Showing posts with label Pinas. Show all posts
Showing posts with label Pinas. Show all posts

Sunday, May 16, 2010

Flores de Maria

Sa mga probinsya, kadalasang dinaraos ang Flores de Maria/ Flores de Mayo/ Santacruzan tuwing Mayo- isang Katolikong selebrasyon at pagpupugay sa Birheng Maria sa pagbuhos ng ulan at pagbuka ng mga bulaklak matapos ang mahabang tagtuyot . 

Ilang Santacruzan na ang napanood ko dito sa barrio namin, pero kahit minsan, wala sa deskripsyon ng Flores de Mayo ang tumugma sa mga santacruzan na ginagawa dito.

Noong bata ako, dalawang beses naging kasali sa sagala ang ditse ko, noong bata siya at noong binata dalaga siya bilang si Reyna Sheba. Hindi ko ma-appreciate ang santacruzan noon, bukod sa gumagastos ang ermats ko sa pagbili ng daylight na isasabit sa balantok ng ditse ko eh dyaheng magbuhat ng balantok ng ditse mo habang tinitingnan ka ng crush mo na Constantino.

Subalit sa kabila nito, nagsaliksik ako kung bakit nga ba ginagawa itong malaking pagkakagastusan na'to. Bongga naman pala ang fiestang ito dahil ayon sa deskripsyon na ibinigay ng iba't-ibang libro at website, punong-puno daw ng bulaklak ang mga balantok o bisikleta para sa mga bata, magaganda at isinasabuhay ng mga napiling dilag ang kanilang inirerepresinta at gayundin si Maria, ang mga damit nila ay hindi nirerentahan sa Polly's Gown ang Barong Rentals kundi sinasadyang ipatahi upang bumagay sa mga katauhang inirerepresenta nila gaya ng mga Reyna, may mga bitbit silang kung anu-ano gaya ng krus, anchor at pulang puso, at hindi pamaypay na abaniko, karton o sopdrinks.

Katatapos lang ng sagala dito, sa totoo lang- hindi ko matatawag na isang selebrasyon o pagbibigay pugay sa Birheng Maria ang naganap na sagala dito sa amin-maingay ang mga tao hindi dahil nag-no-nobena sila o kumakanta ng Ave Maria kundi dahil nagsisigawan sa tuwing nababatak yung mga daylight, umiinom ng sopdrinks ang mga reyna, naka-coat ang tie ang mga konsorte, wala sa tono ang mosiko, at higit sa lahat-walang bulaklak!

Hindi bale, kapag ako na ang kapitana dito siguradong bongga na ang santacruzan. CHAR!

P.S.: Walang mga litrato dahil sa sobrang bilis maglakad ng mga sagala e hindi kakayanin ng shutter speed ng gigicam namin. 
Kung nais mo ding malaman kung tunay na Santacruzan ba ang nagaganap sa barangay niyo, dumalaw dito. :)

Monday, October 12, 2009

mamang drayberrr.

Gaya ng dati ko nang nasabi, malaking parte ng buhay ko ang pag-bi-biyahe sa mga PUVs simula noong bata pa ako.

Kasama din dito ang mala-pelikulang eksena ng mga aksidente at kung anu-ano pa.

Kanina lang pumunta ako sa isang mall dito sa binahang probinsya namin para makipag-date este bumili pala ng mga kailangan kong gamitin sa demonstration teaching namin.

Siyempre, inaasahan na na marami ang magpupunta sa mall matapos ang paglalambing ni Pepeng sa Pinas, kaya medyo traffic. Ewan ko ba naman sa mga lalake kung bakit mabilis mag-init ang mga ulo pagdating sa pagmamaneho.

Hay naku, nauna mahaba kasi yung jeep na sinasakyan namin, at dahil kasapi sila sa pila ng jeep na pinapayagan ng mall, pribilehiyo sana nila na mauna sa pagpasok dahil dapat makaalis din sila agad sa babaan.

Noong una pa lang, nakasunod na yung jeep namin sa isang itim na sasakyan tapos pilit siyang kina-cut ng isang kotse. So sinisksik ni Manong Drayberr ang jeep niya expecting that the driver of the car will give way... akala ko din ganun gagawin niya kasi kasama niya pa ang misis niya at ang baby niya (hindi tinted ang kotse nila)...pero hindi.. nakipag-gitgitan siya hanggang sa magbanggaan sila.. well hindi ganun kalakas ang impact pero sapat na ýun para ma-activate ang init ng ulo ng nasa kotse.

Binaba niya yung bintana niya and he started cursing like "PI ako nauna eh! Kanina pa 'ko dito. PI!"..

Pagkatapos ng ilang murahan at payabangan, bumaba ako sa jeep.

Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit kailangan humantong sa ganun. Kung sana nagbigayan sila, kung sana hindi pinaulanan ng mura ng drayberr ng kotse si Manong na lubos na nakatatanda sa kanya eh di sana walang gulo... eh di sana pareho silang nakapasok ng maayos sa mall.

Naalala ko ang isang insidente na kinasangkutan ng pinsan ko sa SLEX minsan, tinutukan siya ng baril ng isang doktor na nakasakay sa magarang kotse dahil kina-cut daw niya 'to.

Papatulan sana ng pinsan ko dahil may baril din siya kasi pulis siya, pero nung kukunin na daw niya yung baril niya, biglang hinawakan ng baby niya yung kamay niya. (best in story-telling naman na daw ako)

Ang sukatan ba ng pagiging isang lalaki ay ang pakikipagmurahan sa kalye sa harap ng pamilya mo? O ang pag-iintindi sa kapwa mo, dahil ikaw ang mas may lubos na pang-unawa?

Hindi ko alam. Hindi naman ako lalaki. Pero sana, sana.... wala nang sumunod pa sa drayber ng kotse na ýun kanina...isama na din ang Pinoy na taxi driver dati na lumabag ng speed limit ng bansa sa harap ng buong mundo nang magpunta dito ang Amazing Race.


Monday, September 7, 2009

When it rains, it pours... then I am on the moon.

I started commuting independently at the age of 13- I was a freshman in a "science high school" somewhere in the crowded streets of Cabanatuan City. Back then, it only takes 8 pesos for me to get home in a jeepney ride.

Commuting has been a part of my life for the past 7 years of my existence or should I also count my elementary days when twenty something pesky little kids with our bags that are usually bigger than us filled with inches thick of books are jam-packed into a jeepney back and fourth to our homes?

I have seen how the roads that I used to pass by every single day have worn-out until rocks start to show. I have seen many repairs and damage, repairs and damage, repairs and damage......repairs and damage over and over again.

Just recently, DPWH and Malacañang asphalted the road from San Jose City to Cabanatuan City. It was like the ones in SCTEX, mind you. And if only cars have feelings, I am pretty sure they are very happy and comfortable passing by in one of the major roads in the province.

Then rainy season came and heavy rains poured out.

On my way to Cabanatuan one time, I was thrilled by what I saw, a part of the newly asphalted road adjacent to a private hospital and a college is now gone and all I could see are mud and rocks, how could that happen? I don't know.

A moment later, looking at the poor roads, it was as if the jeepney landed on the moon in front of again, a hospital and a gasoline station. Just imagine the craters of the moon, and I think I don't need to say a word anymore.

We painstakingly passed by the "craters", and as much as the driver wanted to make his passengers feel comfortable, he just couldn't.

And the passengers, particularly the old ones are starting to shake their heads, and get angry at the driver, as if it was his fault.

All the while, I sat quietly, looking at the potholes and just thinking that it was a giant sungka board and the "bato" are the cars. Silly.

I was supposed to take photos of the road in case you don't believe me, but I was too afraid that my mobile phone would fall off the bumpy jeepney and go straight in one of the potholes when I try to take a photo.

It was like we are riding on a car pimped by MTV with hydraulics ,just like the one that Ling-Ling's mom owns in the film Hot Chick.

As of this writing, the Sangguniang Panlalawigan of Nueva Ecija is investigating about the issue calling the attention of the district engineers responsible for the asphalting of the roads. Good thing though, the roads are still covered by a one-year warranty period from the contractor.*

I just hope that there'll be no more potholes and craters come May 2010.


Read more about the issue HERE.
*Excerpted from the Nueva Ecija Journal.

Sunday, August 9, 2009

Bakit basketbol ang paboritong laro ng mga Pinoy?

Sabi ng isang kilalang sports columnist at analyst, wala daw pag-asa ang Pilipinas na manalo sa FIBA Asian Basketball Cup sa Tianjin, China.
Ka-nega naman siya, naisip ko. Noong buuin ang Team Pilipinas-Powerade, kasalukuyan akong nakikipagsapalaran sa required summer class namin, naging mainit na usapin din ito sa pagitan ng mga prof. ko.
Dalawang prof. ko ang parehong nagsabi na dapat hindi basketbol ang laro ng Pinoy dahil unang-una, wala naman tayong height gaya nung kay Yao-Ming. Tapos papangarapin natin na matalo ang mga Tsino?
Pangalawa daw, may konek sa una, sa China daw apatnapung milyong bata ang nagte-train mula pagkabata, hindi lang sa basketbol kundi sa halos lahat ng sports. Napanood ko din ito sa Discovery Channel dati, may mga bata na limang taon pa lang nagbabanat na ng buto- mapa basketbol, gymnastics, martial arts at kung anu-ano pa.
Pangatlo, hindi angkop sa tindig g katawan ng mga Pinoy ang basketbol, bagkus mas angkop ito sa soccer.

Pero bakit nga ba paborito ng Pinoy ang basketball?

1. Halos lahat ng barangay sa Pilipinas may basketball court.
Siguro dahil na din sa impluwensiya ng mga Amerikano sa atin kaya minsan, mas marami pang basketball court sa mga barangay kaysa sa Health Centers. Kaya naman, mulat ang mga kabataan sa basketbol dahil 'yun lang ang nakikita nila sa paligid nila.

2. Mura lang mag-basketball.
Mura dahil pwede ito kahit sa ilalim ng puno, sa gym ng barangay. Pwede kang maglaro kahit wala kang sapin sa paa, pwedeng maglaro ang mga lalaki ng walang pang-itaas at pwedeng half-court lang ang laro kung kulang ang tao. May mga mumurahing bola na madaling mabili kahit sa mga palengke. Hindi gaya ng soccer na dapat daw ay sport ng mga Pinoy, kailangan mo ng malaking bakanteng lote na patag, high socks, goal, at higit sa lahat, soccer ball na sa pagkakaalam ko wala pang binebenta sa probinsiya namin.

3. Madaling matutunan ang basketball.
At madali din makita ang mga resulta nito. Shoot lang ng shoot. Di gaya ng soccer na pasensyahan bago ka maka-goal. Sa totoo lang, nainip ako nang minsan mag-cover ako ng larong soccer noong Intrams namin sa sobrang tagal maka-goal ng parehong team, pero sabi nga nila, andun ang excitement ng laro na parang hindi ko naman nadama dahil umuulan noon.

4. Mas may exposure ang basketball sa Pinas.
May PBA, UAAP, NCAA at PBL sa Pinas. Dati pa nga may MBA ba yun, yung bawat probinsiya sa Pilipinas, may team. Nueva Ecija Patriots yung sa amin, ang star nun sa pagkakatanda ko ay si Willie Miller.

5. Pwedeng laruin ng kahit sino ang basketball.
Ang basketball, kahit mayaman o mahirap pwedeng maglaro. Ang soccer, halos pang-coño, laro ng mga middle-class, dahil na din siguro sa mahal ng mga gamit. Wala nga akong nakitang soccer field sa buong probinsiya lalo na sa major cities bukod doon sa nasa pamantasan namin. Improvised pa ang high-socks ng mga manlalaro. Walang soccer shoes kundi yung sneakers na pamasok din nila.

Pero may version kami ng soccer nung mga ka-laro ko noong bata pa ako. Sipa ball. Kaso para siyag baseball na walang bat at paa ang ginagamit. Ibabato ng kasama mo yung bola, dapat masipa mo 'yun tapos makapunta ka s a"home" niyo. Teka, ang labo ata nun. Basta, yun na yun!

Meron din namang ilang mayayaman ang tumutulong sa kapwa nila, lalo na sa mga batang lansangan. Minsan na itong naipalabas sa TV. May isang grupo ng mga soccer players ng isang eskwelahan ang nagturo sa mga batang kalye sa isang lugar sa Maynila ng laro. Nag-enjoy yung mga bata at naging maganda ang performance nila. Kaya nag-desisyon ang grupo na isabak sila sa totoong soccer field sa loob ng eskwelahan nila kalaban ang mga batang tinuturuan nila. Syempre, nananalo ang mga batang kalye.

"Matatalo tayo ng mababahong bata!" sabi ng isang taga-eskwelahan.
"Hayaan mo na, minsan lang naman makakalaro 'yang mga 'yan eh." sabi ng isa pa.


Magtataka pa nga ba tayo kung bakit hindi popular sa atin ang soccer?

Wednesday, August 5, 2009

Cory Aquino in the eyes of a post-EDSA baby.

I only knew her in my History books in elementary, as the wife of Sen. Ninoy Aquino, a mother of Kris and the first woman president of the Philippines and in Asia, but that was before.

I know little about the EDSA, but I have watched videos of the People Power a lot of times in my PolSci, History and Makabayan subjects. Narrations of how the death of his husband and her willingness to continue what Ninoy fought for empowered a nation-peacefully and successfully were told.

I admire her and look up to her as a leader and a mother to many Filipinos. She is calm, religious and a passionate woman without reservations to serve the Filipinos.

She always believed in the innate ability of her fellow Filipinos, even in the toughest times.

Early on my childhood days, I knew what the color yellow meant and I could vividly remember the "Laban" sign I often saw on our television screen.

As I grow older, my interest in politics also grew. I always wonder why her opinions on certain issues especially that of corruption and unethical governance always matter to the leaders of the country. "Maybe, she is really someone whom they look up to"- and I have proven it many times.

Thank you for the democracy that we are enjoying now, Pres. Cory.

Thank you for the countless times that you have defended the country and fighting for what is right.


Tuesday, July 28, 2009

SONA mo, SONA ko. :)

Ang old-aged computer namin dito sa bahay, na-reformat na naman.
Lahat ng files inalis ng pinsan ko.
Lumuha man ako ng bato, wala na akong nagawa dahil huli na ang lahat nang maalala ko na may mga piktyurs pala ako na dapat eh pina-back-up-an ko gaya noong nagpunta kami sa Bolinao (kung saan tinira kami ng mga kritiko namin. argh) at 'yung high school reunion namin.
Pero naisip ko na-upload ko naman sa Friendster 'yun kaso yung mga piktyurs namin ni Mahal ko, tinabi ko dito sa PC para ipa-print, kaso wala na.
Naubos na.... Huhuhu.


****************************************************

Nanood ako ng SONA ni GMA kanina. Okay naman, at naniwala naman ako sa mga pinagsasabi niya kaya lang ang hindi ko maintindihan eh kung bakit parang bawat pagtatapos niya sa isang statement eh naghihintay siya ng masigabong palakpakan mula sa mga audience. Naluka ako kanina noong may milliseconds na huminto siya at nakalimutan ata pumalakpak ng audience, pero naka-palakpak din sila.

Kung ako ang tatanungin, totoo yung mga sinabi niya gaya sa Skills Development Program ng TESDA, pagpapatayo ng SCTEX at ano pa nga ba?????? Yun lang naalala ko na magandang nagawa niya eh. Eh kasi naman yung GNP, GDP at kung ano-ano pang tungkol sa pera at ekonomiya niyang sinabi eh alam ko na na pwedeng dayain noong high school pa ako, at teacher ko mismo ang nagsabi sa amin niyan. Hindi ko lang alam kung sino sa teacher ko at kay GMA ang nagsasabi ng totoo.

Sabi pa ni Gloria kanina, pinagtuunan daw niya ng pansin ang edukasyon dahil minsan siyang naging teacher. Ang masasabi ko naman kung talagang na-absorb mo ang essence ng pagiging guro, siguro alam mo na kailangan mo ng aprubahan ang PhP 19,000 bilang starting salary ng mga teachers, kaysa naman turuan mo ang mga Pilipino para i-export sa iba't-ibang bansa gaya ng mga nurses, engineers at physical therapists.

Oo nga't walang maibibigay na milyun-milyong dolyar ang mga guro, pero siguro naman sapat na ang tamang pa-suweldo sa mga guro na kabayaran sa pagtataya ng mga buhay nila sa panganib tuwing eleksyon, sa pagbili nila ng sariling chalk at manila paper na gagamitin sa classroom, sa paghahati nila ng baon niya sa estudyante niya na walang baon, sa pagbili niya ng paninda ng mga co-teachers niya at ng magulang ng mga estudyante niya kahit hindi naman niya ito kailangan.

Oo nga't hindi perpekto ang mga guro. May nagtitinda ng espasol, longanisa, Avon, Triumph, Natasha at kung anu-ano pa, pero biktima lang din sila ng sistema na mula sa itaas.
Ano nga bang magagawa ng isang bagong saltang teacher na puno ng ideyalismo kung tataliwas siya sa sistema, kung kapalit nito ay ang hindi nila pagkuha ng sweldo mula sa Superintendent?

Naalala ko tuloy 'yung pinabasang akda sa aming Philippine Lit., The Visitation of the Gods ni Gilda Cordero-Fernando, inis na inis ako sa prof. ko tuwing tatanungin niya ako kung ano ba ang mensahe ng istorya, sabi ko simple lang naman po, sinasalamin po ng akda ang sistema ng edukasyon sa bansa. Hindi siya na-kuntento, ang sabi niya kasi, halos ka-pareho daw namin yung bida sa akda,idealistic.

Sa huli, naintindihan ko kung bakit hindi siya nakuntento sa sagot ko, hindi ko lubos na naunawaan yung wakas: Noong sumama ang bidang guro sa picture taking at todo-ngiti pa. Parang hinayaan na din niyang mamatay ang idealismo sa kanya.

Hinayaan na niyang lamunin siya ng bulok na sistema na dapat sana'y babaguhin niya.