Saturday, July 31, 2010

.


Sabi nila, para makalimutan mo ang isang bagay, kailangan mo munang tanggapin ito ng buong-buo. Gaya ng malubhang sakit o kamatayan o kahit ang simpleng pag-lisan ng mga taong inakala mo na makakasama mo habang buhay kung kailan mahal na mahal mo na sila.

At para matanggap mo ng buong-buo, kailangan mong ilabas lahat bago ito magsilakbo at sumabog sa dibdib mo. Isang pangyayari na  nag-udyok sa akin na tumigil pansamantala sa pagsusulat upang hindi na makasakit pa, pero yung pangyayaring din yun ang nag-udyok sa akin para subukan muling sumulat.

Apat na taon at anim na buwan. 

Parang sila Basha at Popoy sa One More Chance. 

Hanggang ngayon hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit nga ba kinailangang matapos ng isang samahan na inakala kong pang-habambuhay na. Kahit man lang sana yung pagkakaibigan manatili, pero huli na ang lahat- masyado ng masakit, masyado ng malalim ang sugat para gamutin, masyado ng malala ang pasong natamo ko. Nakakatakot ng sumubok ulit.

At ang pinakamasakit dun, kumapit ako habang siya naka-bitiw na pala, at hanggang ngayon, ganun pa din yung sakit. Kahit gaano kadaming alak ang inumin ko, kahit gaano kadaming yosi ang hithitin ko, kahit gaano kaganda ang mga ngiti ko, kahit gaano ko subukan na ipakita sa mga tao na masaya ako at kaya ko...kapag mag-isa na ako at walang ibang nakakakita, ang sakit sakit pa din, lumuluha pa din ako, umaasa pa din ako na kahit magkausap man lang kami, na kahit minsan lang bumalik kami sa mga lugar na pinuntahan namin, na kahit minsan lang bumalik yung dati... 

Pero hindi na. Wala na. Wala na akong babalikan, wala ng ibabalik pa. Lahat ay niluma na ng panahon, maaaring nandun pa ang lugar, pero iyon na lang ang nananatili doon.

Wala na. 




Sunday, July 11, 2010

Redemption

I will write again.
I will bring back this blog to life.
..in time.
I will. I have to.