Friday, August 28, 2009

Si Madam

2 buwan.
2 buwan na lang dapat magpa-practice teaching na ako.
Pero hindi, sumablay ako eh. Malay ko ba na wawakasan ng Math ang pangarap kong gumradweyt with honors. Pero okay lang, MOVE ON na.

Ilang beses na din kaming nang-aabala ng mga Principal at Teachers sa iba't-ibang elementary school.

Ilang beses nang nakikipag-titigan sa mga estudyante na binabati kami ng: "Good Morniiing Visitorsssss!" at "Gooodbye and Thank Yoouu Visitors!".

At higit sa lahat, madaming beses na kaming nagre-reflect at pakiramdam ko nga ay nag-cu-cue in sa utak ko ang lyrics ng Reflection ni Lea Salonga sa tuwing susubsob kami sa pagsagot ng mga manual namin sa Field Study.

Masarap mag-observe sa mga paaralan, masarap makipag-kwentuhan sa mga teachers na karamihan ay nagtataka kung bakit namin piniling magturo.

Madaming beses na ako ang ipinapain ng mga kaklase ko sa pakikipag-usap at pagbibigay ng sulat sa principals at hasang-hasa na ako sa pag-ngiti at pagiging magalang sa harap nila.

Pero kamakailan lang, hindi kinaya ng powers ko ang isang principal. Na-nega ako ng walang kapantay. Malaki ang respeto ko sa mga principal, pero hindi ko alam kung bakit nagka-ganun.

Nagbigay kami ng letter of request, pumayag siya.
Balik na lang daw kami sa susunod na linggo.
Nung bumalik kami, noon lang niya sinabi na aalis siya. Sabi namin, kailangan namin siya interview-hin.
Hindi daw namin sinabi noong una, sabi namin nakalagay naman po sa letter tsaka sinabi po namin nung tinanong niyo kung ano ang sadya namin sa school.
Wala daw siyang natatandaan na ganun. Yung appointed OIC na lang daw kausapin namin, hindi nila alam yung isasagot sa mga tanong namin kasi Principal naman talaga ang dapat sumagot noon.


Umalis kami.

Sabi namin babalik na lang kami ulit next week.

Sige daw. Maluwag na daw siya nun.

Balik ulit kami, aalis daw siya ulit.

May contest daw na pupuntahan.


Sumuko na kami.

Sana hindi na lang siya pumayag noong una pa lang.

Noong sinabi namin sa prof. namin na wala kaming nakuhang result, may sumabad na teacher din.
"Imposible 'yun, mabait yung principal dun. Baka naman kasi hindi niyo pina-follow-up!"

Kung hindi lang ako marunong rumespeto sa mga nakatatanda at sa mga guro, sasagutin ko talaga siya.

Ang ayoko sa lahat, yung nakiki-sawsaw sa usapan ng may usapan, lalo na kung hindi naman nila alam ang totoong isyu.

Buti na lang, napigil ko 'yung sarili ko, sabi ko na lang lilipat na lang kami ng school kasi baka naaabala namin yung principal.

Siguro kung magpa-practice teaching ako, hindi ko hahangarin mapunta sa eskwelahan na 'yon.
Mataas ang respeto at paggalang ko sa mga guro at principal, marahil 'yung principal at yung teacher na naki-sabad, sila 'yung exception.

Pero sana, sana.. hindi na mag-propagate 'yung mga katulad nila. Sana.




Hanggang Kailan?

*Lahat ng nakasaad sa post na ito ay pawang katotohanan lamang. :)

I. UNLAPI

"Hindi ka ba sumama sa seminar?"
"Hindi eh. Hindi ako isinama."

Sarcastic.
Sana marami silang natutunan sa seminar na pinuntahan nila.
Kung hindi mo naiintindihan, ipapaliwanag ko sa'yo. Pero dahil tinatamad ako dahil baka madurog yung keyboard sa sobrang pagka-imbiyerna ko sa mga kagalang-galang na masa kapangyarihan eh hindi na lang. Gusto ko na talagang mag-shift! SWEAR! Damdemol! (peace. :D)



II. "Public Office is a Public Trust" DAW.

"Puwede po ba kami makahingi ng short bond paper? Ipi-print lang sana namin yung Intrams issue namin, kaso wala kaming supplies eh."

"Ay wala po kaming short bond paper eh ubos na po."

"Ganun. Sige, thank you. "

HA? Student Council walang supplies?? Ang dami naman sanang pondo kung ikukumpara sa pondo ng Educator. Paano nga naman may nakapagsabi sa amin na halos lahat daw ng circle of friends ng isang officer noong makapasok sa opisina ay ganire ang eksena:

"Uy, folder oh."

"Ay ang cute naman ng specialty paper, kailangan ko 'to sa portfolio!"

"Pwede naman siguro namin kunin yung mga envelope, nagbabayad naman kami ng SC fee eh!"


Ewan ko lang kung ano ang nagyari pagkatapos ng mga eksenang iyon. Sabi nga sa Animal Song: "There's a thought, now you decide".

Noong mga unang araw, dapat gagawa ako ng program at imbitasyon sa isang activity, i-e-edit ko sana kaso nahiya naman ako bigla nang makita ko na Opening day pala ng Transformers sa opisina!



III. Nosebleed!

Ngayon lang ako nahirapan mag-butingting ng software sa internet, pramis.
Isang oras akong nakaupo sa harap ng monitor, nakikipag-patibayan sa Flickr, nahihirapan akong gamitin itez. I hate it. :)



Sinong papalag, ha? :D

Saturday, August 15, 2009

sobrang cheesy talaga.

Oo. sobra.

Alam kong madaming magagalit sa pag-kirengkeng ko dito, pero di ko talaga mapigilan. Owmaygas.

Sa tatlong taon na pakikipagsapalaran namin ni MahalKO eh minsan pa lang niya ako binigyan ng bukey op plawers. (noong JS prom noong 4th year HS kami, 2 months pa lang kami nun!)

Ayos lang. Hindi naman kasi pa-girl ang lola mo at nasusuka ako sa tawagang "bhe", "bebeko", "bhie" at (bwaaaaak... ayan, sabi ko na nga ba eh).

Basta. Siguro kaya tumagal kami ng ganito eh sadyang masarap akong mahalin (aysus.pwede ba.), balik sa usapan, ayun, hindi kami clingy pareho. Hindi gaya nung ibang mag-jowa-ers na ka-edad namin na umiikot ang mundo sa isa't-isa. Pareho kasi kaming extrovert, mahilig sa crowd, in short gala. At nagiging impormal na ang blog ko, baka wala na ulit magbasa dito kaya tatapusin ko na ang kwento ko.

Ang gusto ko lang naman talagang ipagmayabang eh binigyan niya ako ng bukey op plawers noong August 14, 45th monthsary namin. Sa sobrang kilig ko, pakiramdam ko sing-haba ng red carpet sa kasalan ang buhok kong wavy noong hawak-hawak ko ang bukey op plawers sa eskwelahan.

Ngayon, ganap kong napatunayan na nga na isa akong tunay na babae kahit hindi ako pa-girl, eh kasi naman masarap talaga pakiramdam pag nabigyan ka ng bukey op plawers kahit santan pa o sampaguita 'yan, basta galing sa MahalKO, kyemerlash na kyemerlash sa lola mo.

O sige, tama na nga, baka mabasa pa 'to ni boyPILAY, lumaki bigla ang ulo niya. :)

eto hindi cheesy.

Kahapon, nag-emcee ako sa isang seminar.

Na-nega naman ako sa pagpalipit ng dila ko ng madaming beses, at gusto kong maghumiyaw na "pwede bang mag-essay na lang, kahit 2,000 words kakayanin ko!", pero syempre, pa-star nga ako kaya nama pinagsumikapan kong ayusin ang pag-e-emcee ko kaya nairaos din naman kahit sumabay 'yung tiyan ko na wala talagang pakisama sa akin.

Pagbalik ko sa boarding house nung gabi, nawawala ang two-years old na Havaianas ko.

Puteeek! Kaya naman walang puknat na pag-tuwad ang ginawa ko sa ilalim ng mga kama sa paghahanap ng tsinepen ko, pero nabigo ako, wala na siya. Naglakad kaya mag-isa?

Nakaka-nega. Dalawang taon na kami sa bahay na 'yun pero ngayon lang taon madaming nawawala. Noong una, 'yung alkansya nung kaibigan ko, ngayon naman yung Havs ko.

Na-depress ako ng 2 minutes kasi gutom na din ako noon, dinaan ko na lang sa pagkain ng Pancit Canton ang lahat, pero sadyang masaklap ang tadhana dahil tuwing sumasagi sa isip ko yung tsinepen ko ay di ko maiwasang malungkot.

Hindi dahil sa presyo nito, pero dahil sa sentimental value nito.

Ipinabili pa kasi namin ni MahalKO 'yun dati sa Trinoma sa pinsan ng bestfriend namin, sinadya pa namin mamili sa website ng Havaianas Philippines para magka-mukha kami.






Hay. I miss you, my old, yet comfortable tsinepen.

Bumalik ka na sa'kin, please?? :(


Havs sa Bolinao. :(

Sunday, August 9, 2009

Bakit basketbol ang paboritong laro ng mga Pinoy?

Sabi ng isang kilalang sports columnist at analyst, wala daw pag-asa ang Pilipinas na manalo sa FIBA Asian Basketball Cup sa Tianjin, China.
Ka-nega naman siya, naisip ko. Noong buuin ang Team Pilipinas-Powerade, kasalukuyan akong nakikipagsapalaran sa required summer class namin, naging mainit na usapin din ito sa pagitan ng mga prof. ko.
Dalawang prof. ko ang parehong nagsabi na dapat hindi basketbol ang laro ng Pinoy dahil unang-una, wala naman tayong height gaya nung kay Yao-Ming. Tapos papangarapin natin na matalo ang mga Tsino?
Pangalawa daw, may konek sa una, sa China daw apatnapung milyong bata ang nagte-train mula pagkabata, hindi lang sa basketbol kundi sa halos lahat ng sports. Napanood ko din ito sa Discovery Channel dati, may mga bata na limang taon pa lang nagbabanat na ng buto- mapa basketbol, gymnastics, martial arts at kung anu-ano pa.
Pangatlo, hindi angkop sa tindig g katawan ng mga Pinoy ang basketbol, bagkus mas angkop ito sa soccer.

Pero bakit nga ba paborito ng Pinoy ang basketball?

1. Halos lahat ng barangay sa Pilipinas may basketball court.
Siguro dahil na din sa impluwensiya ng mga Amerikano sa atin kaya minsan, mas marami pang basketball court sa mga barangay kaysa sa Health Centers. Kaya naman, mulat ang mga kabataan sa basketbol dahil 'yun lang ang nakikita nila sa paligid nila.

2. Mura lang mag-basketball.
Mura dahil pwede ito kahit sa ilalim ng puno, sa gym ng barangay. Pwede kang maglaro kahit wala kang sapin sa paa, pwedeng maglaro ang mga lalaki ng walang pang-itaas at pwedeng half-court lang ang laro kung kulang ang tao. May mga mumurahing bola na madaling mabili kahit sa mga palengke. Hindi gaya ng soccer na dapat daw ay sport ng mga Pinoy, kailangan mo ng malaking bakanteng lote na patag, high socks, goal, at higit sa lahat, soccer ball na sa pagkakaalam ko wala pang binebenta sa probinsiya namin.

3. Madaling matutunan ang basketball.
At madali din makita ang mga resulta nito. Shoot lang ng shoot. Di gaya ng soccer na pasensyahan bago ka maka-goal. Sa totoo lang, nainip ako nang minsan mag-cover ako ng larong soccer noong Intrams namin sa sobrang tagal maka-goal ng parehong team, pero sabi nga nila, andun ang excitement ng laro na parang hindi ko naman nadama dahil umuulan noon.

4. Mas may exposure ang basketball sa Pinas.
May PBA, UAAP, NCAA at PBL sa Pinas. Dati pa nga may MBA ba yun, yung bawat probinsiya sa Pilipinas, may team. Nueva Ecija Patriots yung sa amin, ang star nun sa pagkakatanda ko ay si Willie Miller.

5. Pwedeng laruin ng kahit sino ang basketball.
Ang basketball, kahit mayaman o mahirap pwedeng maglaro. Ang soccer, halos pang-coño, laro ng mga middle-class, dahil na din siguro sa mahal ng mga gamit. Wala nga akong nakitang soccer field sa buong probinsiya lalo na sa major cities bukod doon sa nasa pamantasan namin. Improvised pa ang high-socks ng mga manlalaro. Walang soccer shoes kundi yung sneakers na pamasok din nila.

Pero may version kami ng soccer nung mga ka-laro ko noong bata pa ako. Sipa ball. Kaso para siyag baseball na walang bat at paa ang ginagamit. Ibabato ng kasama mo yung bola, dapat masipa mo 'yun tapos makapunta ka s a"home" niyo. Teka, ang labo ata nun. Basta, yun na yun!

Meron din namang ilang mayayaman ang tumutulong sa kapwa nila, lalo na sa mga batang lansangan. Minsan na itong naipalabas sa TV. May isang grupo ng mga soccer players ng isang eskwelahan ang nagturo sa mga batang kalye sa isang lugar sa Maynila ng laro. Nag-enjoy yung mga bata at naging maganda ang performance nila. Kaya nag-desisyon ang grupo na isabak sila sa totoong soccer field sa loob ng eskwelahan nila kalaban ang mga batang tinuturuan nila. Syempre, nananalo ang mga batang kalye.

"Matatalo tayo ng mababahong bata!" sabi ng isang taga-eskwelahan.
"Hayaan mo na, minsan lang naman makakalaro 'yang mga 'yan eh." sabi ng isa pa.


Magtataka pa nga ba tayo kung bakit hindi popular sa atin ang soccer?

Wednesday, August 5, 2009

Cory Aquino in the eyes of a post-EDSA baby.

I only knew her in my History books in elementary, as the wife of Sen. Ninoy Aquino, a mother of Kris and the first woman president of the Philippines and in Asia, but that was before.

I know little about the EDSA, but I have watched videos of the People Power a lot of times in my PolSci, History and Makabayan subjects. Narrations of how the death of his husband and her willingness to continue what Ninoy fought for empowered a nation-peacefully and successfully were told.

I admire her and look up to her as a leader and a mother to many Filipinos. She is calm, religious and a passionate woman without reservations to serve the Filipinos.

She always believed in the innate ability of her fellow Filipinos, even in the toughest times.

Early on my childhood days, I knew what the color yellow meant and I could vividly remember the "Laban" sign I often saw on our television screen.

As I grow older, my interest in politics also grew. I always wonder why her opinions on certain issues especially that of corruption and unethical governance always matter to the leaders of the country. "Maybe, she is really someone whom they look up to"- and I have proven it many times.

Thank you for the democracy that we are enjoying now, Pres. Cory.

Thank you for the countless times that you have defended the country and fighting for what is right.