After hitting the "New Post" button for five times, I finally got myself to write another blog entry.
DC-SUC III is over. I wasn't able to bring pride to my alma mater. (okay, what should I write next?, blame the judges perhaps? ü)
Yeah, I felt really really bad after seeing the tally board and knowing that I was not even a runner-up. I was in-denial for a moment, thinking irrational and illogical things like : 'maybe the tally personnel just put the scores on the wrong columns' or 'maybe my number was mistaken for an 8'-pathetic me.
Life is not always about winning indeed. Most of the times, we lose but what is important is that we fought the best way we can.
Okay, enough for the drama, I have to move on and finish my lesson plan!
....... I still want to rant my emotions about something else, but then again.....
Friday, February 27, 2009
Monday, February 23, 2009
procrastination
10 things I should accomplish over the weekend plus the holiday today.
1. Research on the Global Economic Crisis.
2. Read Conrado de Quiros' editorials.
3. Construct a clear essay about GEC.
4. Write articles for Campus Journ
5. Practice word analogy and alliteration.
6. Practice speaking with correct diction, tone and speed.
7. Research on possible references for the role play of Jose Dalisay's Killing Time in a Warm Place.
8. Review my theatrical/ set designing and directing skills waaayy back in High School.
9. Look/Buy a dress for Liderato II.
10. Watch Dekada '70 and Obama's inaugural speech on YouTube.
What I really DID over the weekend plus the holiday today.
1. Made every possible way to fix our land line so I could check my blog and my Friendster.2. Looked at my friends' photos at Friendster.
3. Had a super-post-Valentine's date with Don at NE Pacific Mall.
4. Went to the mall a day after our super-post-Valentine's date with my family and tried my luck in winning the freaking 330M lotto jackpot. heck.
5. Browsed through my magazines, hoping to find dresses or accessories that I might wear during Liderato II.
6. Watched my two naughty pamangkins fight with each other and listened to their stories of dinosaurs, sea shells and Dora.
7. Bought 2 new shirts just because I was overjoyed by the price slash, like "I got a shirt for P220 from its original price of P470". Gawd.
8. Was not able to keep my promise not to eat Jollibee for this week.
9. Enjoyed ginataang sili for two nights for the first time.
10. Browsed through Multiply sites to find new beading materials.
anak ka ng pizza hut.
jessa: nakakainip naman.
don: eh di sumama ka kila mama mo sa Pacific (mall).
jessa: ayoko. magpapauwi na lang ako ng pizza hut.
don: sumama ka na para di ka mainip.
jessa: ayoko nga, pizza hut lang gusto ko, sawa na ko sa Pacific.
don: Pizza Hut na hindi ko naibigay sa'yo kahapon?
jessa: (tulala) hindi naman sa ganon, gusto ko lang talaga ng pizza ng Pizza Hut.
don: pasensya ka na, wala lang talaga akong pera kahapon.
jessa: okay lang yun.
don: magkaka-pera din ako, mai-Pi-Pizza Hut din kita.
jessa: (walang masabe) nasan ka na?
parang bata lang 'diba?
para akong tanga, nakakainis.

Saturday, February 21, 2009
wateber direk!
Babalik ako sa buhay artista.
Parang nung high school- nagda-drama sa mundo, nagmamaganda sa stage at nangangawit sa pagluhod tuwing may black theater, pero babalik ako hindi bilang artista.
Ewan ko ba kung anong utak meron ang mga kaklase ko at kahit galit na galit sila sa akin eh ako pa ang pinili nilang direktor. Gusto kong umalma at mag-emote nung pinili nilang ipagkatiwala sa aking ang ika-apat na kabanata ng "Killing Time In a Warm Place" ni Jose Dalisay.
Pero naisip ko, walang saysay kung doon ako magda-drama, sa mismong practice na lang para mahaba ang exposure. charobelles.
Ewan ko din ba kung nakikipag-utuan lang ako sa kanila at sa sarili ko sa pagtannggap ko ang trabahong 'to. Noong binasa ko yung part na i-ro-role play namin, nakaka-dalawang paragraph pa lang ako humahapdi na mata ko.
Ano bang alam ko sa Martial Law? Noong mga panahong iyon eh lumulutang-lutang pa lang ako.
Kailangan kong panoorin ang Dekada '70, baka may mahita ako doon na pwede kong magamit sa play.
Tulong naman people. :D

Saturday, February 14, 2009
balentayms post.
walang date.
walang plawers.
walang tsokoleyts.
5 hours lang kami magkasama.
nakakinis.
bakit kasi itinapat sa Balentayms at monthsary namin yung Open House?!
masaya naman ako kasi nagkasama kami kaso-basta, ang hirap i-explain. I hate this part right here (Pussycat Dolls daw ako.)
maingay pa yung kapitbahay namin. nak ng bega.
hindi maganda ang panahon, maulap, gloomy, nalulungkot ako kapag walang araw.
hindi ako makapag-mall kasi mag-isa lang ako.
babalik na lang ako sa CLSU!
..kaso hindi pa tuyo yung mga damit ko.
tuwing nakikita ko yung mga stop toys na anak daw namin gusto ko silang ibalibag dahil nami-miss ko yung ama nila.
hay.
arghness to the highest level.

Sunday, February 8, 2009
realizations.
Noong Biyernes, nagkaroon ng seminar sa college at nagmaganda ang lola mo doon bilang Master of Ceremony por da pers taym in her entayr layp.
Topic 1: Open/Distance Learning
Speaker ang CLSU-Open University Director (yes, may Open University ang CLSU.ü)
Medyo busy si Doc Monta kaya sandali lang siya nag-talk pero nalinawan naman kami lahat sa konsepto ng Open at Distance Learning at natawa kami sa mga jokes na binitawan niya.
Topic 2: Educating Indigenous Peoples (oo, Peoples ang appropriate term na ginagamit ayon sa batas ng Pilipinas)
Speaker si Sir Pineda and Sir Gaoat from NCIP-Nueva Ecija. Noong una, medyo boring ang discussions pero habang tumatagal ang dami ko biglang natutunan.
Naalala ko bigla yung mga pagkakataon na iniiwasan ko ang mga Aetang namamalimos o pinagtatawanan ko sila tuwing nakikita ko silang naglalakad sa Clark, Pampanga dala ang mga supot ng gabi.
"Hindi naman nila gusto iyon eh, ang problema kasi may mga pumupunta sa mga tirahan nila, niloloko sila, at dinadala sila sa kapatagan para gamitin sila sa mga kalokohan nila"
Tama sila. Nakakalungkot na kapwa Pilipino ang nanloloko sa kapwa nila.
Nakakalungkot kasi sa kulay, buhok at edukasyon natin sinusukat ang pagiging "tao" ng isang tao.
Marahil, ito ang epekto ng kolonisasyon sa atin- na nakalimutan natin na lahat tayo galing sa iba't-ibang tribo na nasa Pilipinas na bago pa man dumating ang mga mananakop sa atin- na lahat TAYO ay minsan naging Aeta, Dumagat o Kankana-ey.
Pagkatapos ng seminar, naging interesado ako sa pagsama sa Sitio Bacao sa Palayan, Nueva Ecija upang mamahagi ng mga damit para sa mga kapatid na Aeta kahit pa hindi ko kasundo ang organizer ng activity, hindi naman para sa amin yung gagawin, hindi naman mababawasan yung pagkatao ko kapag ginawa ko iyon, at tingin ko wala namang lugar ang personal na sigalot, kung talagang gusto mong tumulong sa kapwa mo.
Salamat sa NCIP at sa CLSU Open University sa mga realisasyon na natutunan ko kahit MC lang ako. haha.
Mabuhay ang mga GURO.

Friday, February 6, 2009
Network Busy
Kailangan ko 'tong i-post hindi dahil gusto kong siraan ang GLOBE pero dahil naiinis ako sa CSR na nakausap ko sa 211.
CSR: Hello this is Tisha, ano pong kailangan nila?"
Ako: Kasi nag-register po ako sa UNLITXT20 tapos binawasan na po ng PhP20.00 yung load ko pero hindi ko pa din nare-receive yung 2nd confirmation message.
**Hiningi mobile no. ko at name tsaka location
Ako: Science City of Muñoz.
CSR: Ma'am?
Ako: Muñoz,Nueva Ecija.
CSR: So, sa Metro Manila area po kayo?
Ako: Science City of Muñoz, Nueva Ecija nga eh.
CSR: Ma'am iche-check ko lang po sa system namin kung may pending request po kayo pero bago po iyon Ma'am inform ko lang po kayo sa bagong promos ng Globe, ang UNLITXT service po ay extended hanggang March21 at isang number na lang po ang gagamitin natin para sa lahat ng promo ng Globe.
Biglang nawala ang linya. Anak ng pating Miss Tisha ng Globe, muntik mo na akong matulungan, nag-DJ ka na lang sana sanay na sanay ka naman sa pag-aadvertise ng mga bagay na walang kinalaman sa problema ko.
Scene 2.
CSR: Hello, this is Allan, ano pong maitutulong ko?
Ako: Ahm kasi po nag-unli po ako, binawasan na yung load ko pero hindi pa pala ko registered.
CSR: Ano po bang ginawa niyo Ma'am nung nag-register kayo?
Ako: Syempre ti-nype ko UNLITXT20, all caps, no space tapos si-nend sa 8888.
CSR: Ma'am all caps po ba?
Ako: Oo nga.
CSR: sa 8888 niyo po ba sinend kasi may bago na po-
Ako: OO sa 8888 nga sabi.
CSR: (tinanong no. ko) Ma'am san po location nila?
Ako: Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
CSR: Ma'am malapit po ba kayo sa Guimba?
Ako: Hindi. Malayo.
CSR: Eh sa Gen. Tinio po?
Ako: Mas malayo, bakit ba?
CSR: Eh sa Gabaldon po?
Ako: Malayo pa din bakit ba?
CSR: Ma'am accdg. po sa system namin, wala naman pong system enhancement sa lugar niyo. Abangan na lang po natin hanggang 24 hours yung confirmation ng ating UNLITXT.
Ako: Eh bakit 24 hours eh sabi sa text niyo within 1 hour lang mapa-process na ang UNLITXT request ko?!
CSR: Eh ma'am kasi po may SOP po sa company na kapag hindi na-process within 1 hour, may 24 hours pa po tayo bago mag-expire ang ating request.
Ako: Eh wala na akong ka-text kung 24 hours pa, ibalik niyo na lang yung load ko.
CSR: Ah, Sorry ma'am pero-

**Naputol ulit linya.
Wateber Ms. Tisha and Mr. Allan.
Wala kayong future sa trabaho niyo.
Tinuan niyo PLEASE.
Subscribe to:
Posts (Atom)