Friday, January 30, 2009

ikaw na bahalang magbigay ng title.

CLSU Lantern and Float Parade.

panis na 'to, pero natuwa ako sa mga pics namin. haha.
kaya ipo-post ko
na din. ZIVA.


Lantern Entry ng College namin. pansinin ang kamay, hindi pantay. haha.



haggard. nak ng bega. madaling araw na 'yan. :)


WYA hoodies. :) may hot choco pa si Sir Francis.



Inter-Collegiate Literary-Musical Fest.


Magyayabang muna ako.
Nanalo ako sa Essay Writing-sa wakas.

Kaso nakaka-asar yung over-all result.

Tinalo kami ng CBAA (Business Admin. and Accountancy) by 0.5 points.
Nag-transform tuloy ako bigla sa isang pala-murang estudyante.
Pu*#^!>a! Saan namang kalawakan nanggaling yung 0.5 na lamang nila sa amin?!
as in P&^%#@() talaga!!


Aaminin ko pikon talaga akong tao, kung ikaw man nasa kalagayan ko diba?

Sayang talaga. sayang na sayang.

Sabi nga ni Dean...

"We did it again!.... a litttle"


Naka-Versace pa naman siyang (si Dean) na polo noong awarding. :D
at ang lolo mo, ini-snob ang University President dahil masama ang loob na tanggapin ang trophy.

Sige, sa BA na 'tong taon na 'to-nung Intrams pa kayo eh.
...tingnan na lang natin next year. (aru, angas ko. haha)


LAY-OUT.
natitiwang ako sa paggawa ng "personalized" kunana template kaya sinukuan ko na.Kaya ngayon nagtitiyaga kang tumingin sa kulay white na background at jologs na color combination ng text font colors. tsk-tsk. wala akong pag-asa sa ganitong mga bagay.

Sunday, January 25, 2009

He's a LEGEND.

I am at my wit's end.

I am quite serious.

I have always excelled in my Education subjects from Foundations of Education to Principles of Teaching II.

Bulataw na kung bulataw pero hindi ako nakakuha ng marka na mas mababa sa 2.00 sa Education subjects ko. . .

... ngayon pa lang.

Ayokong pangalanan yung threat sa matinong record ng grades (sa Education subjects) ko sa ngayon, malamang pagkatapos ng sem na ito na lang.

Basta malupit siya. As in. Super. To the highest level. Grabe talaga. Alam mo yun??!

Nakaka-windang magtanong. Nakaka-tiwang magpa-assignment at susukuan mo ang mga quiz at exam niya.

Nahihirapan akong maghabol sa kanya.
Siya yung tipo na walang pakielam kung Student Council officer ka o pinanlalaban ka ng college/university sa kabilang probinsiya o kung guni-guni mo lang o malubha talaga ang sakit mo. Basta pumasok ka, sumagot ka, mag-aral ka at ipasa mo lahat ng pinapapasa niya.

Tamad akong gumawa ng assignment simula Elementary. Gusto ko pag-uwi ko hihiga na lang ako at magpapaka-sasa sa panonood ng mga palabas sa TV.
Masipag siyang magbigay ng "assignment" na daig pa ang project namin. Mahilig magbigay ng 30-60 items na assignment bawat dalawang araw. Computerized, double-space, may tamang margin.

Mabagal siyang kumilos pero sing-bilis ng kidlat mag-discuss. Hindi mo mamamalayan nakaka-isag chapter na pala kayo at meron pang natitirang trenta minutos.

Kailangan kong magpaka-tino, kakalimutan ko munang officer ako, kakalimutan ko munang kailangan kong mag-review sa Quiz bowl, kakalimutan ko munang mag-practice sumulat ng labing-walong paragraph na sanaysay, kakalimutan ko munang maging mabait, sa ngayon, kailangan ko munang maging isang ordinaryong estudyante, kailangan ko munang maging suwapang sa pag-aaral at sa recognition sa klase hindi bilang yung batang mali-mali sumagot, lowest sa mga assignments at laging absent dahil sa lagnat.

Natatakot ako sa kanya, natatakot ako sa mas malaking epekto ng takot ko sa kanya kaya ngayon pa lang lalabanan ko na ang takot ko.

Binigyan ko na ng taning ang pag-aaral ko. Limang taon lang para maging isang guro-tama na 'yon. Tama na ang maghabol ng lintik na Math at PE subjects- tama na.

Salamat sa kanya... isa siyang alamat na nagpapa-alala sa akin na nasa CLSU ako upang mag-aral.

Salamat dahil siya ang gumising sa akin para imulat ang mata ko sa reyalidad na hindi magbabago ng anumang posisyon sa Student Council, ng mga laban sa loob at labas ng pamantasan at mga pabalik-balik na sakit ang katotohanan na estudyante pa din ako.




Monday, January 19, 2009

disclaimer.

nakakainit ng ulo ang pagbabago ng lay-out. grrr.

5 days para ayusin ang blog ko. :)

I'll start from scratch again.


I

H-A-T-E

this.

of dreams and death

Siguro isa sa mga pinaka-nakaka-negang bagay sa mundo ay mapanaginipan mo ang isang taong hindi mo naman ka-close o ni hindi mo aakalaing ni sa hinagap ay mapapanaginipan mo. Ewan ko ba. Talagang weird ang mga panaginip ko this Holiday season. Siguro dahil sa dami ng kinakain ko at sa haba ng tulog ko eh kung ano-ano na pumapasok sa panaginip ko.

The Day the Earth Stood Still.
Hindi ko pa napapanood yung movie pero may nakapagsabi sa akin na tungkol sa aliens ang pelikulang ito. Sa labinwalong taon na inilalagi ko sa Earth eh kahit kailan hindi ako naging interesado sa posibilidad na ma-invade ng aliens mula sa Saturn o Uranus ang Earth pero pagkatapos ng Noche Buena namin, napanaginipan ko sila.

May tatlong UFO na lumilipad noon,parang ambulansya pa nga daw yung kulay ng ilaw nila tapos nakatayo daw ako sa labas ng bahay namin at unti-unting tinitingnan ang pag-landing ng UFO sa harap ko. Na-freeze ako sa kinatatayuan ko, manghang-mangha sa nakikita ko ang hindi ko alam, type pala ako ng pinaka-commander ng UFO na 'yon, mukha siyang robot at puro ilaw ang katawan. Inilahad niya ang kamay niya na tila inaaya ako na sumama sa kanila-no way! Tapos nung tumanggi ako, hinila niya ako pero yung superhero kong kapatid iniligtas daw ako. Tapos lumipad na ulit pabalik ng kalangitan ang tatlong UFO.

Pumasok kami ng kapatid ko sa bakuran namin nang may mapansin akong UFO ulit na hugis crib. Bumagsak yung UFO tapos may nakalitaw na ulo ng baby, syempre may ilaw-ilaw effect na naman sa gilid-gilid tapos may picture ng bear sa isang gilid nito. Nung tinanggal namin yung kumot ng baby, napatutop daw sa bibig yung kapatid ko kasi yung lower body niya, katawan ng bear. Inihagis daw namin yung baby pabalik sa crib-UFO tapos nawala na sa kalangitan.

Flashback.
Mate-take ko yung aliens pero ang mapanaginipan o ang ex(?) mo anak ng christmas balls naman. Ni hindi nga kami close nun eh.

May trip ang barkada, nakasakay kami sa isang jeep na medyo maikli ang length than the usual, yung mga lumang style ng jeep ganun. Nasa harap yung barkada ko na mayaman-siya yung driver kasama yung dalawa ko pang ka-barkada na supplier ng pagkain.
Nasa likod daw ako tsaka yung iba ko pang ka-barkadang babae tsaka siya (si ex) at isa pa niyang kaibigan. Nasa likod lang ako ng driver para makakasandal ako anytime tapos siya din nasa aisle ng jeep, doon siya nakaupo. Naka-shorts ako nun tapos hinawakan daw niya yun binti ko, na-bad trip ako nag-sorry siya, masungit pa din daw ko hanggang ngayon (oh well) tapos hindi ko na siya pinansin. Nag-stop-over kami sa isang bahay para maki-ihi, pagbalik sa jeep nasa dating pwesto ako at handa nang matulog para sa mahabang biyahe tapos bigla niyang hinawakan yung kamay ko at sinabi: "sana nagawa ko sa'yo 'to dati"


Naputol ang panaginip ko nang maramdaman kong napiprito na ang mukha ko sa sikat ng araw- alas diyes na pala ng umaga. lintek.

********************************************************************************
DEATH.

Kahapon (Jan.18, 2009) nabalitaan ko na isang kaibigan ang namatay. Malungkot pero mas nakakalungkot na malaman na binaril siya. Tuwing may kaibigan akong nawawala, bigla kong mare-realize kung gaano kahalaga ang buhay. Unti -unti kong maiisip lahat ng bagay na gusto kong gawin, lahat ng mga salitang hindi ko masabi, lahat ng pangarap na gusto kong tuparin.

Nakaka-senti.

Kasi hangga't andyan yung mga taong mahal natin, nagiging ordinaryo na lamang sila sa paningin natin, ang hindi natin alam lahat dadating ang panahon na mawawala sila at wala na tayong magagawa kundi balikan ang mga ala-alang iniwan nila sa puso natin.

Nakaka-bigla.

Noong isang taon, nawalan ang klase namin ng isang kaibigan isang araw matapos ang debut niya sa isang aksidente.
Ngayon, sa bala ng baril natapos ang buhay ng isa sa mababait na taong nakilala ko.
Yung mga taong hindi ko lubos akalain na mawawala ng ganun-ganun na lang ang mga nauunang bumalik sa langit.
Yung mga taong may maganda sanang kinabukasan.
Yung mga taong may kabuluhan ang buhay.


May you rest in peace, Kuya Vehjel. You'll always be remembered in our hearts, we'll miss you.