Sunday, March 29, 2009

gusto ko ng mag-shift.

PEKSMAN.

Gusto kong lumipat sa BSEd or PRE-SCHOOL ED., sa kadahilanang Math 1 at 2 lang ang Math subjects sa English Major at Pre-School.

Nababagot ako tuwing naiisip ko na isang summer at dalawang sem na lang ang natitira sa akin pero APAT na Math pa ang kailangan kong kunin.

At nakakainis nang malaman ko na kaya ko palang makatapos ng Cum Laude kung pinagtiyagaan ko ang mga PE at Math subject ko. F*ck.

Kailangan nang ayusin ang buhay ko.

Huli na kasi ang lahat para sa pagsisisi.

Limang taon, bigyan nawa ako ng limang taon ng mga magulang ko para makapagtapos.

:(

Tuesday, March 24, 2009

stress buster!

Copied from Quintessential Babble. :)

Direction: Google "yourname(space)needs" then list down the search results.

1. I need to stay vigilant.
  • Oh yeah, I really think so. :)
2. I need to to come over soon to check out the play room & new toys.
  • Toys. Is it really obvious that I am childish? hehe.
3. I need to hear Grey's anatomy pictures, videos, images and albums from Webshots.
  • Whatever. Grey's anatomy is so 2007. ^^v
4. I need to to take English lessons.
  • I think everybody needs it. :)
5.I need to to clean it up.
  • Yeah, I guess "it" is my room.
6. I need publicity.
  • Not really. ;)
7. I need to to send a PM to EmpireFJ
  • Who the hell is EmpireFJ????!
8. I need to to release magic before Líana can steal the magestone.
  • Yay! I have magic, really?!
9. I need a house.
  • Somewhere near a beach please. :)
10.I need some rest
  • I badly need.

haggardness in its truest sense.

ayoko ng mag-aral!


arghness.


Bro, bigyan niyo naman kami ng bakasyon kahit isang buwan lang para makpag-babad sa beach at maranasan ang summer.


hays...........

Sunday, March 22, 2009

mabilis lang 'to. :)

I already canceled my Multiply account.

Pero sa kadahilanang nangangailangan kami ng laptop ay sumali kami ni MAHALko sa isang promo ng Whisper sa Multiply, gamit yung account niya.

Kaya naman, I am asking for your support by voting us in this link.

This is open for Multiply users only, kaya sana pagbigyan niyo kami guys. :)

Thanks in advance po.

** if you have friends na Multiply users, please ask them to vote for us too, thanks much. :)

Friday, March 13, 2009

sino ang badet?

Unang-una, wala akong galit sa mga kapatid nating bading/bakla o whatever you want to call them. Marami akong kaibigang miyembro ng pederasyon at tanggap ko sila, kaso may isang pangyayari sa buhay ko kaninang tanghali sa pag-sakay ko ng traysikel kasama si MahalKO.

Ganito kasi 'yun, nasa kahabaan kami ng Osmeña Avenue (isang residential place sa loob ng aming pamantasan kung saan matatagpuan ang staff cottages at Osmeña Dorm na kung saan naman nakatira sa MahalKO. ü) nag-aabang ng traysikel papuntang Main Gate para umuwi sa bahay-bahay namin.

May dumating naman na traysikel, kaso may sakay sa loob. Ayos lang, hindi naman maiiwasan 'yun. Ayun, si Pa-Pogi Guy, nakaupo na sa loob. Karaniwan, kapag may lalakeng naka-sakay sa trike, tapos may sasakay na babae, ang gagawin niya eh lilipat siya sa likod ni manong, side-kick ang tawag dun diba? Pero kakaiba 'tong taong to. Ang ginawa niya, nag-lean forward pa siya na parang sinasabi na "SPACE KO 'TO!!!!!!! NABILI KO 'TONG TRICYCLE!!!!!!"

Hay, nakakainis talaga, napaka-bastos niya! Buti sana kung wala kaming dalang malalaking bag ni MahalKO kaso meron! Imagine-in mo naman yung pinasikip niya yung tryke tapos hindi ako magkanda-ugaga sa pag-upo dahil nga marami akong dalang gamit, kung maka-asta siya akala mo napaka-POGI, napaka-LINIS at NABILI niya ang tricycle!

Anak ng Bega. Kung sino ka mang FEELINGPOGI ka. Hay naku. Nakakainis ka, kinakabog mo ganda ko ateh, para kang hindi tunay na lalake tuloy!
Ang bastos mo! :)

Sunday, March 1, 2009

lambingan moment

Sa pagitan ng araw-araw na mga pag-aaway ni MahalKO ay nag-desisyon kami biglang mag-date kanina sa NE Pacific Mall dahil sa pang-aaaway ko sa kanya at pagpapa-cute maya-maya.

Ayos naman date namin, palakad-lakad sa mall, window shopping at kinaladkad ko siya sa mga tindahan upang maghanap ng cute na backpack. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong bumili ng backpack, nakiki-uso siguro ako. Pero nung napagod at nagsawa kami kapaparoo't-parito sa mga tindahan ng sapatos, tindahan ng damit, tindahan ng laruan, tindahan ng sapatos, tindahan ng damit at tindahan ulit ng laruan eh nag-away kami ng konti ulit kung saan ba kakain.

Jessa: Sa Joey's na lang, gusto ko ng baked-macaroni.

Don: Ayoko nun. Chicken gusto ko.

Jessa: Chicken na naman eh kauulam lang namin ng chicken kanina.

Don: Eh di um-order ka na lang sa Joey's tapos dalhin natin sa KFC.

Jessa: Sige.


Pero nung papunta na kami sa Joey's eh may kung anong supernatural power ang pumigil sa akin sa pagbili sa Joey's.

Jessa: Siomai na pala gusto ko.

Don: (naka-simangot, na-bad trip sa bilis ng pagbabago ng likaw ng bituka ko)

Jessa: Ay sa Chowking na lang tayo.

Don: Jollibee para nasa gitna.

Jessa: (ha? hindi sumagot)

Don: Ay oo Chowkig na lang, may Spicy Beef and Chicken dun, tara!

Jessa: Eh yung siomai?

Don: Meron naman siomai dun diba?............ ay mas mura pala dito.


Ayon, bumili kami ng siomai sa Siomai House at matiwasay na nalagyan ng laman ang tiyan namin. Umuwi na kami pagkatapos, sumakay ng jeep papuntang crossing, habang nasa jeep biglang nagsalita si MahalKO.

Don: Gusto kong Minute Maid.

Jessa: Ano, dadaan muna tayo sa NE Crossing?

Don: Oh sige.

Nasa counter na kami para bayaran ang mga pinamili namin, habang may nauunang customer na nagbabayad, sabi niya:

Don: Bili mo nga ako nun ( Sabay turo sa mga naka-hilerang sigarilyo sa taas ng counter. Marlboro Red ang gusto daw niya.)

Jessa: (Nagwala). sige, bibilhin ko lahat 'yan basta sabay-sabay mong ilalagay sa bibig mo.


*Napatingin yung matandang lalaki na nagbabayad at napa-ngiti sa akin.

Don: Wala ka naman pambili.

Jessa: Meron! may 2k akong dala ngayon.

Don: Joke lang noh.