Saturday, May 8, 2010

Confused.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'tong post na 'to, Mother's Day pa naman bukas. :(

Ganito kasi yun e, may problema sa pamilya niya yung isang kaibigan ko, tapos sa'kin niya sinasabi lahat ng nararamdaman niya-lahat ng anger niya sa pamilya niya, like pag nagka-pera siya lalayas siya tapos di na siya magpapakita. 

Pero ang pinakanakakatakot dun is that he's telling me na ang pinakamadaling paraan lang naman daw para matapos ang problema niya is to end his life-since doon din naman daw tayo pupunta lahat. 

I asked him kung kaya niya bang iwan yung mga taong nagmamahal sa kanya? Sabi niya hindi naman daw lahat magpapa-apekto kapag nawala siya- and that death is a natural process that we would all go through eventually.

Sinubukan ko na lahat para hindi sulsulan yung mga sinasabi niya, naging careful ako sa pagbibitaw ng salita kasi nga hindi naman ako yung nagdadaan sa pinagdadaanan niya. Sinabi ko din na kausapin niya yung mga magulang niya para sabihin yung totoo nyang nararamdaman sa set-up ng pamilya nila-pero wala din, hindi naman daw sya pakikinggan ng mga magulang niya,.

Kaya hindi ko na talaga alam gagawin ko. Hayyy.

 Ano pa ba pwede kong gawin??

5 comments:

  1. Para sakin? Na gawa u na ung dapat gawin bilang isang kaybgn.. Un ai ung payuhan sya ng tama.. Pero kung gus2 nya mawala sa mundo? Iplwnag u po na.. Pg sya ang kumitil s knyang buhay mapu2nta sya s hell..

    ReplyDelete
  2. Thanks Yraunoj. :)
    Actually may kaibigan na din ako na nagpakamatay before, kaso yung sa kanya naman wala syang sinabihan ng problema nya, kaya ngayon gusto ko talagang makatulong.

    ReplyDelete
  3. base sa mga napagaralan namin sa psych nursing, kailangan talaga ng ibayong pagbabantay sa mga ganyan. lalo ng lalaki siya.. sa statistic daw, mas less ang guys na nagaattempt mag suicide, pero mas higher yung success rate, unlike sa girls, mas marami nagaattempt, mas less successful.

    try mo lang magbuhos pa siya sayo ng hinanakit. at wag kang magbibigay ng advice.. ipaelaborate mo nalang siya ng ipaelaborate ng problema niya.. tapos..

    syet nalimutan ko na yung iba. sorry. pero mas maganda kung wag ka na magbigay ng advice, kailangan lang ng kausap at constant reassurance na may mga taong nagmamahal sakanya.

    ReplyDelete
  4. try mo na rin ang divine intervention.. tapos baka makapagsuggest ka ng activities na madadivert yung attention niya dun. siguro try mo rin i-encourage siya mag active nalang sa church.:)

    ReplyDelete
  5. Aww. daming naitulong ni Aia. Thanks much. :))
    Sabi din ng iba kon friends e wag na daw akong magbigay ng umsolicited advice kasi hindi din daw ako makakatulong, minsan pala ang gusto lang ng lalake e yung makapaglabas lang sila ng hinanakit nila sa mundo! Haha.

    Thank you talaga. gagawin ko lahat ng sinabi mo. BTW, he's getting better now,medyo pabiro na lang yung mga sinasabi niya about ending his life. Thanks talaga. :)

    ReplyDelete