Saturday, July 25, 2009

hindi ako bitter. :D

Sabi ng adviser ko magsulat daw ako ng higit sa mga personal na karanasan ko at pagiging sawi ko sa buhay. Eniwey, isang malaking hamon sa akin 'yun dahil hindi naman talaga ako mahilig magsulat tungkol sa kung ano-anong bagay gaya ng SONA ni Gloria na guni-guni lang ata niya yung mga pinagsasasabi niya o yung tungkol sa walang katapusang demanda at kontra demanda ni Anabill at Risard. Mas gugustuhin ko pang panoorin si Aling Dionisia at masilaw sa makikinang niyang alahas na binili ni Manny sa Las Bigas.

Ewan ko ba. Mahirap kasi atang makialam sa mga bagay-bagay. Nakaka-frustrate kasi kung saan ka lulugar, hindi mo alam kung kailan ka ba tititgil sa pagiging "bata" at kung kailan ka mag-uumpisang maging "matanda". Kapag ba bente ka na? Kapag naka-gradweyt ka ng kolehiyo o kapag may trabaho ka na at nagbabayad ka na ng buwis sa gobyerno?


Sa kabilang banda, mahirap ang hindi makialam at hayaan mo na lang na mangyari ang mga bagay-bagay na wala ka man lang ginagawa bukod sa paglalaro ng DOTA, pagte-text, panonood sa YouTube at pagdo-download sa Limewire. Kasi tatlo o limang taon mula ngayon, ako na ang responsable sa sarili kong buhay, wala ng baon linggo-linggo, wala ng perks gaya ng bagong damit, shopping ng sapatos at libreng kain sa Jollibee basta ni-request ng mga pamangkin ko. AT ayokong sisihin ang sarili ko sa mga bagay na ginawa ko sana kapag dumating ang araw na iyon.


********************************************************
Tinanong ko ang isa sa mga mentors ko kanina kung tama ba 'yung ginawa ko na hindi pagsali sa pagsulat ng sanaysay sa college namin. Tinanong niya kung bakit nga daw ba ako hindi sumali, sabi ko naman: Tinamad ako, tsaka inaway ako ni Don noon. Eh kasi naisip ko po yung mga sinasabi ng mga tao sa akin na lagi na lang ako, na lahat na ng pwedeng kuhanin, kinuha ko na. In short, suwapangerz akira.

Tapos sabi niya, eh ano daw magagawa nila eh sa magaling ako. (Naluka naman ako sa reaction niya at pumalakpak ng bonggang-bongga ang tenga ko.) Tapos sabi ko ulit, eh kasi po feeling ko kaya ayaw nila sa akin kasi nga daw po ganun ako, parang wala ng bukas sa pagsali sa kung saan-saan.

Tapos sabi niya ulit "Anak, wag mong iisipin yung sinasabi ng iba wag kang matakot sa kanila. Dapat mas matakot ka sa sarili mo kasi oras na hindi ka naniwala sa sarili mo, mas nakakatakot 'yun."

***********************************




4 comments:

  1. mahusay ka din magsulat
    malilibang ako dito hehe

    ReplyDelete
  2. Sabi nga hindi lahat masisiyahan sa iyo. Magsusulat tayo para sa mga taong nasisiyahan sa atin. :D At anu ka ba, ung mga talagang tagasubaybay mo eh ung mga hate ka, aabangan talaga nila ang mga gawa mo at hahanapan ng butas. O di ba, hate ka nga nila pero nag-effort pa sila na abangan at basahin ito? :D

    Saka tama ung mentor mo, di ka dapat matakot sa kanila, as long as tingin mo ay kaya mo, go lang ng go. Maaaring hindi na ito maulit pa kaya dapat eh sunggaban mo na ineng. :)

    ReplyDelete
  3. salamat, salamat... :) nasaktan lang talaga ako sa mga sinasabi nila kasi wala naman akong ginagawang masama.

    ReplyDelete