Tuesday, May 20, 2008

Bakit Ganun?

Dalawang taon pagkatapos kong pumasok sa isang pamantasan, nag-drop ng Math 100 at iniwan ang Math 105, ngayon ko naramdaman na 'tila pinagkaisahan ako ng mundo. Ewan ko ba.
Kung bakit hinayaan kong sirain ng frustration at phobia ko sa Math na kainin ako ng buhay.

Labinlimang units ang nai-enroll ko ngayong sem, apat na Education subjects, isang English subject-ang regular na load ng 3rd year Education student 25 units.

Ang saklap. Nasaan yung natitirang sampung unit? Naiwanan ko dahil sa Math. Hell.

June 2- opisyal na pagbubukas ng klase sa CLSU. Babalik na naman ako, makikita ko na naman ang mga teacher ko.

Naalala ko tuloy 'yung isang teacher ko ng dalawang sem, ang taas ng nakuha ko sa kanya: 2.00, 1.50 at 1.25-registration adviser din namin siya, nung makita niya yung admission slip ko kung saan nakalagay ang grades ko at yung trial form kung saan naman nilalgay yun subjects na pwede i-enroll ng isang estudyante, sabi niya sa'kin:

"anak, anong nangyari sa'yo?, mag-add ka o kaya mag-advance ka ha?"

nakakahiya. akala ng ibang tao matalino ako, akala ko din; hindi pala.

malayo ako sa pagiging matalino.

June 2- natatakot ako dahil dapat ko nang umpisahan ang pag-aayos sa buhay ko. kaya ko kaya?
makahabol kaya ako? o maiiwan na naman ako ng mga higante at mabibilis na sasakyan?
Hindi ko pa alam.

...hay.

..mahirap pala maging teacher.




No comments:

Post a Comment