Friday, May 30, 2008

Si Big Brother, Insomnia at Birthday.

Big Brother.
Nakakawala naman ng gana manood ngayon ng PBB Teen Edition Plus, kasi naman 'yung bets ko maging Big 4 nalagas na. Si Jolas, Rona at Valerie. Tapos si Robi nominated na naman, ang hina naman kasi ng diskarte ng mga lalaki-kung ako sa kanila ibinoto ko 'yung mag-bestfriend para masubukan kung sino ba ang deserving sa kanilang dalawa. Pero wala naman akong magagawa kasi nasa loob sila nasa labas ako, pakielam nila sa'kin diba?

Insomnia.
Kung kailan naman isang linggo na lang bago mag-pasukan tsaka ako "nahawa" sa kapatid ko. Ewan ko ba, bakit nga ba hindi nakakasawa mag-internet?
Kailangan ngayon nga maaga na ako nagigising kaso ang nangyayari (third day in a row ngayong araw) eh nakakatutulog ako ng 2:30 am at gigising ng 12:00 pm. Ano ba tawag sa'kin?
Kasi naman 11 pm na hindi pa ako dinadapuan ng antok, kaya ayon, kumbaga pampaantok ko ang internet. Ang laki ng problema ko, paano sa pasukan? Pag walang internet? Anong oras ako gigising? Wooh. Patay.

Birthday.
Malapit na 18th birthday ko.
As usual, gaya ng mga nasaksihan kong debut sa pamilya namin, sa eskwelahan ako magce-celebrate. Walang pasayaw, cotillion, 18 roses, balloons, treasures, candies, hopia, chocolates, mani at popcorn. Wala din 24 times na pagpapalit ng gown, alahas at sapatos. Walang escort, bisita, handaan at bonggang-bonggang party.
Dati tinanong ko ang tatay ko kung bakit sa dinami-dami ng anak niyang babae eh hindi nya naisipan na bigyan kami ng party, sabi nya "kailangan maging praktikal" daw sa buhay. Hindi naman daw pwede na sa isang araw lang unti-unting lilipad yung pera na pinaghihirapan nila ni Mama. Noon, naisip ko "mas mahalaga naman na masaya yung anak nya". Pero ngayon na ako naman yung mage-18, naisip ko tama ang tatay ko, mas maraming mas mahalagang bagay kesa sa bonggang-bonggang debut party. Syempre, masaya siguro kung may party pero naisip ko kahit gaano ka-bongga o ka-simple i-celebrate ang birthday, ang mahalaga naman siguro eh 'yung may maka-alala at mag-abalang mag-text o bumati sa'yo sa espesyal na araw mo; kaya kung ako sa'yo ihanda mo na 'yung regalo ko. :)

June 19. Malapit na, ano kaya mangyayari sa 18th birthday ko, pag-patak ba ng 12am, magta-transform ako?


Friday, May 23, 2008

ang gulo eh.

limang taon.
1825 na araw.
sa bawat umaga
sa bawat pagmulat ng mata
sa bawat sinag ng araw tanging ikaw ang nakikita.

sa bawat pintig ng puso
sa bawat patak ng luha tanging ikaw ang dahilan
sa bawat ngiti
sa bawat saya
sa bawat lungkot
sa bawat paghinga
tanging ikaw ang hinihiling na makasama.

sa bawat minuto
sa bawat oras
sa bawat araw tanging ikaw ang hinihintay
sa bawat kagat ng dilim
sa bawat hapunansa bawat pagpikit ng matatanging ikaw ang iniiisip.
limang taon.
1825 na araw
ikaw pa rin
ikaw lang
ikaw sana

limang taon
1825 na araw
naghihintay
umaasa
nagmamahal
nasasaktan
lumuluha

limang taon.
1825 na araw
nasaan ka na?
sabi mo'y babalik ka.
kailan pa?

limang taon.
1825 na araw
..wala ka na pala...


Tuesday, May 20, 2008

Bakit Ganun?

Dalawang taon pagkatapos kong pumasok sa isang pamantasan, nag-drop ng Math 100 at iniwan ang Math 105, ngayon ko naramdaman na 'tila pinagkaisahan ako ng mundo. Ewan ko ba.
Kung bakit hinayaan kong sirain ng frustration at phobia ko sa Math na kainin ako ng buhay.

Labinlimang units ang nai-enroll ko ngayong sem, apat na Education subjects, isang English subject-ang regular na load ng 3rd year Education student 25 units.

Ang saklap. Nasaan yung natitirang sampung unit? Naiwanan ko dahil sa Math. Hell.

June 2- opisyal na pagbubukas ng klase sa CLSU. Babalik na naman ako, makikita ko na naman ang mga teacher ko.

Naalala ko tuloy 'yung isang teacher ko ng dalawang sem, ang taas ng nakuha ko sa kanya: 2.00, 1.50 at 1.25-registration adviser din namin siya, nung makita niya yung admission slip ko kung saan nakalagay ang grades ko at yung trial form kung saan naman nilalgay yun subjects na pwede i-enroll ng isang estudyante, sabi niya sa'kin:

"anak, anong nangyari sa'yo?, mag-add ka o kaya mag-advance ka ha?"

nakakahiya. akala ng ibang tao matalino ako, akala ko din; hindi pala.

malayo ako sa pagiging matalino.

June 2- natatakot ako dahil dapat ko nang umpisahan ang pag-aayos sa buhay ko. kaya ko kaya?
makahabol kaya ako? o maiiwan na naman ako ng mga higante at mabibilis na sasakyan?
Hindi ko pa alam.

...hay.

..mahirap pala maging teacher.




Tuesday, May 6, 2008

Apathy at Nepotism

Mga bagong tuklas na salita-actually hindi na bago, naririnig ko sila pero ngayon ko lang naintindihan.ü

Apathy-sabi ng Instructor ko, karamihan daw ng mga Pilipino eh "apathetic", napaisip ako, oo nga naman, may point siya.
Karamihan nga naman sa atin pinipiling mawalan ng pakielam, huwag makielam. Pero ironic naman din na isipin dahil karamihan din sa mga Pilipino eh usisero/a, chismoso/a at walang tigil ang pagsasalita tungkol sa ibang tao. Bakit nga ba ganun? Mas pinipili ba natin na pahalagahan ang bagong tsismis sa mga kapitbahay natin kaysa sa panloloko at pagpapaikot sa atin ng mga pulitiko, mayayaman at mga elitista?

Nepotism- Lumag tugtugin na ito pero ngayon ko lang naintindihan. Marami naman gumagawa nito pero hindi gaanong pansin kasi malakas ang kapit at proteksyon sa mga "boss" nila.


Monday, May 5, 2008

Malapit na.

Malapit na i-publish ang "Kubyertos" ang literary-folio ng CLSU Collegian. yahoo.ü

How it all started.

I first used Xanga for blogging, then FriendsterBlogs, then Blogger, then Multiply, then Blogger (again), then Multiply (again) and finally, BLOGGER again.
Forgive me for what seems like my fickle-mindedness but at first, I find Blogger really simple and boring, plus it's hard for me to customize the look of my page so I transferred to Multiply but sadly, I wasn't happy about it because the page loads after a minute(agh!) and because of the many widgets and applications that you can add to Multiply, I found it very "maarte", "super-bagal" and wanted to go back to simple blogging again.

And here I am now. ü