halatang-halata na tinatamad ako mag-blog sa dalawang huling post ko, pero babawi ako ngayon dahil sing-lamig ng December air ang hangin ngayon. (anong konek? :|)
IRITA.
Nagda-dalawang isip ako kung magpapa-rehistro ba ako para sa 2010 election o magpa-tangay sa agos gaya ng maraming kabataan na walang ibang iniisip kundi ang takasan ang bansang nag-kanlong, humulma at tumanggap sa kanila.Nakaka-irita ang pag-po-propose sa national TV, hindi romantic at lalong hindi sinsero.
Nakaka-irita ang pagpupunas ng kunwaring putik sa damit.
Nakaka-irita ang pagbabangayan ng mga mambabatas dahil nasasapawan sila ng exposure.
Nakaka-irita ang pagmamalinis ng ibang politiko.
Nakaka-irita ang biglaang pagtatayo ng gym, pagpapa-ayos ng baku-bakong daan, pagdadaos ng mga job fair at pag-bisita sa mga limang taon nang naka-tiwangwang na proyekto.
Habang lumalapit ang eleksyon, pakonti nang pakonti ang natitirang pinamimilian ko bilang susunod na presidente ng bansa. Sana, umabot sila hanggang sa eleksyon.
NOVO ECIJANO.
Tama si Cong. Edno Joson sa ipinasa niyang panukala na pagbawalan ang mga kongresista sa pagbiyahe sa ibang bansa upang manood ng laban ni Pacquiao.Kung yung mga na-kidnap na seamen, inabusong domestic helpers, mga nahatulan ng bitay sa iba't-ibang parte ng mundo na higit na nangangailangan ng tulong ng mga lider ng bansa hindi nila mapuntahan, bakit si Pacauiao kailangan pang puntahan?!
Baka nga naman madaya sila sa pusta nila na anila'y personal na pera nila.
MASAMANG BALITA.
Napaka-sama ng balita.Hindi ko na yata itutuloy ang pag-takbo bilang presidente ng samahan ng mga mag-aaral.
Ang gulo.
hindi naman sa gusto kitang pahirapan pero... pag di nakialam ang mga bata, mangungunsumi kayo sa mamanahin niyong bansa kapag kayo na ang tumanda. bumoto kayo. exercise your right to ignore those who do not deserve your vote. better still, write them letters and tell them they suck.
ReplyDeleteyes, in my view, THAT proposal embodies a new low in campaigning. from someone who was born into money and pedigreed, he should have taste.
run for office. believe me, the experience you will gain in leading your group will be helpful once you are in the workplace.
o ha? dami kong payo. plis lang huwag mo akong tawaging ate.
maraming salamat sa mga payo. :)
ReplyDeletemedyo naliliwanangan na ako.
may ilang buwan pa ang mga nagbabalak maging presidente para makumbinsi akong sila ang dapat kong iboto.