Mula nang naging presidente si GMA, dumami bigla ang holidays, nauso ang salitang "long weekend" dahil sa paglilipat niya ng holiday.
Aaminin ko noong una, walang pagsidlan ang kaligayahan ko pag walang pasok. Pero ngayon hindi na talaga. Isipin mo naman isang linggong atrasado ang klase sa lahat ng pamantasan sa Pinas dahil sa H1N1, nasuspinde pa ulit ng sampung araw dahil sa 5 kumpirmadong kaso ng H1N1 sa liblib na pamantasan, nawalan ng klase noong Intrams, at nuknukan ng daming dinedeklarang holiday ni GMA.
Wala namang kaso ang mga holiday na dinedeklara ni GMA kaya lang, minsan talaga hindi naman kailangan. 'Yung kay Presidente Cory, ayos 'yun kasi malaki talaga ang nagawa niya para sa bansa at ramdam mo talaga na napakalaking bahagi ng bansa ang nawala sa paglisan niya.
Pero 'yung holiday sa Lunes, hindi ko alam kung ano ang basehan ni GMA. Pre-dominantly Catholic country naman ang Pinas at hindi naman lahat nakakakilala kay Ka Erdie. Naiitindihan at nirerespeto ko na isang respetadong religious leader si Ka Erdie, pero hindi kaya "political" ang rason ng pangulo na mag-deklara ng holiday? Ewan ko lang, pero sa dami ng politikong dumadalo sa burol niya kaysa sa burol ni dating Pangulong Cory na sabay sabay pang pumupunta eh mukhang pasok sa banga ang iniisip ko. Okay, wag akong sana akong awayin ng mga kapatid. :)
Kaya lang kasi, wala na kaming natutunan. Puro make-up class, delayed na exams at tambak na requirements na dapat magawa in the remaining days of the sem. Eh wala na nga kaming sem-break eh. Kulang na lang ata huwag kaming matulog sa pagre-review, paggawa ng research papers, lesson plan, visual aids at walang katapusang projects and assignment na hindi pwedeng ipagawa kay Ate at Kuya at lalong-lalo na kay Nanay. (and the best in reklamo award goes to.........)
Siguro hindi lang ako ang makakapagsabi nito, kasi parang hindi sulit yung binabayad namin (kahit nasa State U ako) . Madaming nagsasabi passive ang mga kabataan, pero paano nga ba kami makakapag-organize ng activities kung walang participants dahil busy sa pagpasok tuwing Sabado at tambak ang gawain tuwing school days?
Okay hihinga muna ako ng walang kasing-lalim at susubukang intindihin ang bagay-bagay. Hindi na naman ako makakapag-pa-meeting sa Lunes. Huhu.
Ako ay EIC (ang yabang ko).
Pakiramdam ko kawawa ang pahayagan namin.
Kasi ngayon ko nararamdaman ang preysyur at hirap bilang tagapamahala ng grupo.
Wala kaming opisina, well meron pero hindi functional kasi naka-lock lagi yung room na kinalalagyan ng opisina, conference room kasi 'yun.
Ibig sabihin, wala kaming gamit well meron ulit, isang old-aged computer na natatakot akong buksan dahil baka ugatan ako sa paghihintay na mag-boot ito. Merong malaking plastic na cabinet na tambak ng papel, lumang cork board at picture frame ata 'yun?
Walang printer, DSLR camera at lens (ambisyosa!)
Kaya naman sariling kayod ang lola mo sa pagkuha ng litrato, nakiki-gamit ng laptop ng may laptop para lagyan lang ng virus, nakiki-print sa printer ng iba at gumagamit ng charm sa panghihingi ng papel, push pins at kung anu-ano pa sa mga nakaririwasa.
Pero okay lang 'yun, hindi naman naging hadlang yung mga bagay na wala kami para makapagsilbi kami sa mga estudyante at sa kolehiyo namin. At sa tingin ko, higit sa mga materyal na bagay, pagmamahal sa pagsusulat at puso para sa pagsisilbi ng walang kapalit ang kailangan para masabi na kaya mong gampanan ang responsibilidad na naka-atang sa amin.
Nais kong pasalamatan ang mga Educator staffers sa walang sawang pagsisilbi at pagsusulat para sa mga estudyante.
O siya, tama na ang pag-e-emote ko dito at baka pagalitan na naman akira.

******************
EIC

ok din si GMA noh. next thing u know every week may holiday na..
ReplyDeleteuhm, parang ganun na nga. 'yung tipong mao-orient ang mga Pinoy na okay lang ang long weekend at apat na araw lang ang pasok. hahai.
ReplyDelete