May karapatan naman siguro akong maging emo ng mga 2 seconds, pero noong mga nakaraang araw pakiwari ko na-high ako sa paghithit ng usok ng mga sasakyan at alimuom ng bagong aspaltong highway sa kahabaan ng Lungsod-Agham ng Muñoz kaya naman naging emo ako.
Siguro cyclical na talaga ang pagiging emo ko. Parang yung, alam mo 'yun-kasabay ng pagbabago sa hormones, nagiging mataas din ang emo-meter ko sa katawan at ang resulta nito ay ang pagka-bangag ko sa klase.
AYON SA PAGKAKAINTINDI KO:
PROF: Alam niyo yung value na sigurista mai-a-attribute sa contraceptives noh.
Sige, sino sa tingin niyo ang mas segurista, babae o lalaki?
AKO (PROUD NA PROUD): LALAKI PO.
PROF: Bakit?
AKO: Kasi po gumagamit sila ng (humina boses) condom.
TUMAWA SILANG LAHAT. HINDI KO NA-GETS.
GANITO PALA ANG TOTOONG PANGYAYARI:
PROF: Siguro maaari nating i-attribute yung "walang lamangan" system sa mga issue ng simbahan at pamahalaan tungkol sa paggamit ng contraceptives.
Sa "sigurista" system naman, sino sa tingin niyo ang mas sigurista sa ating mga Pilipino, mga lalaki ba o babae?
AKO: LALAKI PO!
PROF: Oh sige, ikaw, bakit?

Tapos na pala yung sa contraceptive na yun nung sumagot ako. Anak ng bayabas na hinog. Kaya pala sila nagtawanan lahat, grabe. Nakakahiya yung sagot ko. Wahaha. Kill me, kill me. NOW!
'Yan, yan ang di kanais-nais na epekto ng pagiging emo at pag-iisip na walang nagmamahal sa akin bukod sa mga bacteria sa loob ng mga kuko ko na pilit kong pinapahaba.
... if only sadness can be concealed by humor. :|

nyahaha...lumilipad ang utak. Kasi dapat kapag malungkot ka..wag ka na pumasok (bad advice) lols!
ReplyDeletehaha. may point ka. :)
ReplyDeleteanyway, I am okay now. :)