Ang old-aged computer namin dito sa bahay, na-reformat na naman.
Lahat ng files inalis ng pinsan ko.
Lumuha man ako ng bato, wala na akong nagawa dahil huli na ang lahat nang maalala ko na may mga piktyurs pala ako na dapat eh pina-back-up-an ko gaya noong nagpunta kami sa Bolinao (kung saan tinira kami ng mga kritiko namin. argh) at 'yung high school reunion namin.
Pero naisip ko na-upload ko naman sa Friendster 'yun kaso yung mga piktyurs namin ni Mahal ko, tinabi ko dito sa PC para ipa-print, kaso wala na.
Naubos na.... Huhuhu.
Lahat ng files inalis ng pinsan ko.
Lumuha man ako ng bato, wala na akong nagawa dahil huli na ang lahat nang maalala ko na may mga piktyurs pala ako na dapat eh pina-back-up-an ko gaya noong nagpunta kami sa Bolinao (kung saan tinira kami ng mga kritiko namin. argh) at 'yung high school reunion namin.
Pero naisip ko na-upload ko naman sa Friendster 'yun kaso yung mga piktyurs namin ni Mahal ko, tinabi ko dito sa PC para ipa-print, kaso wala na.
Naubos na.... Huhuhu.
****************************************************
Nanood ako ng SONA ni GMA kanina. Okay naman, at naniwala naman ako sa mga pinagsasabi niya kaya lang ang hindi ko maintindihan eh kung bakit parang bawat pagtatapos niya sa isang statement eh naghihintay siya ng masigabong palakpakan mula sa mga audience. Naluka ako kanina noong may milliseconds na huminto siya at nakalimutan ata pumalakpak ng audience, pero naka-palakpak din sila.
Kung ako ang tatanungin, totoo yung mga sinabi niya gaya sa Skills Development Program ng TESDA, pagpapatayo ng SCTEX at ano pa nga ba?????? Yun lang naalala ko na magandang nagawa niya eh. Eh kasi naman yung GNP, GDP at kung ano-ano pang tungkol sa pera at ekonomiya niyang sinabi eh alam ko na na pwedeng dayain noong high school pa ako, at teacher ko mismo ang nagsabi sa amin niyan. Hindi ko lang alam kung sino sa teacher ko at kay GMA ang nagsasabi ng totoo.
Sabi pa ni Gloria kanina, pinagtuunan daw niya ng pansin ang edukasyon dahil minsan siyang naging teacher. Ang masasabi ko naman kung talagang na-absorb mo ang essence ng pagiging guro, siguro alam mo na kailangan mo ng aprubahan ang PhP 19,000 bilang starting salary ng mga teachers, kaysa naman turuan mo ang mga Pilipino para i-export sa iba't-ibang bansa gaya ng mga nurses, engineers at physical therapists.
Oo nga't walang maibibigay na milyun-milyong dolyar ang mga guro, pero siguro naman sapat na ang tamang pa-suweldo sa mga guro na kabayaran sa pagtataya ng mga buhay nila sa panganib tuwing eleksyon, sa pagbili nila ng sariling chalk at manila paper na gagamitin sa classroom, sa paghahati nila ng baon niya sa estudyante niya na walang baon, sa pagbili niya ng paninda ng mga co-teachers niya at ng magulang ng mga estudyante niya kahit hindi naman niya ito kailangan.
Oo nga't hindi perpekto ang mga guro. May nagtitinda ng espasol, longanisa, Avon, Triumph, Natasha at kung anu-ano pa, pero biktima lang din sila ng sistema na mula sa itaas.
Ano nga bang magagawa ng isang bagong saltang teacher na puno ng ideyalismo kung tataliwas siya sa sistema, kung kapalit nito ay ang hindi nila pagkuha ng sweldo mula sa Superintendent?
Naalala ko tuloy 'yung pinabasang akda sa aming Philippine Lit., The Visitation of the Gods ni Gilda Cordero-Fernando, inis na inis ako sa prof. ko tuwing tatanungin niya ako kung ano ba ang mensahe ng istorya, sabi ko simple lang naman po, sinasalamin po ng akda ang sistema ng edukasyon sa bansa. Hindi siya na-kuntento, ang sabi niya kasi, halos ka-pareho daw namin yung bida sa akda,idealistic.
Sa huli, naintindihan ko kung bakit hindi siya nakuntento sa sagot ko, hindi ko lubos na naunawaan yung wakas: Noong sumama ang bidang guro sa picture taking at todo-ngiti pa. Parang hinayaan na din niyang mamatay ang idealismo sa kanya.
Hinayaan na niyang lamunin siya ng bulok na sistema na dapat sana'y babaguhin niya.