ano-anong bagay gaya ng SONA ni Gloria na guni-guni lang ata niya yung mga pinagsasasabi niya o yung tungkol sa walang katapusang demanda at kontra demanda ni Anabill at Risard. Mas gugustuhin ko pang panoorin si Aling Dionisia at masilaw sa makikinang niyang alahas na binili ni Manny sa Las Bigas.

Ewan ko ba. Mahirap kasi atang makialam sa mga bagay-bagay. Nakaka-frustrate kasi kung saan ka lulugar, hindi mo alam kung kailan ka ba tititgil sa pagiging "bata" at kung kailan ka mag-uumpisang maging "matanda". Kapag ba bente ka na? Kapag naka-gradweyt ka ng kolehiyo o kapag may trabaho ka na at nagbabayad ka na ng buwis sa gobyerno?


Sa kabilang banda, mahirap ang hindi makialam at hayaan mo na lang na mangyari ang mga bagay-bagay na wala ka man lang ginagawa bukod sa paglalaro ng DOTA, pagte-text, panonood sa YouTube at pagdo-download sa Limewire. Kasi tatlo o limang taon mula ngayon, ako na ang responsable sa sarili kong buhay, wala ng baon linggo-linggo, wala ng perks gaya ng bagong damit, shopping ng sapatos at libreng kain sa Jollibee basta ni-request ng mga pamangkin ko. AT ayokong sisihin ang sarili ko sa mga bagay na ginawa ko sana kapag dumating ang araw na iyon.


********************************************************
Tinanong ko ang isa sa mga mentors ko kanina kung tama ba 'yung ginawa ko na hindi pagsali sa pagsulat ng sanaysay sa college namin. Tinanong niya kung bakit nga daw ba ako hindi sumali, sabi ko naman: Tinamad ako, tsaka inaway ako ni Don noon. Eh kasi naisip ko po yung mga sinasabi ng mga tao sa akin na lagi na lang ako, na lahat na ng pwedeng kuhanin, kinuha ko na. In short, suwapangerz akira.

Tapos sabi niya, eh ano daw magagawa nila eh sa magaling ako. (Naluka naman ako sa reaction niya at pumalakpak ng bonggang-bongga ang tenga ko.) Tapos sabi ko ulit, eh kasi po feeling ko kaya ayaw nila sa akin kasi nga daw po ganun ako, parang wala ng bukas sa pagsali sa kung saan-saan.

Tapos sabi niya ulit "Anak, wag mong iisipin yung sinasabi ng iba wag kang matakot sa kanila. Dapat mas matakot ka sa sarili mo kasi oras na hindi ka naniwala sa sarili mo, mas nakakatakot 'yun."

***********************************




Wednesday, July 22, 2009

I will not go down to your level nor try to please you.

So please never miss a chance to keep your mouth shut.

I definitely know what I am doing, so stay away from my business because I am staying away from yours.



Sunday, July 19, 2009

10 bagay na natutunan ko sa umpisa ng huling taon ng pagiging tinedyer ko.

Ang haba ng title daba. Ganun talaga.

1. Walang mawawala kung ngingiti.
..pero dapat yung totoong ngiti ha, at sa mga totoong tao LAMANG. :)

2. Hindi lahat ng bagay, makukuha mo.
..kasi may mga mang-aagaw, tsaka mawawalan ng thrill ang buhay kapag lahat nakukuha mo, at kadalasan maraming tao ang mag-iisip na swapang ka kahit hindi naman. Pero ayos lang, kasi hindi naman kabawasan sa pagiging tao mo kapag hindi mo nakuha lahat, kasi nga TAO ka, hindi ka perpekto.

3. Hindi masamang magkamali, madapa at mabigo.
..dahil matututo kang pahalagahan ang mga simpleng bagay sa mundo gaya ng lakas ng pagtawa sa isang joke sa oras na bigong-bigo ka, dahil makikilala mo ang mga taong sasamahan ka sa taas at sasaluhin ka sa baba, dahil malalaman mo na ang mundo ay hindi laging masaya, makulay at may happy meal at laruang kasama, minsan kailangan masaktan, umiyak at makuntento sa kung ano ang meron at pahalagahan ito to the highest level. Dahil sa bawat pagkakamali, pagdapa at pagka-bigo, mas makikilala mo ang sarili mo, mas malalaman mo kung ano ang kaya mong gawin at magagawa mo ang mga bagay na hindi mo inakalang makakaya mo.


4. Tao lang tayo, hindi superhero.
..akala ko kasi dati kaya ko lahat, tapos masaya na pero hindi ganun, sobrang hindi. Maaaring nakayanan mong tumawid sa alambre, kumain ng pitong kilong siling labuyo at maglaslas ng pulso ng limang beses pero tao ka pa din. May karapatan kang magkamali, lumuha kung kinakailangan at aminin sa sarili mo na pumalpak ka, syempre dapat din i-redeem ang sarili agad para naman hindi obvious na affected ka ng bonggang-bongga sa mga nangyari. Move on!


5. Mahalin ang sarili palagi!
..hindi kailangang magpaka-emo kasi dapat mahalin muna ang sarili ng bonggang-bongga, gawin mo lahat ng bagay na nagpapasaya sa'yo at yung mga bagay na ikagaganda mo, dahil kapag nagawa mo 'yun, tsaka mo pa lang pwedeng sabihin na handa kang magmahal ng isang tao na hindi magpupuno sa pagkukulang mo at kukumpleto sa'yo subali't isang tao na magmamahal sa buong pagkatao mo ng buong-buo, walang labis, walang kulang.

6. Maraming tao ang dadaan upang manatili at umalis ulit.
..hindi gaya noong high school na solid ang barkadahan, na kumpleto ang tropa sa bawat lakad, joyride at trip, habang tumatandaerz ay madalang na ang mga taong makikilala at ituturing kang kaibigan kahit mabaho ang paa mo o malakas kang mag-hilik, pero masuwerte ka kapag nakakita ka ng ganun kaya gawin mo ang lahat para manatili sila.

7. Walang masama sa pagpapakita kung sino ka talaga.
..dahil doon mo makikilala kung sino ang mga taong tatanggapin at mamahalin ka nang walang hinihinging kapalit.

8. Kaya mong magbago.
..hindi para kanino man kundi para sa sarili mo. Mas masarap sa pakiramdam apag alam mong nabago ka ng mga pangyayari at naging mas tao ka.

9. Sumubok ng mga bagong bagay.
..para hindi boring ang buhay at mas matuto.

10. Live with no regrets.
..naks, English..dahil ang mga bagay na naganap na ay ginusto natin at minsan tayong napasaya.


Saturday, July 4, 2009

twists and turns

It's been a while since I've updated my blog, school's really eating my time, my emotions and everything else.

Last week seemed to be the longest and agonizing week in school since college.

Emotions bursted, tears fell and feelings were hurt.

A melodramatic twist in the smooth-sailing adventure called college.

Election is really, really tough. At the very last moment, our standard bearer backed-out and malicious leaflets against the Student Council spread like wildfire, avery good political tactic, right?

I overreacted and thought the Meeting de Avance is a chance so I could justify our actions and hopefully make the students aware that every peso that they have paid have gone a good, long way and not like what the other party is claiming.

I was so confident that I forgot that my voice was actually shaking and as a defense, I tried to louden my voice. Then all of a sudden, I felt really, really weak. I want to give up, go down that stage and let everything just pass me by. But looking to the eyes of our dear advisers, I decided to go on and tell the truth to the students, but they seemed to be too deaf to hear and too cynic to believe.

And lo and behold, I lost the elections the next day and it was game-over.

I was hurt but I didn't cry because I lost. Losing is inevitable and I tried to absorb the fact that when a door closes, a window will open and that there is nothing to cry about because what we have done to the college is incomparable and invaluable, maybe it has just to end there.

That afternoon, I was in my usual mood when Ma'am Jen, our prof. in Assessment II asked if I won, I shook my head and she asked why. I honestly don't know Ma'am, I replied. And then, she said her piece. "Alam niyo class, I really admire these students. Kasi kung titingnan niyo yung mga dating SC, talagang nakita ko na may nagawa sila sa college, lalo na sa inyo, nung enrolment nyo, isang linggo silang nakaupo, nagre-resibo kahit pa sabihin niyo na pinapa-meryenda sila eh wala namang sinusweldo mula sa college yang mga 'yan.

Service lang talaga.

At in fairness to them, madami silang nagawag pagbabago. Siguro iisipin niyo hindi ko dapat sinasabi ito kasi faculty ako pero nariinig ko kasi yung mga pangyayari noong Meeting de Avance, hindi talaga naging tama kasi kung naghahanap kayo ng perpektong lider, wala nun eh.

Kung tayo nga hindi perpekto, sila pa kaya?
At oo, may lapses sila, pero hindi maiiwasan 'yun kaya wala tayong karapatan na magsabi ng hindi magagandang salita sa kanila lalo na kung wala kang nagawang maganda at mabuti sa college.

At kung may nakita kang mali, dapat sana ginawan mo ng paraan sa sarili mo para maitama ito at hindi mo lang isisisi sa mga nakaupo lahat ng nangyayari.

Ang problema kasi sa atin, we fail to appreciate the good things, pero kapag hindi na maganda ang mga nangayayari, doon natin nakikita yung mga pagkakamali.

Kaya nga kung wala kang naitulong na maganda sa college at wala kang alam sa mga nangyayari, wag ka na lang magsalita."

Tears fell unconsciously and I was crying really hard for the very touching and comforting words from someone whom I would just casually greet "Good Morning" whenever I see her walking to her office.

And more than any pain that time, I cried because of happiness.
I cried because someone who I never imagined would say those very words actually did, and it just means so much to me, more than losing.

We filed a protest that day, and exchange of words between the electoral board chairman which happens to be my senior in Educator went really far. Our dean called both parties today to settle issues and what seems to be a clash between the two parties ended with tears, forgiveness and love.

Going through all these is not easy.
Friendships were tainted.
Relationships were broken.
Emotions flared.

Through it all, I have known myself better, I have loved myself a little bit more, I have known who my real friends are and I have known how to forgive and say sorry to the people that I have hurt. It is about time to rebuild the broken friendships, to mend broken relationships and forget the emotions for the benefit of a thousand more.

And just like what my advisers have told me, "Siguro hindi lang sa SC makakapag-lingkod. Malay niyo, maging mayor kayo. At alam naman natin yung totoo diba. Naging magandang training din ang SC sa inyo, sana madami kayong natutunan sa mga nangyari, basta lagi nitong tatandaan mga anak, nandito lang kami para suportahan kayo sa lahat. "

Iisipin ko na lang maganda ako. :)

Wednesday, June 17, 2009

I am nominated! :D

Yay! I was just browsing through various blogs in the web when I came across a site entitled "The Composed Gentleman", I never knew that my super-humble blog would be nominated. Haha. This is so cool. I am really loving blogging. :)

My blog is nominated!

I know it's a bit late for campaigning, but I won't give up. Hehe.

So please, please, I am asking for your support, it's just a click away anyway. :)

Thank you so much.

Prologue: AY 2009-2010

Supposedly, this year is my last year in school. Supposedly.

Flashback two years ago: Our section was composed of 50 college kids dreaming to be educators in a country where the educational system is questioned.

We all have our ideals. We firmly stand in what we believe that we can somehow effect change in the system. Our responses to our professors' question on why we chose an Education course is very simple: "We love children. We love influencing other people. We want to mold the young so they can be effective members of the society."

Years passed and the original 50 dreamers were trimmed to 40. What happened? Some shift courses, while most find jobs to sustain their education, but was not able to find time to study. And on the summer of that year, a friend returned home to the Big Guy Up There a day after her 18th birthday.

Junior year came.

We all came to realize that we cannot simply change the system, we realized that being a teacher is not that easy. Lesson planning sessions challenged our determination and patience and made us doubt if we really want to pursue what we have started. But then again, we were able to push through and had our first taste of demonstration teaching.

Senior year.
What will happen next?
We'll see.

AY 2009-2010, here we come! :)

What happened in 1st day?
1. I lost the presidency of the class for some reasons I still don't want to mention. :)
2. The terror Filipino professor is now baack!
3. The student council had our first meeting.
4. I didn't LIKE some of our instructors.

Sunday, June 7, 2009

The Green Eyed Monster

Blog-hopping all day finally took its toll on me.

All of a sudden, I am wanting a new lay-out, a new domain where I could control all the stuffs that I will put there.

Dang. I hate this. After seeing those pretty pinkish and cutie sites click after click, I am now a green-eyed monster.

How I wish I have that CSS and HTML coding thing. Seriously, I was thinking earlier of enrolling a ComSci course just to learn more about the web. Haha.

But on the other hand, I am thinking that a cute and pink lay-out is nothing without sensible blog posts aside from the random things or stories about celebrity scandals.

I have always admired bloggers who have encouraged me to write something which is somehow relevant to the readers of THIS space in the vast complex of world wide web, without even tweaking the good old blog templates on Blogger and Wordpress.

I will get over this.

I will get over this.

CIAO. Goodnight. :)


Kapitan Sino ni Bob Ong

Nabasa ko ang bagong libro ni Bob Ong.

Hindi gaya ng inaasahan ko, medyo ma-drama ang bagong libro nguni't mas malawak at malalim ang bawat titik at kapitulo ng libro.

Siyembpe, para ma-thrill kang basahin at para hindi ka ma-imbiyerna sa akin kapag kinuwento ko sa'yo ang daloy ng libro, hindi ako magkukuwento ng kahit ano.

Pero sasabihin ko sa'yo, ibang Bob Ong ang makikilala mo, mas totoo at malapit sa realidad na buhay Pilipino ang sinsalamin ng kuwento.

At marahil, pagkatapos mong basahin ang huling pahina ng libro, mas lalong tataas ang respeto mo sa isang manunulat na walang mukha nguni't hinahangaan ng marami.

Sa panahon at henerasyon kung saan tila hindi malinaw ang kahulugan ng pagiging Pilipino, binigyan ako ng aklat na ito ng bagong perspektibo sa pagtingin sa sariling bayan at sa mga mamamayan nito, madalas ay napapatango, napapangiti at napapailing ako sa mga nilalaman ng aklat tungkol sa karaniwang buhay Pinoy sa bansa.

Sana gaya ko ay mapukaw din ang iyong damdamin sa akda ni Ong. Sana lang din, gaya ng panawagan ng maraming manunulat, basahin natin ang mga aklat sa paraang dapat itong basahin, binubuklat at ninanamnam ang halimuyak ng mga ideya at pilosopiyang inilapat sa mga papel.

Sana bukod sa Twilight at Harry Potter, mabasa mo din ang mga akda ng mga lokal na manunulat, sana tulungan natin na maging best-seller ang mga akda ng kapwa nating mga Pilipino gaya ng pagtulong mo kay Stephanie Meyer at J.K. Rowling dahil may naghihintay na libreng bookmarks na pwede mong ipagyabang sa mga kaibigan mo kapag binasa at ninamnam mo ang Kapitan Sino ni Bob Ong.


Magandang Araw. :)



Saturday, June 6, 2009

learn. play. laugh. love. VOTE!

I have hated summer classes.

But if there's one good thing that I have learned to appreciate is the fact that I now hate being in the house all-day, checking my Friendster for new comments, checking my Facebook to play Pet Society and Sorority Life.

I hate vacations.

And here are some of the few things I've done during my entire vacation:

1. I've got a new haircut! :)

2.Had the time of my life during our High School mini-reunion. :)

3. Enrolled and was glad that I only need a 1.50 to be a College scholar (Sir Delim please read THIS!.ü)


4. Initially planned programs of action for the upcoming SC elections.

5. Blog-hopped.

6. Tried joining online contests, but never did. :)

7. Got an invitation from IYF for the World Camp in South Korea amounting to a whopping P50,000. (...and really, really thinking hard about it. hmmm.)

8. Got love-bugged by Lee-Min Ho. ♥

9. Finds Show Lo really, really adorable.

and finally...

Dahil AKO ANG SIMULA,
I registered for the 2010 elections!

SAY NO TO CHA-CHA, sabi nga ni Senator Chiz, angkinin nating mga kabataan ang eleksyon!
_______________________________________________________
♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥
mahalKO: ayoko sa kanila, ayaw din naman nila sa akin e.
aKO: hamu na sila, basta ikaw gusto ko.
mahalKO: ayun eh. kaya lab na lab kita eh.
AWW. sobrang cheesy talaga!

Sunday, May 24, 2009

Oh really.

I was browsing through a copy of the Philippine Star dated May15, 2009. I picked up the Entertainment section seeing John Lloyd's picture and read the article below it about his rumored break-up with his non-showbiz girlfiriend. Of course, this is not a showbiz blog, so before you get bored, I'll start the real story.

After reading the article, I flipped the page and saw the comic strips. Above it was the Horoscope section. Curious to what was my weekend love forecast, I read it.

GEMINI: A relationship doesn't have to be committed for it to be deeply meaningful.

TAGOS.


(itutuloy. hindi na nakaya ng powers ng mga salita para ilarawan ang gustong isulat dito. )


RAK EN ROLL.




Friday, May 22, 2009

Summer 09: FINALE

Summer classes officially ended!

Yay for the end of nerve-wracking, mind-tickling Philosophy classes and getting to know you sessions with Thales, Anaximenes, Karl Marx, Aristotle, Descartes and Heidegger.

Yay for the end of seemingly unending class reports, film analysis, and critiquing sessions.

Admission slip is coming in 3 days. Courage alert. :)

Monday, May 18, 2009

LSS: TABI.





Naranasan mo na ba
Mawalan ng makakasama?
Sa gitna ng daan
Hindi malaman ang pupuntahan

Huwag mag-alala
Hindi kita pababayaan
Sa iyong tabi
Ako ay iyong mahahawakan

Naranasan mo na ba
Madapa at masugatan?
Hawakan mo ako
Hinding-hindi iiwan


Okay. Mababaw talaga ako. Pero ngayon lang ulit ako na-LSS sa mahabang panahon. Noong marinig ko minsan sa TV yung kanta, napatigil ako sa paglalaba at pumasok sa bahay para panoorin 'yung music video.

Okay naman, kadalasan, hindi video yung tinitingnan ko para masabi na maganda para sa akin yung kanta pero yung mga titik nito at ang pagkakalapat ng mga titik at damdamin na ito sa isang melodiya. At masasabi ko na maganda yung kanta.

Maganda ang mensahe, kakaiba ang tunog at higit sa lahat, kakaiba ang boses ng bokalista ng Paraluman.

Sana magustuhan niyo din.

Suportahan natin ang mga musikang Pilipino! :)

Friday, May 15, 2009

EMO. fita.

May karapatan naman siguro akong maging emo ng mga 2 seconds, pero noong mga nakaraang araw pakiwari ko na-high ako sa paghithit ng usok ng mga sasakyan at alimuom ng bagong aspaltong highway sa kahabaan ng Lungsod-Agham ng Muñoz kaya naman naging emo ako.

Siguro cyclical na talaga ang pagiging emo ko. Parang yung, alam mo 'yun-kasabay ng pagbabago sa hormones, nagiging mataas din ang emo-meter ko sa katawan at ang resulta nito ay ang pagka-bangag ko sa klase.

AYON SA PAGKAKAINTINDI KO:

PROF: Alam niyo yung value na sigurista mai-a-attribute sa contraceptives noh.
Sige, sino sa tingin niyo ang mas segurista, babae o lalaki?
AKO (PROUD NA PROUD): LALAKI PO.
PROF: Bakit?
AKO: Kasi po gumagamit sila ng (humina boses) condom.

TUMAWA SILANG LAHAT. HINDI KO NA-GETS.
GANITO PALA ANG TOTOONG PANGYAYARI:

PROF: Siguro maaari nating i-attribute yung "walang lamangan" system sa mga issue ng simbahan at pamahalaan tungkol sa paggamit ng contraceptives.
Sa "sigurista" system naman, sino sa tingin niyo ang mas sigurista sa ating mga Pilipino, mga lalaki ba o babae?

AKO: LALAKI PO!

PROF: Oh sige, ikaw, bakit?

AKO: Kasi po gumagamit sila ng (humina boses) condom.

Tapos na pala yung sa contraceptive na yun nung sumagot ako. Anak ng bayabas na hinog. Kaya pala sila nagtawanan lahat, grabe. Nakakahiya yung sagot ko. Wahaha. Kill me, kill me. NOW!

'Yan, yan ang di kanais-nais na epekto ng pagiging emo at pag-iisip na walang nagmamahal sa akin bukod sa mga bacteria sa loob ng mga kuko ko na pilit kong pinapahaba.

... if only sadness can be concealed by humor. :|

Saturday, May 2, 2009

Building Sandcastles at Bolinao, Pangasinan

Finally!

I saw the beautiful beach of Bolinao after a six-hour trip from Nueva Ecija last April 24.
Bolinao is the last town of Pangasinan so it's really quite a long trip, not to mention the rough-road detour from Alaminos to Bani town proper and the rain.
We rented a PUJ since we are travelling on a really tight budget. :)
All nine of us, from the CEd-SC and our adviser really had a good time at Bolinao.
Not only because of its white beach but because of the hospitality of the locals.
We stayed at Bing's Resort. It offers various accomodations and the entire staff are very friendly! (even the owner himself!)

Enjoy the pics as much as I do! :)





Thursday, April 30, 2009

:|

halatang-halata na tinatamad ako mag-blog sa dalawang huling post ko, pero babawi ako ngayon dahil sing-lamig ng December air ang hangin ngayon. (anong konek? :|)

IRITA.
Nagda-dalawang isip ako kung magpapa-rehistro ba ako para sa 2010 election o magpa-tangay sa agos gaya ng maraming kabataan na walang ibang iniisip kundi ang takasan ang bansang nag-kanlong, humulma at tumanggap sa kanila.
Nakaka-irita ang pag-po-propose sa national TV, hindi romantic at lalong hindi sinsero.
Nakaka-irita ang pagpupunas ng kunwaring putik sa damit.
Nakaka-irita ang pagbabangayan ng mga mambabatas dahil nasasapawan sila ng exposure.
Nakaka-irita ang pagmamalinis ng ibang politiko.
Nakaka-irita ang biglaang pagtatayo ng gym, pagpapa-ayos ng baku-bakong daan, pagdadaos ng mga job fair at pag-bisita sa mga limang taon nang naka-tiwangwang na proyekto.

Habang lumalapit ang eleksyon, pakonti nang pakonti ang natitirang pinamimilian ko bilang susunod na presidente ng bansa. Sana, umabot sila hanggang sa eleksyon.


NOVO ECIJANO.
Tama si Cong. Edno Joson sa ipinasa niyang panukala na pagbawalan ang mga kongresista sa pagbiyahe sa ibang bansa upang manood ng laban ni Pacquiao.
Kung yung mga na-kidnap na seamen, inabusong domestic helpers, mga nahatulan ng bitay sa iba't-ibang parte ng mundo na higit na nangangailangan ng tulong ng mga lider ng bansa hindi nila mapuntahan, bakit si Pacauiao kailangan pang puntahan?!
Baka nga naman madaya sila sa pusta nila na anila'y personal na pera nila.


MASAMANG BALITA.
Napaka-sama ng balita.
Hindi ko na yata itutuloy ang pag-takbo bilang presidente ng samahan ng mga mag-aaral.
Ang gulo.



Wednesday, April 29, 2009

blackness

I switched background colors for my site.

Black uses less energy than white and colored ones.

It's time to do our part in taking care of Mother Earth.

Cheers to all. :)

Monday, April 27, 2009

HIATUS


Summer's really stressful but beautiful.

I was able to see the beach for two days! Yay!

Will post more pics soon or you can find them at my Friendster account. :)

Hugs for the cold rainy nights.

Monday, April 20, 2009

toinks

hirap na hirap naman yung CPU namin sa pagu-upload ng pics. 2 araw ko na ginagawa yung blog ko eh..............
:|

Sunday, April 19, 2009

differences

I was browsing through my Friends' list at my Friendster account when I saw a former CLSUan whom I've sent a friend request before because he ranked 1st in the CLSU-Admission Test.

As I was looking at his profile, I found out that he has transferred to a private school in Manila.

Like so many stories that unfolded before me, his is not different.

I once thought of transferring to SLU to take up what I really wanted, Mass Communication or at WU-P and join the Nursing phenomena, or stay in the university that I have adored and respected since high school.

I opted to choose the latter.

Then I asked myself why.

For two semesters, I underwent through the dilemma of what path should I take and what dream should I pursue.
It was real-hard having to choose from what is there to see and experience in a university where I know a few people and the ability to live a comfortable life in a place where you have your friends or your sister.

But in the end, I stayed in my university and tried to make my stay worth it, and I can say that I have no regrets.

Now, whenever I hear CLSUans who are my former school-mates in high school having plans of transferring to another school, "hindi nila kinaya", I would say to myself.

Living in a university located in the far-north of Nueva Ecija isn't really easy for students who came from the southern part of the province, you have to deal with the Ilocanos who speak their native language as if they are talking about you and you cannot understand a thing because you only speak and understand Tagalog and that is the first time you hear the Iloko language in your entire existence.

Secondly, the real CLSU life happens in the dormitories and cottages where I have learned countless ways to eat without spending even a centavo, having a yummy dinner with just 20 pesos and picking that mango fruit smiling at you even if it is prohibited.

Then, there are the dorm residents who would scare you that you cannot live in a dormitory because you are too lazy to get up early in the morning and clean the assigned area for your room.

These are my frustrations before, I felt that I don't belong to the Iloko-speaking peeps, but then, I have learned to adopt to it over-time, trying to learn the language and asking my friends to teach me and interpret the joke our professor just said.

Differences are indeed inevitable.

I am just lucky that I was able to adopt to the transition between the world that I knew in high school and a much bigger world waiting to be explored in college.

And though I have doubted my decision and my ability to learn new things, I have no regrets for the dilemma that I went through, because it have made me realized that I could do things more that what I thought I could.

I just hope that students who have plans of transferring to another university especially my school-mates in high school, would bring with them a bunch of good memories and lessons learned in their short stay in the university.


Tuesday, April 14, 2009

The Filipino Stereo-type

"Mama, hindi ako ga-graduate sa isang taon."

I told my Mom during our dinner.
Of course, like every parent, she asked why.
I simply told her I will not be able to enroll Off-Campus Student Teaching by the second semester because I have to enroll all the subjects required for me to go practice teaching.

"MADALI LANG NAMAN ANG EDUC AH!"

It's confusing hearing those words from people who think that Education is an easy course. Of course it was, but things are a lot different now.
While most third year students only have 20 units per sem, we have 28 units, full load, and if you're trying to make-up for your back subjects, I wish you Good luck.
It is not easy to be a teacher.

While many people label most Education students as "bobo" and while most old folks think that Education is for students and parents who cannot afford a Nursing course, I want to have a good debate with them because I firmly believe that the stigma that the society has posted upon Education students is not true anymore. Maybe it was before, change is inevitable, right? Besides, I know many Education students who can afford a Nursing course even in good schools, but still pursued what their hearts and minds really desired and tried not to join in the Philippines' national course phenomena by enrolling a Nursing course.

The CHED memorandum circular directs all Teacher-Education institutions to provide a curriculum for Elementary Education that will cover all the subjects in the elementary level, thus adding another year for the Education course, simply put, we will be majoring in ALL the subjects, and it's not easy like those found in elementary textbooks.

In a state university who can barely provide means and ways for its finances, the subjects are compacted to 28 units per sem and 9 units every summer.

Again, I am wishing the students who have back subjects good luck with the Calculus, Taxation, Economics, Physics, Astronomy and Chemistry.

Now, are those subjects taught in elementary?

Who can say that it is THAT EASY?


Monday, April 6, 2009

The Great Depression


1. DISASTER DEMO.

School is far from over and the post finals week is really depressing.

Our demo teaching for Principles of Teaching II which will cover 30% of our total grade finally took place. I was somehow glad that I was demonstrator #24, because I could at least prepare a bit longer than the first fifteen demonstrators.

Everyone was busy preparing the visual aids, learning materials and motivational activities.


*** A Science experiment during the demo about soil erosion.
I was supposedly scheduled on he 2nd day, but our prof. had fever during the afternoon session, so she finished the demo at 4 PM.

I immediately went home to finish my remaining visuals and practice the flow of my lesson. I slept early so I could have enough energy for tomorrow.

The next day is the big day.

I was surprised when my classmates told me that there are two demonstrators who will not be able to do their demos before me. That means, I will be next after the first demonstrator that morning.

And all that I felt was weakness.


I literally fell on my knees, trying to still convince myself that I will be doing the demonstration at the afternoon session.

I grudgingly laid my visuals on the floor and began erasing the guidelines I used in cursive writing on my visuals and realized that my eraser shed the most rubber it could in less than 10 minutes.

I began cutting strips of paper for the borders of my flashcards, then I ran out of paper. The first demonstrator is about to finish.This is what I call disaster.

I want to cry, but I don't think it is the most rational thing to do at the light of mishaps and mistakes.


I asked the demonstrator next to me (since she's already prepared) to take my place and demonstrate, thanks to the Gods, she understood and said Okay.

Half-way through her demo, I finished preparing the visuals aid and began composing myself. Fortunately, our professor gave a 10 minute break, but still, my heart is very heavy to do the demo. I felt like all my preparations have been put to trash and all that I could do at that very moment is to tear the visual aids to tiny pieces and throw them at the nearest trash can.

I started my demo wearing a fake smile. I sang my Opening Song out of tune and I skipped four parts of the lesson plan, Unlocking of Word Difficulty, Recalling Standard for Silent Reading and Reading of Guide Questions.

I realized I just made the dumbest thing in my entire life as a teacher wanna-be.
Skipping parts of a detailed lesson plan which I patiently made for a month or so, with two major revisions before I can put it on Final Form that is.

I never dared ask myself what happened because from the very stat I knew what happened- my mood swung drastically because of the news that I only knew during the first demo that day. ( Obviously, I did not apply the 90-10 principle by Stephen Covey. Darn. )

I cannot have anybody to blame at my poor demo except myself, myself who have been wearing a smile early in the morning, thinking that my demo will be on the afternoon.

I got a grade of 84. I deserve it.

But I really, really think I could earn more than that, if only.........



2. I PROMISE NOT TO DRIVE A MOTORCYCLE AGAIN!

I really wanted to learn how to drive a motorcycle, since the boys said that if one knows how to ride a bike, then it'll be easy to learn how to drive a motorcycle.

I never experienced riding in a motorcycle and I was already in 2nd year college when I learned how to ride a motorcycle. Hehe.

I was bugging my MahalKO to teach me how to drive, so one day, on our way to Old Market, he asked me to drive it.

I was driving smoothly while he guides me to drive all by myself, not until we have to make a left turn to park the motorcycle.

He was aking mo to step on the brakes without even teaching where the fu***ng brakes are located. "Basta tapakan mo" he even said knowing that there are many "tatapakans" in a motorcycle, left and right.I thought he would step on the brakes since I don't have a fu***ng idea where in the many "tapakans" the brake is, but I was shocked when I saw a man in brown behind a white Honda car,riding a bicycle about to crash into us.

BAM. We hit the bicycle.

The side mirror of the motorcycle broke into pieces and I fell flat on the ground.

The NATO drivers and Old Market vendors were staring at us and all I wanted to do is to wear an invisibility cloak or hypnotize everybody to forget what Jessamyn Ferrer had just done.

Again, thanks to all the Gods again that the man was not hurt and his bicycle had no damages.

A group of people are now staring at me as if I murdered someone, they happen to be members of Alpha Phi Omega fraternity and the man is their brother.

Woooh. This is unbelivable, I just hit an APO member.

MahalKO immediately approached the group and apologized for what happened.

Now, they are smiling and exchanging jokes. Thank you Lord.

I was tongue-tied for the longest time of my entire existence, and all I could do that time is to hit MahalKO at his back.


When an APO member told me that "Gagaling ka na mag-drive niyan, nadisgrasya ka na eh." , I gave him a smile and said to myself,
NO, I WILL NOT TRY TO LEARN HOW TO DRIVE A MOTORCYCLE AGAIN!!!!!!!!!

BTW, the side mirror stashed my precious savings a hundred and fifty pesos. I still have the broken side mirror with me. :D

Sunday, March 29, 2009

gusto ko ng mag-shift.

PEKSMAN.

Gusto kong lumipat sa BSEd or PRE-SCHOOL ED., sa kadahilanang Math 1 at 2 lang ang Math subjects sa English Major at Pre-School.

Nababagot ako tuwing naiisip ko na isang summer at dalawang sem na lang ang natitira sa akin pero APAT na Math pa ang kailangan kong kunin.

At nakakainis nang malaman ko na kaya ko palang makatapos ng Cum Laude kung pinagtiyagaan ko ang mga PE at Math subject ko. F*ck.

Kailangan nang ayusin ang buhay ko.

Huli na kasi ang lahat para sa pagsisisi.

Limang taon, bigyan nawa ako ng limang taon ng mga magulang ko para makapagtapos.

:(

Tuesday, March 24, 2009

stress buster!

Copied from Quintessential Babble. :)

Direction: Google "yourname(space)needs" then list down the search results.

1. I need to stay vigilant.
  • Oh yeah, I really think so. :)
2. I need to to come over soon to check out the play room & new toys.
  • Toys. Is it really obvious that I am childish? hehe.
3. I need to hear Grey's anatomy pictures, videos, images and albums from Webshots.
  • Whatever. Grey's anatomy is so 2007. ^^v
4. I need to to take English lessons.
  • I think everybody needs it. :)
5.I need to to clean it up.
  • Yeah, I guess "it" is my room.
6. I need publicity.
  • Not really. ;)
7. I need to to send a PM to EmpireFJ
  • Who the hell is EmpireFJ????!
8. I need to to release magic before Líana can steal the magestone.
  • Yay! I have magic, really?!
9. I need a house.
  • Somewhere near a beach please. :)
10.I need some rest
  • I badly need.

haggardness in its truest sense.

ayoko ng mag-aral!


arghness.


Bro, bigyan niyo naman kami ng bakasyon kahit isang buwan lang para makpag-babad sa beach at maranasan ang summer.


hays...........

Sunday, March 22, 2009

mabilis lang 'to. :)

I already canceled my Multiply account.

Pero sa kadahilanang nangangailangan kami ng laptop ay sumali kami ni MAHALko sa isang promo ng Whisper sa Multiply, gamit yung account niya.

Kaya naman, I am asking for your support by voting us in this link.

This is open for Multiply users only, kaya sana pagbigyan niyo kami guys. :)

Thanks in advance po.

** if you have friends na Multiply users, please ask them to vote for us too, thanks much. :)

Friday, March 13, 2009

sino ang badet?

Unang-una, wala akong galit sa mga kapatid nating bading/bakla o whatever you want to call them. Marami akong kaibigang miyembro ng pederasyon at tanggap ko sila, kaso may isang pangyayari sa buhay ko kaninang tanghali sa pag-sakay ko ng traysikel kasama si MahalKO.

Ganito kasi 'yun, nasa kahabaan kami ng Osmeña Avenue (isang residential place sa loob ng aming pamantasan kung saan matatagpuan ang staff cottages at Osmeña Dorm na kung saan naman nakatira sa MahalKO. ü) nag-aabang ng traysikel papuntang Main Gate para umuwi sa bahay-bahay namin.

May dumating naman na traysikel, kaso may sakay sa loob. Ayos lang, hindi naman maiiwasan 'yun. Ayun, si Pa-Pogi Guy, nakaupo na sa loob. Karaniwan, kapag may lalakeng naka-sakay sa trike, tapos may sasakay na babae, ang gagawin niya eh lilipat siya sa likod ni manong, side-kick ang tawag dun diba? Pero kakaiba 'tong taong to. Ang ginawa niya, nag-lean forward pa siya na parang sinasabi na "SPACE KO 'TO!!!!!!! NABILI KO 'TONG TRICYCLE!!!!!!"

Hay, nakakainis talaga, napaka-bastos niya! Buti sana kung wala kaming dalang malalaking bag ni MahalKO kaso meron! Imagine-in mo naman yung pinasikip niya yung tryke tapos hindi ako magkanda-ugaga sa pag-upo dahil nga marami akong dalang gamit, kung maka-asta siya akala mo napaka-POGI, napaka-LINIS at NABILI niya ang tricycle!

Anak ng Bega. Kung sino ka mang FEELINGPOGI ka. Hay naku. Nakakainis ka, kinakabog mo ganda ko ateh, para kang hindi tunay na lalake tuloy!
Ang bastos mo! :)