Monday, April 19, 2010

Alas singko.

Kinumbinsi ko ang sarili kong bumangon at maligo.

Nanalo ang antok at binalot ang sarili sa kumot.

Alas singko y medya.

Bumangon at naligo.

Nagtagal sa banyo sa pagbabasa ng magasin.

Alas sais.

Lumabas ng banyo.

Kumain.

Nakipag-daldalan.

Alas siyete na.

Alas siyete ang pasok.

Isang oras ang biyahe.

Nanood ng pelikulang Vantage Point sa keybol.

Alas otso y medya.

pupungas-pungas na sumakay sa dyip.

Hikab.

Hikab.

Trapik.

Mainit.

Hikab.

Pikit.

Nagising sa "Mayor Jimmy I. Domingo" to the tune of "Nobody".

Na-bad trip.

Inilipat ng drayber sa ibang jeep.

Todo na ang pagka-bad trip!

Pikit.
Hinto.

Pikit.

Hinto.

Hinto kahit saan kahit walang pasahero.

Alas nuwebe y medya.

Bumaba ng jeep.

Naunahan ng prof.

Hindi na pumasok.

First day of school.

Walang kwenta.

No comments:

Post a Comment