Sunday, March 7, 2010

Kung bakit nakakawalang-gana bumoto.....

..Oo, alam ko maraming magagalit o magre-react.

Relak lang.

Alam mo yung pakiramdam na wala kang mapili sa mga kakandidato?


Lalo na dito sa Nueva Ecija. Malamang kung merong iba pang kakandidatong gobernador, siya ang iboboto ko.

Andun na nagsisiraan sila na parang walang mga pinag-aralan. Attorney ba kamo? Doktor ba kamo?

Sus.

Andun na pinalayas ng kasalukuyang pinuno ang isang student organization mula sa aming pamantasan sa kalagitnaan ng paggawa ng isang community service sa isang lugar dahil pilit niyang pinapabango ang pangalan ng kinabibilangan niyang organisasyon.


Meron pa ngang magkaka-dugo, magkaka-laman at kung anu-ano pa na nagsisraan para sa kapangyarihan. Tapos magtataka tayo kung bakit hindi tayo umuunlad?

Ewan ko. Ang gulo ng utak ko.

Wala pa naman voter's ID ko.

May ilang araw pa para luminaw ang malabnaw kong utak.


No comments:

Post a Comment