Tuesday, June 15, 2010

Nakakainis na.

Ayaw ko kayong patulan.

 Alam ko binabasa mo ang blog ko. Ito lang ang mga bagay na masasabi ko sa inyo:

1. Hindi ko kailangang manira ng tao para lang makuha ko ang simpatiya nila.

2. Hindi ko din ginagamit ang Facebook account ko para lang patamaan kayo. Wag kasing masyadong guilty!

3. Wala akong balak sayangin ang oras ko sa pagpapanggap gaya ng ginagawa niyo.

4. Hindi ako nabubuhay sa mundo para i-please ang lahat ng tao, kung ayaw niyo sa akin, wag na kayong makipag-plastikan pa.

5.Hindi ako nakikipagparamihan ng kakampi kaya tigilan mo na yung panggagaya mo sa akin! Hahaha.

6. Pinagdadasal pa din kita. Kayo. 

7. Hindi ako masamang tao, nagkataon lang na nagkamali kayo ng taong pinili niyong saktan.

8. May direksyon na ang buhay ko ngayon, sana kayo din.

9. Tumigil na kayo sa pagtatago. Alam na ng buong mundo ang totoo, kayo na lang ang hindi umaamin.

10. Hindi sa bibig ko nanggagaling  lahat ng nalalaman ko tungkol sa inyo, kaya wag mong sabihing "sinisiraan" ko kayo.

11. Ito na ang una at huling beses na gagamitin ko ang blog ko para sa mga ganitong bagay.

12. Sana huwag mangyari sa mga magiging anak niyo yung ginawa niyo sa akin.

13. Wag kayong masyadong defensive.

14. Wag  mandamay ng ibang tao sa kagaguhan nyo. Gagawa ng kalokohan tapos pag nahuli, maninisi ng iba. Syeet.

15. FO na tayo. Asa ka pa?!

No comments:

Post a Comment