Napadpad kami sa kapit-bahay na probinsiya ng Nueva Ecija, ang Nueva Viscaya. First-time ko makapunta doon. Akala ko parang kamukha lang din ng Nueva Ecija at Bulacan ganun. Pero nung nakasakay kami sa bus habang papalayo sa CLSU, unti-unting sumisilip ang mga bundok at unti-unti din kaming nahuhulog sa upuan ng bus dahil OA sa pagkazig-zag yung daan sa Carranglan at Sta. Fe. Super kapit ang kailangan kasi "S" shaped ang daan tapos paakyat pa. Grabe. Masakit sa katawan in fairness, kaya pala apat na oras ang biyahe eh.
Tapos biglang malamig yung hangin kasi ng paakyat na ng bundok, parang Baguio pala siya, malayo sa Nueva Ecija.
NVSU. (Nueva Viscaya State Univerity)
Kaya pala kami nagpunta sa Nueva Viscaya eh para um-attend sa CVSLA (Cagayan Valley Student Leaders Assembly) , hindi ko ba alam hanggang ngayon kung bakit invited kami eh hindi naman kami kasama sa Cagayan Valley Region. Pero ayos lang, cool ang experience. Challenging tumakas sa boring na speakers at session kasi isang kilometro ang layo ng venue sa dormitory na tinutulugan namin, at hindi lang yun- may isa pang challenge dahil nasa itaas ng bundok ang dorm. Kaya kinakailangan ng koster (coaster pala) para makapunta kami doon. At malayo din yung kainan sa seminar venue, parang may kasalan tuloy sa Padilla Hall ng NVSU. Namuhay din ako ng tatlong araw ng walang Jollibee, kanda-haba ang leeg ko tuwing may bayan na madadaanan para makakain ng Jollibee pero wala talaga. In-enjoy ko na lang yung mga bundok at christmas lights ng ilang videoke bar.
Sabi ko nga, masaya ang experience. Kabilang ako sa "minority group" na pinangungunahan ni Emperatriz Darrina at Mahal na Pangulong Freda. Faction ng CLSU, AU, SJCC at CGC. Mamatay ka kakaisip ng ibig sabihin ng mga letseng acronyms na yan, tinatamad ako mag-type at tsaka wala naman akong talent fee na matatanggap sa pagpa-plug ng mga school na 'yan. Pero friends ko lahat ng mga kasama ko dyan- promise. Kami-kami lang nagkakaintindihan sa seminar. Bakit? kasi una, camwhores kami; pangalawa, matatakaw kami (kaya nasasabihan na galing daw kami sa PGU (Patay Gutom University)- wala kaming time para patulan yung mga taong nagsabi nyan-bahala sila sa buhay nila basta kami nagbayad ng P650.00 sa pagtira namin sa Nueva Viscaya.Wag lang silang tutungtong sa ECIJA at ipapatira ko sila sa mga friends ko mga bundok ng Carranglan, Lupao at San Jose.); pangatlo, pare-pareho kaming madaldal at mahilig kumanta lalo na ng Skyline Pigeon at Can You Feel the Love Tonight (syettt).