Showing posts with label reklamo. Show all posts
Showing posts with label reklamo. Show all posts

Wednesday, June 2, 2010

A love story

He is 19. She is 17. They got married last Sunday.

I was heart-broken, yet I had to attend a wedding of a family friend and witness a  union of love.

He was small, I didn't even thought that he was the groom when I first entered the hall. He looked like more of a high school student attending his first JS Promenade. He asks a glass of water every now and then.

She was dressed in a beautiful gown, trying to hide her five-month old baby inside her. Her make-up smudged probably by the heat inside the room.

The entourage started and everyone looked at them. They look like little kids playing the "Wedding Booth" in school. But it was real. This is a wedding. This marks the start of a journey of a lifetime.

The pastor started the ceremony. They were tied with a veil and a cord, and finally joined by a ring. The new chapter of their lives was sealed with a kiss. They are now one. 

He sang her a song and she blushed. They must be in-love. But I felt at that moment, they are not ready. 

I felt fear. 

I fear of being married someday. 

It's not easy leaving what you have lived for all these years and starting all over again. It's not easy taking care of someone else when you cannot even take care of yourself at all times. It's not easy being away from your parents. 

After the break-up, I told my friends that I don't want to fall in love again. They raised eyebrows and asked me to just finish the bottle of Red Horse.

Witnessing their wedding, I realized one thing: 

Life is too short. 

And sometimes, our decisions makes it shorter. That while we have the liberty to do what we want with our lives, we have to think of the consequences of our actions. Regrets are inevitable, but we can always use them to learn lessons that will hopefully make us better persons.




Monday, May 31, 2010

Untitled

I would like to apologize for not updating my blog, for the loss of tales about Manang and other somehow funny stuff that I used to write here. I just don't want to disappoint you guys with my unending sentiments about something that do not deserve a space here. Haha. Anyway, I don't have intentions to tell the whole world about what I am going through, but it's really, really tough. I chose to contain them on my Facebook account, and I'll try to be back the soonest time possible. Enjoy. Smile. Love Life. :)


Sunday, May 16, 2010

Flores de Maria

Sa mga probinsya, kadalasang dinaraos ang Flores de Maria/ Flores de Mayo/ Santacruzan tuwing Mayo- isang Katolikong selebrasyon at pagpupugay sa Birheng Maria sa pagbuhos ng ulan at pagbuka ng mga bulaklak matapos ang mahabang tagtuyot . 

Ilang Santacruzan na ang napanood ko dito sa barrio namin, pero kahit minsan, wala sa deskripsyon ng Flores de Mayo ang tumugma sa mga santacruzan na ginagawa dito.

Noong bata ako, dalawang beses naging kasali sa sagala ang ditse ko, noong bata siya at noong binata dalaga siya bilang si Reyna Sheba. Hindi ko ma-appreciate ang santacruzan noon, bukod sa gumagastos ang ermats ko sa pagbili ng daylight na isasabit sa balantok ng ditse ko eh dyaheng magbuhat ng balantok ng ditse mo habang tinitingnan ka ng crush mo na Constantino.

Subalit sa kabila nito, nagsaliksik ako kung bakit nga ba ginagawa itong malaking pagkakagastusan na'to. Bongga naman pala ang fiestang ito dahil ayon sa deskripsyon na ibinigay ng iba't-ibang libro at website, punong-puno daw ng bulaklak ang mga balantok o bisikleta para sa mga bata, magaganda at isinasabuhay ng mga napiling dilag ang kanilang inirerepresinta at gayundin si Maria, ang mga damit nila ay hindi nirerentahan sa Polly's Gown ang Barong Rentals kundi sinasadyang ipatahi upang bumagay sa mga katauhang inirerepresenta nila gaya ng mga Reyna, may mga bitbit silang kung anu-ano gaya ng krus, anchor at pulang puso, at hindi pamaypay na abaniko, karton o sopdrinks.

Katatapos lang ng sagala dito, sa totoo lang- hindi ko matatawag na isang selebrasyon o pagbibigay pugay sa Birheng Maria ang naganap na sagala dito sa amin-maingay ang mga tao hindi dahil nag-no-nobena sila o kumakanta ng Ave Maria kundi dahil nagsisigawan sa tuwing nababatak yung mga daylight, umiinom ng sopdrinks ang mga reyna, naka-coat ang tie ang mga konsorte, wala sa tono ang mosiko, at higit sa lahat-walang bulaklak!

Hindi bale, kapag ako na ang kapitana dito siguradong bongga na ang santacruzan. CHAR!

P.S.: Walang mga litrato dahil sa sobrang bilis maglakad ng mga sagala e hindi kakayanin ng shutter speed ng gigicam namin. 
Kung nais mo ding malaman kung tunay na Santacruzan ba ang nagaganap sa barangay niyo, dumalaw dito. :)

Friday, May 14, 2010

Fourteen

Paunawa: Lubhang ma-emong post, maaring i-click ang x-button sa itaas. :))

Naramdaman mo na ba na parang wala ng spark 'yung relationship mo sa isang tao? Oo, mahal mo siya pero hindi ka na masaya. Oo, mahal mo siya pero hindi mo na kayang tanggapin lahat ng ginagawa niya-parang sila Popoy at Basha sa One More Chance, pero ayaw mo pa din bumigay, naniniwala ka pa din na isang phase lang 'to ng relasyon niyo na kaya niyong pagdaanan at pagkatapos noon, okay na ulit ang lahat.

Naramdaman mo na ba yung sobrang kasiyahan mo kinabukasan magiging kalungkutan -walang pahintulot, walang babala-biglaan.

Nagugulahan ako, ayokong bumigay pero sa tuwing nakikita ko siya, nalulungkot ako, nalulungkot ako dahil baka ako ang maging dahilan ng pagsisi niya sa huli, nalulungkot ako na hindi niya nagagawa ang mga bagay na gusto nyang gawin dahil ayaw kong pumayag, nalulungkot ako dahil natatakot ako na ang maging kapalit ng kalayaan niya na gawin lahat ng gusto niya ang ang kalayaan niya mula sa akin. 

Pero 'diba sabi naman nila, kung kayo, kayo. Kung hindi, hindi. May mga taong sadyang ibinigay sa atin upang turuan tayong magmahal, lumuha, magalit, tumawa, maglambing, maging mga tao na ni sa hinagap ay hindi natin inakalang magiging tayo- at sa oras na natuto na tayo, matatapos na ang kanilang misyon at iiwan nila tayong nakatayo sa sarili nating mga paa-malakas, hindi mabubuwal at mas mabuting mga tao.

Pero ang masakit doon hindi nila tayo tinuruang maging handa sa oras na lilisan na sila....

Nagugulahan ako, pero iisang bagay lang ang alam kong malinaw- hindi ko pa kayang maiwan, hindi ko pa kayang bumigay-parang bisyo, kahit alam mong nakamamatay, sadyang mahirap tigilan-hanggang hindi pa iniinda ng katawan mo ang lahat ng sakit-sige pa din.

Pasensya na sa ka-dramahan, nasipa ng kabayong pula e. 


Monday, May 10, 2010

Green Force

Noong mga unang araw ng kampanya, dilaw ako pero ewan ko ba, bigla na lang ako napaisip nung mga nakaraang araw, ginalugad ang internet tungkol sa mga plataporma ng bawat kandidato, nanood ng iba't-ibang debate sa YouTube hanggang sa naglaban ang dilaw at luntian sa isip ko. Sa mismong eleksyon na lang ako magdedesisyon- sabi ko, impulsive talaga ako e. 


First time voter ako kaya naman hayaan niyo nang ipagmayabang ko na nakaboto na ako sa kauna-unahang automated election ng Pilipinas kong mahal. Hindi gaya ng karamihan na inabot ng tatlo o apat na oras sa pilahan, no sweat ang pagboto naming pamilya, madalang kasi ang tao sa presinto namin kumpara sa ibang presinto. Mababait din ang mga BEI, teachers at PPCRV volunteers na nasa paaralan.

Maraming reklamo tungkol sa PCOS machine, pero gaya ni austenfan, at ire-reblog ko ulit (wala din akong intensyong mang-away) na hindi ang PCOS machine mismo ang may problema, kadalasan ang mga taong gumagamit nito ang wala talagang sapat na kaalaman sa ganung klase ng makina. 

Wala naman sigurong masama sa mga problema sa automated elections, unang beses pa lang po ito ginagawa sa ating bansa- at ang totoo, karamihan talaga sa mga Pilipino,ay takot sa kompyuter o minsan lang sa buhay nila naka-tipa ng keyboard, PCOS machine pa kaya na kinakain bigla-bigla 'yung papel mo at may lalabas na mensahe sa screen? 

Patuloy na lang tayong magdasal, mag-matyag na magiging matagumpay, malinis at mapayapa ang ating eleksyon at kung sinuman ang manalo, suportahan na lamang natin sila. :)

*****
Green Force= Jamby  (HAHA. JOKE LANG.SULONG G1BO ako. :))

Sunday, May 9, 2010

Si Manang

Ito ay hindi tungkol sa Araw ng mga Ina. Kailangan ko lang talagang ibulalas ang mga sentimyento ko kay Manang, ang aming plantsadora. Kasalukuyan siyang namamlantsa ngayon sa likod ko, ewan ko kung nababasa niya 'to pero wala akong pakielam.

Mag-iisang taon na ang nakalipas nang magsimulang mamlantsa si Manang. Maliit siya, maitim, mahaba ang buhok, at ayon sa kanya kuwarenta anyos pa lamang siya, pero sa hitsura niya mukhang mas matanda pa siya sa kay ermat na singkwenta anyos na.

Unang pagtatagpo pa lang namin ni Manang, hindi na kami agad nagkasundo, paano naman sinunog niya ang kuwelyo ng uniporme kong kulay penk- at hanggang ngayon ay idine-deny nya pa ito- eh sino nga makakasunog nun, ako??

Kinalumutan ko na 'yung hindi magandang simula ng pagsasama namin hanggang sa isang araw habang humahagikgik ako sa harap ng kompyuter, salamat mga jejemon at sa blog ng TNL, e bigla niya akong inistorbo: "Kuwan, kumuha ka nga ng hanger." wika niya, "Sige" sagot ko naman, at tsaka ko tinuloy ang paghagikgik ko-papalakas, kahit hindi na totoo para inisin siya.

Hindi pa doon natatpos ang lahat, bukod sa pag-uutos niya sa mga amo niya, nang minsang umalis sila ermat at erpat e akong mag-isa lang ang naiwan sa bahay. Alas onse ako nagising, dumiretso sa kompyuter at natagpuan ko syang malapit nang matapos sa trabaho niya.

Nang matapos siya, umupo sya sa upuan, habang ako utong-uto sa paglalaro ng Farmville. "Kuwan, uuwi na ako" sabi nya, "Sige po" sabi ko naman.

Hindi sya gumalaw, isa,dalawa, tatlong minuto ang lumipas, nakaupo pa din siya, nilingon ko sya sa likod at nagsalubong ang aming mga mata. "Hindi ho ba kayo binigyan nila mama?" tanong ko sa kanya, umiling sya. 

Tayo ako sa upuan at pumunta sa kwarto nila ermats, halughog, bukas cabinet, bukas bag, akyat sa tuktok ng cabinet- walang pera. Masakit man sa loob ko, pumunta ako sa kwarto namin, hinagilap ang bag ko at hinalungkat kung may pera pa ako- may P 250 pa ako, itinabi ko yung isandaan- pambili ko ng bagong panty.

Lumabas ako at mabigat sa loob na iniabot ang P150 sa kanya, tsaka ako mabilis na tumalikod para hindi na sya makapag-reklamo pero bago ko pa man magawa 'to, umapela na siya, kulang daw, tinanong ko kung magkano ba binibigay sa kanya "P 250"  with matching paawa at pagod na pagod na mukha.

Mahina ako sa mga taong paawa, baka nga maiyak pa ako kapag hindi ko sila nabibigyan ng limos e.
Kaya naman imbes na muli ay pag-tripan ko siya, nagpasya na lang akong bumalik sa kwarto at kunin yung isandaan-babay bagong panty. Binigay ko sa kanya at umalis na sya, ako naiwan sa bahay mag-isa.

Mag-isa na nga wala pang pera. Langya,

Kung may nakakainis na encounters ako kay Manang, meron namang nakakatuwa.

Nung minsan na umalis na naman sila ermat at erpat, ako na naman ang naiwan. Kagigising ko lang noon e, siguro akala ni Manang siya lang ang tao sa bahay noon, kaya naman napagpasyahan niyang mag-yosi break, oo yosi break- at panis ang Marlboro, Fortune at Champion sa yosi niya-  Magkaibigan ang hinhits niya. 

Nang abutan ko siya na nakaupo, nakataas ang isang paa sa silya at humi-hits ng Magkaibigan, balik ako agad sa kwarto, nagpatugtog ng Fire Burning on the Dance Floor at tsaka humagalpak sa kakatawa. 

Walang katulad ang lola mo. Kaya naman hanggang ngayon kahit marami na syang damit na nasusunog at sa akin niya inirereklamo ang mga mantsa sa damit na pinaplantsa niya na tila ba matatanggal ko ang mga pesteng mantsa na 'yun e, pinababalik pa din sya ni ermats (isama  na din ng pag-eextra rice at pag-eextra ulam niya tuwing tanghalian), wala daw kasing ibang ikinabubuhay. 

Kaya naman matagal-tagal pa ang mga adbentyurs namin ni Manang. Tsk Tsk.


Saturday, May 8, 2010

Confused.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'tong post na 'to, Mother's Day pa naman bukas. :(

Ganito kasi yun e, may problema sa pamilya niya yung isang kaibigan ko, tapos sa'kin niya sinasabi lahat ng nararamdaman niya-lahat ng anger niya sa pamilya niya, like pag nagka-pera siya lalayas siya tapos di na siya magpapakita. 

Pero ang pinakanakakatakot dun is that he's telling me na ang pinakamadaling paraan lang naman daw para matapos ang problema niya is to end his life-since doon din naman daw tayo pupunta lahat. 

I asked him kung kaya niya bang iwan yung mga taong nagmamahal sa kanya? Sabi niya hindi naman daw lahat magpapa-apekto kapag nawala siya- and that death is a natural process that we would all go through eventually.

Sinubukan ko na lahat para hindi sulsulan yung mga sinasabi niya, naging careful ako sa pagbibitaw ng salita kasi nga hindi naman ako yung nagdadaan sa pinagdadaanan niya. Sinabi ko din na kausapin niya yung mga magulang niya para sabihin yung totoo nyang nararamdaman sa set-up ng pamilya nila-pero wala din, hindi naman daw sya pakikinggan ng mga magulang niya,.

Kaya hindi ko na talaga alam gagawin ko. Hayyy.

 Ano pa ba pwede kong gawin??

Saturday, January 30, 2010

WTF!

Deym.

My lay-out got messed-up.

And now I'm just too lazy to fix it again!

Ahwww.

Lesson learned: Wag makialam sa bagay na hindi mo naman alam!

Huhuhu.

Friday, January 22, 2010

How you make me feel, Mr.

Oftentimes, my problem being in a student publication is that I am too emotional when I write. Once I was asked to write a column for our first issue, I made three major revisions to the column because it was either too emotional, too painful or too harsh until I finally decided to scrap it out and create a new one that will serve its purpose.

You cannot blame me. I really am emotional, worse, I tend to keep my emotions, shut up my mouth and wait until it explodes so I can let go of it one time, big time. But it took its toll on me a few months ago. I was bitten behind my back and the enemy knows my weakness. He played with me until I burst in front of a whole college- it was our Meeting de Avance.

I never knew I was releasing all my angst that time and it was not good. I could have just kept calm, shut up my mouth and presented what I am supposed to present- and yes, the enemy won, and I lost- almost everything, except my self.

It was hard for the first few months after the incident, but then again, words of encouragement from people who really know me came and I promised to redeem myself, I promised to prove the enemy wrong and I promised to continue being the person that I am.

I got up, little by little, I got my confidence back. I started smiling and it felt so good. It felt so good knowing that you do not have emotional burdens and knowing that you are living your life fully without hurting other people.


Now, it's all coming back to you.

I am not surprised by what has happened to you.

You got the power, you got everything that we have worked for a year, you got my reputation and self-esteem crushed, you hit me at my weakest, every shameless thing that you did worked for you, and yet you decided to put it into trash.

You just decided to put into trash the good name that your predecessors have worked in years of servant leadership, courage, unity and respect.

You just have put into trash the dreams and ideals of a thousand students hoping for the change that you promised them.

You just have put into trash a whole year of meaningful activities, projects and student camaraderie that should have been a very productive one.

You just have put into trash my belief in male leaders.

You just have put into trash my interest in politics, my belief that there are still politicians who will do good for this country.

And most of all,

you just have proven that what you said on why you would run for presidency is true:

"Gusto ko lang may maka-laban kayo.."
-Mr. Villanueva

You started it, now let me do the honor of finishing it.

Congratulations on your impeachment.







Saturday, January 9, 2010

Real Teachers teach from the heart, not from their BIG egos.

I have often heard news about Education students in our university being the laughing stock of some Social Science professors from the College of Arts and Sciences. I don't know why they often judge, generalize and mock CEd students who are enrolled in CAS sections for minor subjects like Philosophy 100 and History 100 in their classes and then flunk them just because they are CEd students. And oh, I don't even think considering them as "professors", "teachers" or "instructors".

I see only one reason. Ego. Remember Beyonce's song?
He got a big ego, such a huge ego, such a huge ego

They simply can not accept that Educ students are in fact one of the brightest among the students in the university,that just because we took an Education course make us less intelligent than the ones who took up Veterinary Science and Medicine, Accountancy, Biology and Chemistry.

Ego as defined by Merriam-Webster Online dictionary as the self especially as contrasted with another self or the world."

Their egos are hurt because they may be bright, they may have graduated from the top universities in the country, but they cannot to anything to bring the Educ spirit down and they are doing everything they can to destroy Educ, but they simply cannot.

Why?

Modesty aside, it is a known fact in CLSU that Educ dominates a lot of University events, may it be sports, debate, literary. musical, arts, creativity, unity.... name it and Educ is definitely among the top three in every event and competition in the university.

When Educ wins, they say that we cheat, that there is bias, they blame it to the VPAA who is a former CEd dean, they blame it to OSA Personnels who are "incompetent" according to them. When their college wins, we just feel happy about it and strive to do better next time.

And I believe that's the Educ difference that our college has imbued on us, that no matter how tough life can be, we can always prove that we are tougher, that there is no one who can tell us to stop reaching our dreams but ourselves.

Our professors epitomizes what they teach. They live by the principle that "you cannot give what you do not have". So when students pass, it is because they have given what they have. Consequently, failing a whole class as what these Social Science "instructors" do with Educ students reflects that they cannot give us anything except for curses, stories about alcohol, cigarettes and curses, curses and nasty remarks. One even said that he trained to be a priest, but didn't pursue it. Good thing though, because there is no way he can be a priest with his attitude of cursing and labeling students.

I believe that real teachers teach from the heart, not from the thick books, not from their huge egos-thinking that they know everything.

That what will matter is where you are heading after college, and I know most of their students teaching in public schools- and they curse teachers?

Apparently, as "instructors", they are also cursing themselves, right?


I just hope and pray that they can sleep well at night, and that their kids won'r experience what my college-mates experienced with them.

Go Mighty Educ!




Monday, October 12, 2009

mamang drayberrr.

Gaya ng dati ko nang nasabi, malaking parte ng buhay ko ang pag-bi-biyahe sa mga PUVs simula noong bata pa ako.

Kasama din dito ang mala-pelikulang eksena ng mga aksidente at kung anu-ano pa.

Kanina lang pumunta ako sa isang mall dito sa binahang probinsya namin para makipag-date este bumili pala ng mga kailangan kong gamitin sa demonstration teaching namin.

Siyempre, inaasahan na na marami ang magpupunta sa mall matapos ang paglalambing ni Pepeng sa Pinas, kaya medyo traffic. Ewan ko ba naman sa mga lalake kung bakit mabilis mag-init ang mga ulo pagdating sa pagmamaneho.

Hay naku, nauna mahaba kasi yung jeep na sinasakyan namin, at dahil kasapi sila sa pila ng jeep na pinapayagan ng mall, pribilehiyo sana nila na mauna sa pagpasok dahil dapat makaalis din sila agad sa babaan.

Noong una pa lang, nakasunod na yung jeep namin sa isang itim na sasakyan tapos pilit siyang kina-cut ng isang kotse. So sinisksik ni Manong Drayberr ang jeep niya expecting that the driver of the car will give way... akala ko din ganun gagawin niya kasi kasama niya pa ang misis niya at ang baby niya (hindi tinted ang kotse nila)...pero hindi.. nakipag-gitgitan siya hanggang sa magbanggaan sila.. well hindi ganun kalakas ang impact pero sapat na ýun para ma-activate ang init ng ulo ng nasa kotse.

Binaba niya yung bintana niya and he started cursing like "PI ako nauna eh! Kanina pa 'ko dito. PI!"..

Pagkatapos ng ilang murahan at payabangan, bumaba ako sa jeep.

Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit kailangan humantong sa ganun. Kung sana nagbigayan sila, kung sana hindi pinaulanan ng mura ng drayberr ng kotse si Manong na lubos na nakatatanda sa kanya eh di sana walang gulo... eh di sana pareho silang nakapasok ng maayos sa mall.

Naalala ko ang isang insidente na kinasangkutan ng pinsan ko sa SLEX minsan, tinutukan siya ng baril ng isang doktor na nakasakay sa magarang kotse dahil kina-cut daw niya 'to.

Papatulan sana ng pinsan ko dahil may baril din siya kasi pulis siya, pero nung kukunin na daw niya yung baril niya, biglang hinawakan ng baby niya yung kamay niya. (best in story-telling naman na daw ako)

Ang sukatan ba ng pagiging isang lalaki ay ang pakikipagmurahan sa kalye sa harap ng pamilya mo? O ang pag-iintindi sa kapwa mo, dahil ikaw ang mas may lubos na pang-unawa?

Hindi ko alam. Hindi naman ako lalaki. Pero sana, sana.... wala nang sumunod pa sa drayber ng kotse na ýun kanina...isama na din ang Pinoy na taxi driver dati na lumabag ng speed limit ng bansa sa harap ng buong mundo nang magpunta dito ang Amazing Race.


Saturday, September 12, 2009

going where my heart takes me...

Well, first of all I dunno how or where to start this post...

Life is indeed full of uncertainties, as Howie Day puts it:
"Even the best fall down sometimes, Even the stars refuse to shine"...

It's raining hard and the stars still refuse to shine...

Maybe, I just have to go where MY heart takes ME.

Sooner or later the rain will stop and the sun will shine again, and stars will shine and twinkle again.

Maybe, you and I will collide too....


Collide – Howie Day Music Code

Monday, September 7, 2009

When it rains, it pours... then I am on the moon.

I started commuting independently at the age of 13- I was a freshman in a "science high school" somewhere in the crowded streets of Cabanatuan City. Back then, it only takes 8 pesos for me to get home in a jeepney ride.

Commuting has been a part of my life for the past 7 years of my existence or should I also count my elementary days when twenty something pesky little kids with our bags that are usually bigger than us filled with inches thick of books are jam-packed into a jeepney back and fourth to our homes?

I have seen how the roads that I used to pass by every single day have worn-out until rocks start to show. I have seen many repairs and damage, repairs and damage, repairs and damage......repairs and damage over and over again.

Just recently, DPWH and Malacañang asphalted the road from San Jose City to Cabanatuan City. It was like the ones in SCTEX, mind you. And if only cars have feelings, I am pretty sure they are very happy and comfortable passing by in one of the major roads in the province.

Then rainy season came and heavy rains poured out.

On my way to Cabanatuan one time, I was thrilled by what I saw, a part of the newly asphalted road adjacent to a private hospital and a college is now gone and all I could see are mud and rocks, how could that happen? I don't know.

A moment later, looking at the poor roads, it was as if the jeepney landed on the moon in front of again, a hospital and a gasoline station. Just imagine the craters of the moon, and I think I don't need to say a word anymore.

We painstakingly passed by the "craters", and as much as the driver wanted to make his passengers feel comfortable, he just couldn't.

And the passengers, particularly the old ones are starting to shake their heads, and get angry at the driver, as if it was his fault.

All the while, I sat quietly, looking at the potholes and just thinking that it was a giant sungka board and the "bato" are the cars. Silly.

I was supposed to take photos of the road in case you don't believe me, but I was too afraid that my mobile phone would fall off the bumpy jeepney and go straight in one of the potholes when I try to take a photo.

It was like we are riding on a car pimped by MTV with hydraulics ,just like the one that Ling-Ling's mom owns in the film Hot Chick.

As of this writing, the Sangguniang Panlalawigan of Nueva Ecija is investigating about the issue calling the attention of the district engineers responsible for the asphalting of the roads. Good thing though, the roads are still covered by a one-year warranty period from the contractor.*

I just hope that there'll be no more potholes and craters come May 2010.


Read more about the issue HERE.
*Excerpted from the Nueva Ecija Journal.

Saturday, August 15, 2009

sobrang cheesy talaga.

Oo. sobra.

Alam kong madaming magagalit sa pag-kirengkeng ko dito, pero di ko talaga mapigilan. Owmaygas.

Sa tatlong taon na pakikipagsapalaran namin ni MahalKO eh minsan pa lang niya ako binigyan ng bukey op plawers. (noong JS prom noong 4th year HS kami, 2 months pa lang kami nun!)

Ayos lang. Hindi naman kasi pa-girl ang lola mo at nasusuka ako sa tawagang "bhe", "bebeko", "bhie" at (bwaaaaak... ayan, sabi ko na nga ba eh).

Basta. Siguro kaya tumagal kami ng ganito eh sadyang masarap akong mahalin (aysus.pwede ba.), balik sa usapan, ayun, hindi kami clingy pareho. Hindi gaya nung ibang mag-jowa-ers na ka-edad namin na umiikot ang mundo sa isa't-isa. Pareho kasi kaming extrovert, mahilig sa crowd, in short gala. At nagiging impormal na ang blog ko, baka wala na ulit magbasa dito kaya tatapusin ko na ang kwento ko.

Ang gusto ko lang naman talagang ipagmayabang eh binigyan niya ako ng bukey op plawers noong August 14, 45th monthsary namin. Sa sobrang kilig ko, pakiramdam ko sing-haba ng red carpet sa kasalan ang buhok kong wavy noong hawak-hawak ko ang bukey op plawers sa eskwelahan.

Ngayon, ganap kong napatunayan na nga na isa akong tunay na babae kahit hindi ako pa-girl, eh kasi naman masarap talaga pakiramdam pag nabigyan ka ng bukey op plawers kahit santan pa o sampaguita 'yan, basta galing sa MahalKO, kyemerlash na kyemerlash sa lola mo.

O sige, tama na nga, baka mabasa pa 'to ni boyPILAY, lumaki bigla ang ulo niya. :)

eto hindi cheesy.

Kahapon, nag-emcee ako sa isang seminar.

Na-nega naman ako sa pagpalipit ng dila ko ng madaming beses, at gusto kong maghumiyaw na "pwede bang mag-essay na lang, kahit 2,000 words kakayanin ko!", pero syempre, pa-star nga ako kaya nama pinagsumikapan kong ayusin ang pag-e-emcee ko kaya nairaos din naman kahit sumabay 'yung tiyan ko na wala talagang pakisama sa akin.

Pagbalik ko sa boarding house nung gabi, nawawala ang two-years old na Havaianas ko.

Puteeek! Kaya naman walang puknat na pag-tuwad ang ginawa ko sa ilalim ng mga kama sa paghahanap ng tsinepen ko, pero nabigo ako, wala na siya. Naglakad kaya mag-isa?

Nakaka-nega. Dalawang taon na kami sa bahay na 'yun pero ngayon lang taon madaming nawawala. Noong una, 'yung alkansya nung kaibigan ko, ngayon naman yung Havs ko.

Na-depress ako ng 2 minutes kasi gutom na din ako noon, dinaan ko na lang sa pagkain ng Pancit Canton ang lahat, pero sadyang masaklap ang tadhana dahil tuwing sumasagi sa isip ko yung tsinepen ko ay di ko maiwasang malungkot.

Hindi dahil sa presyo nito, pero dahil sa sentimental value nito.

Ipinabili pa kasi namin ni MahalKO 'yun dati sa Trinoma sa pinsan ng bestfriend namin, sinadya pa namin mamili sa website ng Havaianas Philippines para magka-mukha kami.






Hay. I miss you, my old, yet comfortable tsinepen.

Bumalik ka na sa'kin, please?? :(


Havs sa Bolinao. :(

Tuesday, July 28, 2009

SONA mo, SONA ko. :)

Ang old-aged computer namin dito sa bahay, na-reformat na naman.
Lahat ng files inalis ng pinsan ko.
Lumuha man ako ng bato, wala na akong nagawa dahil huli na ang lahat nang maalala ko na may mga piktyurs pala ako na dapat eh pina-back-up-an ko gaya noong nagpunta kami sa Bolinao (kung saan tinira kami ng mga kritiko namin. argh) at 'yung high school reunion namin.
Pero naisip ko na-upload ko naman sa Friendster 'yun kaso yung mga piktyurs namin ni Mahal ko, tinabi ko dito sa PC para ipa-print, kaso wala na.
Naubos na.... Huhuhu.


****************************************************

Nanood ako ng SONA ni GMA kanina. Okay naman, at naniwala naman ako sa mga pinagsasabi niya kaya lang ang hindi ko maintindihan eh kung bakit parang bawat pagtatapos niya sa isang statement eh naghihintay siya ng masigabong palakpakan mula sa mga audience. Naluka ako kanina noong may milliseconds na huminto siya at nakalimutan ata pumalakpak ng audience, pero naka-palakpak din sila.

Kung ako ang tatanungin, totoo yung mga sinabi niya gaya sa Skills Development Program ng TESDA, pagpapatayo ng SCTEX at ano pa nga ba?????? Yun lang naalala ko na magandang nagawa niya eh. Eh kasi naman yung GNP, GDP at kung ano-ano pang tungkol sa pera at ekonomiya niyang sinabi eh alam ko na na pwedeng dayain noong high school pa ako, at teacher ko mismo ang nagsabi sa amin niyan. Hindi ko lang alam kung sino sa teacher ko at kay GMA ang nagsasabi ng totoo.

Sabi pa ni Gloria kanina, pinagtuunan daw niya ng pansin ang edukasyon dahil minsan siyang naging teacher. Ang masasabi ko naman kung talagang na-absorb mo ang essence ng pagiging guro, siguro alam mo na kailangan mo ng aprubahan ang PhP 19,000 bilang starting salary ng mga teachers, kaysa naman turuan mo ang mga Pilipino para i-export sa iba't-ibang bansa gaya ng mga nurses, engineers at physical therapists.

Oo nga't walang maibibigay na milyun-milyong dolyar ang mga guro, pero siguro naman sapat na ang tamang pa-suweldo sa mga guro na kabayaran sa pagtataya ng mga buhay nila sa panganib tuwing eleksyon, sa pagbili nila ng sariling chalk at manila paper na gagamitin sa classroom, sa paghahati nila ng baon niya sa estudyante niya na walang baon, sa pagbili niya ng paninda ng mga co-teachers niya at ng magulang ng mga estudyante niya kahit hindi naman niya ito kailangan.

Oo nga't hindi perpekto ang mga guro. May nagtitinda ng espasol, longanisa, Avon, Triumph, Natasha at kung anu-ano pa, pero biktima lang din sila ng sistema na mula sa itaas.
Ano nga bang magagawa ng isang bagong saltang teacher na puno ng ideyalismo kung tataliwas siya sa sistema, kung kapalit nito ay ang hindi nila pagkuha ng sweldo mula sa Superintendent?

Naalala ko tuloy 'yung pinabasang akda sa aming Philippine Lit., The Visitation of the Gods ni Gilda Cordero-Fernando, inis na inis ako sa prof. ko tuwing tatanungin niya ako kung ano ba ang mensahe ng istorya, sabi ko simple lang naman po, sinasalamin po ng akda ang sistema ng edukasyon sa bansa. Hindi siya na-kuntento, ang sabi niya kasi, halos ka-pareho daw namin yung bida sa akda,idealistic.

Sa huli, naintindihan ko kung bakit hindi siya nakuntento sa sagot ko, hindi ko lubos na naunawaan yung wakas: Noong sumama ang bidang guro sa picture taking at todo-ngiti pa. Parang hinayaan na din niyang mamatay ang idealismo sa kanya.

Hinayaan na niyang lamunin siya ng bulok na sistema na dapat sana'y babaguhin niya.





Saturday, July 25, 2009

hindi ako bitter. :D

Sabi ng adviser ko magsulat daw ako ng higit sa mga personal na karanasan ko at pagiging sawi ko sa buhay. Eniwey, isang malaking hamon sa akin 'yun dahil hindi naman talaga ako mahilig magsulat tungkol sa kung ano-anong bagay gaya ng SONA ni Gloria na guni-guni lang ata niya yung mga pinagsasasabi niya o yung tungkol sa walang katapusang demanda at kontra demanda ni Anabill at Risard. Mas gugustuhin ko pang panoorin si Aling Dionisia at masilaw sa makikinang niyang alahas na binili ni Manny sa Las Bigas.

Ewan ko ba. Mahirap kasi atang makialam sa mga bagay-bagay. Nakaka-frustrate kasi kung saan ka lulugar, hindi mo alam kung kailan ka ba tititgil sa pagiging "bata" at kung kailan ka mag-uumpisang maging "matanda". Kapag ba bente ka na? Kapag naka-gradweyt ka ng kolehiyo o kapag may trabaho ka na at nagbabayad ka na ng buwis sa gobyerno?


Sa kabilang banda, mahirap ang hindi makialam at hayaan mo na lang na mangyari ang mga bagay-bagay na wala ka man lang ginagawa bukod sa paglalaro ng DOTA, pagte-text, panonood sa YouTube at pagdo-download sa Limewire. Kasi tatlo o limang taon mula ngayon, ako na ang responsable sa sarili kong buhay, wala ng baon linggo-linggo, wala ng perks gaya ng bagong damit, shopping ng sapatos at libreng kain sa Jollibee basta ni-request ng mga pamangkin ko. AT ayokong sisihin ang sarili ko sa mga bagay na ginawa ko sana kapag dumating ang araw na iyon.


********************************************************
Tinanong ko ang isa sa mga mentors ko kanina kung tama ba 'yung ginawa ko na hindi pagsali sa pagsulat ng sanaysay sa college namin. Tinanong niya kung bakit nga daw ba ako hindi sumali, sabi ko naman: Tinamad ako, tsaka inaway ako ni Don noon. Eh kasi naisip ko po yung mga sinasabi ng mga tao sa akin na lagi na lang ako, na lahat na ng pwedeng kuhanin, kinuha ko na. In short, suwapangerz akira.

Tapos sabi niya, eh ano daw magagawa nila eh sa magaling ako. (Naluka naman ako sa reaction niya at pumalakpak ng bonggang-bongga ang tenga ko.) Tapos sabi ko ulit, eh kasi po feeling ko kaya ayaw nila sa akin kasi nga daw po ganun ako, parang wala ng bukas sa pagsali sa kung saan-saan.

Tapos sabi niya ulit "Anak, wag mong iisipin yung sinasabi ng iba wag kang matakot sa kanila. Dapat mas matakot ka sa sarili mo kasi oras na hindi ka naniwala sa sarili mo, mas nakakatakot 'yun."

***********************************




Wednesday, July 22, 2009

I will not go down to your level nor try to please you.

So please never miss a chance to keep your mouth shut.

I definitely know what I am doing, so stay away from my business because I am staying away from yours.



Monday, April 20, 2009

toinks

hirap na hirap naman yung CPU namin sa pagu-upload ng pics. 2 araw ko na ginagawa yung blog ko eh..............
:|

Tuesday, April 14, 2009

The Filipino Stereo-type

"Mama, hindi ako ga-graduate sa isang taon."

I told my Mom during our dinner.
Of course, like every parent, she asked why.
I simply told her I will not be able to enroll Off-Campus Student Teaching by the second semester because I have to enroll all the subjects required for me to go practice teaching.

"MADALI LANG NAMAN ANG EDUC AH!"

It's confusing hearing those words from people who think that Education is an easy course. Of course it was, but things are a lot different now.
While most third year students only have 20 units per sem, we have 28 units, full load, and if you're trying to make-up for your back subjects, I wish you Good luck.
It is not easy to be a teacher.

While many people label most Education students as "bobo" and while most old folks think that Education is for students and parents who cannot afford a Nursing course, I want to have a good debate with them because I firmly believe that the stigma that the society has posted upon Education students is not true anymore. Maybe it was before, change is inevitable, right? Besides, I know many Education students who can afford a Nursing course even in good schools, but still pursued what their hearts and minds really desired and tried not to join in the Philippines' national course phenomena by enrolling a Nursing course.

The CHED memorandum circular directs all Teacher-Education institutions to provide a curriculum for Elementary Education that will cover all the subjects in the elementary level, thus adding another year for the Education course, simply put, we will be majoring in ALL the subjects, and it's not easy like those found in elementary textbooks.

In a state university who can barely provide means and ways for its finances, the subjects are compacted to 28 units per sem and 9 units every summer.

Again, I am wishing the students who have back subjects good luck with the Calculus, Taxation, Economics, Physics, Astronomy and Chemistry.

Now, are those subjects taught in elementary?

Who can say that it is THAT EASY?


Tuesday, March 24, 2009

haggardness in its truest sense.

ayoko ng mag-aral!


arghness.


Bro, bigyan niyo naman kami ng bakasyon kahit isang buwan lang para makpag-babad sa beach at maranasan ang summer.


hays...........