Friday, May 14, 2010

Fourteen

Paunawa: Lubhang ma-emong post, maaring i-click ang x-button sa itaas. :))

Naramdaman mo na ba na parang wala ng spark 'yung relationship mo sa isang tao? Oo, mahal mo siya pero hindi ka na masaya. Oo, mahal mo siya pero hindi mo na kayang tanggapin lahat ng ginagawa niya-parang sila Popoy at Basha sa One More Chance, pero ayaw mo pa din bumigay, naniniwala ka pa din na isang phase lang 'to ng relasyon niyo na kaya niyong pagdaanan at pagkatapos noon, okay na ulit ang lahat.

Naramdaman mo na ba yung sobrang kasiyahan mo kinabukasan magiging kalungkutan -walang pahintulot, walang babala-biglaan.

Nagugulahan ako, ayokong bumigay pero sa tuwing nakikita ko siya, nalulungkot ako, nalulungkot ako dahil baka ako ang maging dahilan ng pagsisi niya sa huli, nalulungkot ako na hindi niya nagagawa ang mga bagay na gusto nyang gawin dahil ayaw kong pumayag, nalulungkot ako dahil natatakot ako na ang maging kapalit ng kalayaan niya na gawin lahat ng gusto niya ang ang kalayaan niya mula sa akin. 

Pero 'diba sabi naman nila, kung kayo, kayo. Kung hindi, hindi. May mga taong sadyang ibinigay sa atin upang turuan tayong magmahal, lumuha, magalit, tumawa, maglambing, maging mga tao na ni sa hinagap ay hindi natin inakalang magiging tayo- at sa oras na natuto na tayo, matatapos na ang kanilang misyon at iiwan nila tayong nakatayo sa sarili nating mga paa-malakas, hindi mabubuwal at mas mabuting mga tao.

Pero ang masakit doon hindi nila tayo tinuruang maging handa sa oras na lilisan na sila....

Nagugulahan ako, pero iisang bagay lang ang alam kong malinaw- hindi ko pa kayang maiwan, hindi ko pa kayang bumigay-parang bisyo, kahit alam mong nakamamatay, sadyang mahirap tigilan-hanggang hindi pa iniinda ng katawan mo ang lahat ng sakit-sige pa din.

Pasensya na sa ka-dramahan, nasipa ng kabayong pula e. 


9 comments:

  1. Emo mode lang ading. :)
    Salamat sa pagdalaw at pag-iwan ng komento, sana bumalik ka ulit.

    ReplyDelete
  2. wag kang bibigay ate.... minsan kailangan lang ijump start ang isang relationship... basta do some things na beyond sa normal na ginagawa niyo...

    ReplyDelete
  3. @saul krisna -- naku nakakahiya naman, pinapayuhan ako ng nakakabata sa akin. hehe.
    salamat sa payo mo, mukhang bihasang-bihasa a.:D

    ReplyDelete
  4. aw, i know how it feels. pero siguro iba lang ako because i chose to let go. i hope it works out.

    ReplyDelete
  5. kung wala po spark? bka d tlaga kayo para sa isa't isa...

    ReplyDelete
  6. ARYAN - ang hirap ano? :(

    YRAUNOJ- sobra ka naman. hehe. ewan ko, but I'd still like to believe na kami talaga-sana nga...

    ReplyDelete
  7. kaya mo yan jessa. =) if you need help just text me. =)

    ReplyDelete
  8. hehe pero wag ka parin mawaln ng pag asa! ^^, hehe nga pla may bago kong update sa blog ko bka gus2 u visitahin! ^^

    ReplyDelete