Monday, May 10, 2010

Green Force

Noong mga unang araw ng kampanya, dilaw ako pero ewan ko ba, bigla na lang ako napaisip nung mga nakaraang araw, ginalugad ang internet tungkol sa mga plataporma ng bawat kandidato, nanood ng iba't-ibang debate sa YouTube hanggang sa naglaban ang dilaw at luntian sa isip ko. Sa mismong eleksyon na lang ako magdedesisyon- sabi ko, impulsive talaga ako e. 


First time voter ako kaya naman hayaan niyo nang ipagmayabang ko na nakaboto na ako sa kauna-unahang automated election ng Pilipinas kong mahal. Hindi gaya ng karamihan na inabot ng tatlo o apat na oras sa pilahan, no sweat ang pagboto naming pamilya, madalang kasi ang tao sa presinto namin kumpara sa ibang presinto. Mababait din ang mga BEI, teachers at PPCRV volunteers na nasa paaralan.

Maraming reklamo tungkol sa PCOS machine, pero gaya ni austenfan, at ire-reblog ko ulit (wala din akong intensyong mang-away) na hindi ang PCOS machine mismo ang may problema, kadalasan ang mga taong gumagamit nito ang wala talagang sapat na kaalaman sa ganung klase ng makina. 

Wala naman sigurong masama sa mga problema sa automated elections, unang beses pa lang po ito ginagawa sa ating bansa- at ang totoo, karamihan talaga sa mga Pilipino,ay takot sa kompyuter o minsan lang sa buhay nila naka-tipa ng keyboard, PCOS machine pa kaya na kinakain bigla-bigla 'yung papel mo at may lalabas na mensahe sa screen? 

Patuloy na lang tayong magdasal, mag-matyag na magiging matagumpay, malinis at mapayapa ang ating eleksyon at kung sinuman ang manalo, suportahan na lamang natin sila. :)

*****
Green Force= Jamby  (HAHA. JOKE LANG.SULONG G1BO ako. :))

7 comments:

  1. nice1 Jessa... aba'y pagkaganda mo pala, hindi bagay mabahiran ng tinta ang iyong mga daliri. :P

    ReplyDelete
  2. hehe ako rin 1st time voter rh ^^, Gibo Binay kaso mukang si Binay lang lalabas ^^

    ReplyDelete
  3. ang cute ng pic mo, an sexy sis.. hahaha
    nakakaakit.. hahaha

    ReplyDelete
  4. BULAKBULERO and EJAY, Naku naman. Wala po akong pera ngayon. Hehe. Salamat na lang kung nagandahan kayo sa piktyur ko. Hehe.

    YRANUOJ, Pareho tayo ng binoto!! Haha. Pero parang nanghihinayang ako kay Roxas.

    ReplyDelete
  5. gibio din ako, hindi nanalo yung manok natin.

    ReplyDelete
  6. hello, this is a nice blog. very open. buti ka pa voter na, ako, never been voting at my age of 30. please visit my blog too, i have an entry why i have not vote since.
    ill keep coming back to your blog.

    ReplyDelete
  7. RAH, oo nga, basahin mo 'yung post na 'to (http://mayamanako.blogspot.com/2010/05/post-mortem.html), mag-a-agree ka sa mga nakasulat. :))

    ANYTHING VANESSA, ang haba ng pangalan mo, hehe. salamat sa pagdalaw mo, balik ka lagi. :)) sure, I'll read your blog. :)

    ReplyDelete