Monday, May 31, 2010

Untitled

I would like to apologize for not updating my blog, for the loss of tales about Manang and other somehow funny stuff that I used to write here. I just don't want to disappoint you guys with my unending sentiments about something that do not deserve a space here. Haha. Anyway, I don't have intentions to tell the whole world about what I am going through, but it's really, really tough. I chose to contain them on my Facebook account, and I'll try to be back the soonest time possible. Enjoy. Smile. Love Life. :)


Wednesday, May 19, 2010

-

  
It's never the tears that measure the pain...

...it's the smile we fake to show others we're okay.

                                                        -Anonymous

Sunday, May 16, 2010

Flores de Maria

Sa mga probinsya, kadalasang dinaraos ang Flores de Maria/ Flores de Mayo/ Santacruzan tuwing Mayo- isang Katolikong selebrasyon at pagpupugay sa Birheng Maria sa pagbuhos ng ulan at pagbuka ng mga bulaklak matapos ang mahabang tagtuyot . 

Ilang Santacruzan na ang napanood ko dito sa barrio namin, pero kahit minsan, wala sa deskripsyon ng Flores de Mayo ang tumugma sa mga santacruzan na ginagawa dito.

Noong bata ako, dalawang beses naging kasali sa sagala ang ditse ko, noong bata siya at noong binata dalaga siya bilang si Reyna Sheba. Hindi ko ma-appreciate ang santacruzan noon, bukod sa gumagastos ang ermats ko sa pagbili ng daylight na isasabit sa balantok ng ditse ko eh dyaheng magbuhat ng balantok ng ditse mo habang tinitingnan ka ng crush mo na Constantino.

Subalit sa kabila nito, nagsaliksik ako kung bakit nga ba ginagawa itong malaking pagkakagastusan na'to. Bongga naman pala ang fiestang ito dahil ayon sa deskripsyon na ibinigay ng iba't-ibang libro at website, punong-puno daw ng bulaklak ang mga balantok o bisikleta para sa mga bata, magaganda at isinasabuhay ng mga napiling dilag ang kanilang inirerepresinta at gayundin si Maria, ang mga damit nila ay hindi nirerentahan sa Polly's Gown ang Barong Rentals kundi sinasadyang ipatahi upang bumagay sa mga katauhang inirerepresenta nila gaya ng mga Reyna, may mga bitbit silang kung anu-ano gaya ng krus, anchor at pulang puso, at hindi pamaypay na abaniko, karton o sopdrinks.

Katatapos lang ng sagala dito, sa totoo lang- hindi ko matatawag na isang selebrasyon o pagbibigay pugay sa Birheng Maria ang naganap na sagala dito sa amin-maingay ang mga tao hindi dahil nag-no-nobena sila o kumakanta ng Ave Maria kundi dahil nagsisigawan sa tuwing nababatak yung mga daylight, umiinom ng sopdrinks ang mga reyna, naka-coat ang tie ang mga konsorte, wala sa tono ang mosiko, at higit sa lahat-walang bulaklak!

Hindi bale, kapag ako na ang kapitana dito siguradong bongga na ang santacruzan. CHAR!

P.S.: Walang mga litrato dahil sa sobrang bilis maglakad ng mga sagala e hindi kakayanin ng shutter speed ng gigicam namin. 
Kung nais mo ding malaman kung tunay na Santacruzan ba ang nagaganap sa barangay niyo, dumalaw dito. :)

Friday, May 14, 2010

Fourteen

Paunawa: Lubhang ma-emong post, maaring i-click ang x-button sa itaas. :))

Naramdaman mo na ba na parang wala ng spark 'yung relationship mo sa isang tao? Oo, mahal mo siya pero hindi ka na masaya. Oo, mahal mo siya pero hindi mo na kayang tanggapin lahat ng ginagawa niya-parang sila Popoy at Basha sa One More Chance, pero ayaw mo pa din bumigay, naniniwala ka pa din na isang phase lang 'to ng relasyon niyo na kaya niyong pagdaanan at pagkatapos noon, okay na ulit ang lahat.

Naramdaman mo na ba yung sobrang kasiyahan mo kinabukasan magiging kalungkutan -walang pahintulot, walang babala-biglaan.

Nagugulahan ako, ayokong bumigay pero sa tuwing nakikita ko siya, nalulungkot ako, nalulungkot ako dahil baka ako ang maging dahilan ng pagsisi niya sa huli, nalulungkot ako na hindi niya nagagawa ang mga bagay na gusto nyang gawin dahil ayaw kong pumayag, nalulungkot ako dahil natatakot ako na ang maging kapalit ng kalayaan niya na gawin lahat ng gusto niya ang ang kalayaan niya mula sa akin. 

Pero 'diba sabi naman nila, kung kayo, kayo. Kung hindi, hindi. May mga taong sadyang ibinigay sa atin upang turuan tayong magmahal, lumuha, magalit, tumawa, maglambing, maging mga tao na ni sa hinagap ay hindi natin inakalang magiging tayo- at sa oras na natuto na tayo, matatapos na ang kanilang misyon at iiwan nila tayong nakatayo sa sarili nating mga paa-malakas, hindi mabubuwal at mas mabuting mga tao.

Pero ang masakit doon hindi nila tayo tinuruang maging handa sa oras na lilisan na sila....

Nagugulahan ako, pero iisang bagay lang ang alam kong malinaw- hindi ko pa kayang maiwan, hindi ko pa kayang bumigay-parang bisyo, kahit alam mong nakamamatay, sadyang mahirap tigilan-hanggang hindi pa iniinda ng katawan mo ang lahat ng sakit-sige pa din.

Pasensya na sa ka-dramahan, nasipa ng kabayong pula e. 


Monday, May 10, 2010

Green Force

Noong mga unang araw ng kampanya, dilaw ako pero ewan ko ba, bigla na lang ako napaisip nung mga nakaraang araw, ginalugad ang internet tungkol sa mga plataporma ng bawat kandidato, nanood ng iba't-ibang debate sa YouTube hanggang sa naglaban ang dilaw at luntian sa isip ko. Sa mismong eleksyon na lang ako magdedesisyon- sabi ko, impulsive talaga ako e. 


First time voter ako kaya naman hayaan niyo nang ipagmayabang ko na nakaboto na ako sa kauna-unahang automated election ng Pilipinas kong mahal. Hindi gaya ng karamihan na inabot ng tatlo o apat na oras sa pilahan, no sweat ang pagboto naming pamilya, madalang kasi ang tao sa presinto namin kumpara sa ibang presinto. Mababait din ang mga BEI, teachers at PPCRV volunteers na nasa paaralan.

Maraming reklamo tungkol sa PCOS machine, pero gaya ni austenfan, at ire-reblog ko ulit (wala din akong intensyong mang-away) na hindi ang PCOS machine mismo ang may problema, kadalasan ang mga taong gumagamit nito ang wala talagang sapat na kaalaman sa ganung klase ng makina. 

Wala naman sigurong masama sa mga problema sa automated elections, unang beses pa lang po ito ginagawa sa ating bansa- at ang totoo, karamihan talaga sa mga Pilipino,ay takot sa kompyuter o minsan lang sa buhay nila naka-tipa ng keyboard, PCOS machine pa kaya na kinakain bigla-bigla 'yung papel mo at may lalabas na mensahe sa screen? 

Patuloy na lang tayong magdasal, mag-matyag na magiging matagumpay, malinis at mapayapa ang ating eleksyon at kung sinuman ang manalo, suportahan na lamang natin sila. :)

*****
Green Force= Jamby  (HAHA. JOKE LANG.SULONG G1BO ako. :))

Sunday, May 9, 2010

Si Manang

Ito ay hindi tungkol sa Araw ng mga Ina. Kailangan ko lang talagang ibulalas ang mga sentimyento ko kay Manang, ang aming plantsadora. Kasalukuyan siyang namamlantsa ngayon sa likod ko, ewan ko kung nababasa niya 'to pero wala akong pakielam.

Mag-iisang taon na ang nakalipas nang magsimulang mamlantsa si Manang. Maliit siya, maitim, mahaba ang buhok, at ayon sa kanya kuwarenta anyos pa lamang siya, pero sa hitsura niya mukhang mas matanda pa siya sa kay ermat na singkwenta anyos na.

Unang pagtatagpo pa lang namin ni Manang, hindi na kami agad nagkasundo, paano naman sinunog niya ang kuwelyo ng uniporme kong kulay penk- at hanggang ngayon ay idine-deny nya pa ito- eh sino nga makakasunog nun, ako??

Kinalumutan ko na 'yung hindi magandang simula ng pagsasama namin hanggang sa isang araw habang humahagikgik ako sa harap ng kompyuter, salamat mga jejemon at sa blog ng TNL, e bigla niya akong inistorbo: "Kuwan, kumuha ka nga ng hanger." wika niya, "Sige" sagot ko naman, at tsaka ko tinuloy ang paghagikgik ko-papalakas, kahit hindi na totoo para inisin siya.

Hindi pa doon natatpos ang lahat, bukod sa pag-uutos niya sa mga amo niya, nang minsang umalis sila ermat at erpat e akong mag-isa lang ang naiwan sa bahay. Alas onse ako nagising, dumiretso sa kompyuter at natagpuan ko syang malapit nang matapos sa trabaho niya.

Nang matapos siya, umupo sya sa upuan, habang ako utong-uto sa paglalaro ng Farmville. "Kuwan, uuwi na ako" sabi nya, "Sige po" sabi ko naman.

Hindi sya gumalaw, isa,dalawa, tatlong minuto ang lumipas, nakaupo pa din siya, nilingon ko sya sa likod at nagsalubong ang aming mga mata. "Hindi ho ba kayo binigyan nila mama?" tanong ko sa kanya, umiling sya. 

Tayo ako sa upuan at pumunta sa kwarto nila ermats, halughog, bukas cabinet, bukas bag, akyat sa tuktok ng cabinet- walang pera. Masakit man sa loob ko, pumunta ako sa kwarto namin, hinagilap ang bag ko at hinalungkat kung may pera pa ako- may P 250 pa ako, itinabi ko yung isandaan- pambili ko ng bagong panty.

Lumabas ako at mabigat sa loob na iniabot ang P150 sa kanya, tsaka ako mabilis na tumalikod para hindi na sya makapag-reklamo pero bago ko pa man magawa 'to, umapela na siya, kulang daw, tinanong ko kung magkano ba binibigay sa kanya "P 250"  with matching paawa at pagod na pagod na mukha.

Mahina ako sa mga taong paawa, baka nga maiyak pa ako kapag hindi ko sila nabibigyan ng limos e.
Kaya naman imbes na muli ay pag-tripan ko siya, nagpasya na lang akong bumalik sa kwarto at kunin yung isandaan-babay bagong panty. Binigay ko sa kanya at umalis na sya, ako naiwan sa bahay mag-isa.

Mag-isa na nga wala pang pera. Langya,

Kung may nakakainis na encounters ako kay Manang, meron namang nakakatuwa.

Nung minsan na umalis na naman sila ermat at erpat, ako na naman ang naiwan. Kagigising ko lang noon e, siguro akala ni Manang siya lang ang tao sa bahay noon, kaya naman napagpasyahan niyang mag-yosi break, oo yosi break- at panis ang Marlboro, Fortune at Champion sa yosi niya-  Magkaibigan ang hinhits niya. 

Nang abutan ko siya na nakaupo, nakataas ang isang paa sa silya at humi-hits ng Magkaibigan, balik ako agad sa kwarto, nagpatugtog ng Fire Burning on the Dance Floor at tsaka humagalpak sa kakatawa. 

Walang katulad ang lola mo. Kaya naman hanggang ngayon kahit marami na syang damit na nasusunog at sa akin niya inirereklamo ang mga mantsa sa damit na pinaplantsa niya na tila ba matatanggal ko ang mga pesteng mantsa na 'yun e, pinababalik pa din sya ni ermats (isama  na din ng pag-eextra rice at pag-eextra ulam niya tuwing tanghalian), wala daw kasing ibang ikinabubuhay. 

Kaya naman matagal-tagal pa ang mga adbentyurs namin ni Manang. Tsk Tsk.


Saturday, May 8, 2010

Confused.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'tong post na 'to, Mother's Day pa naman bukas. :(

Ganito kasi yun e, may problema sa pamilya niya yung isang kaibigan ko, tapos sa'kin niya sinasabi lahat ng nararamdaman niya-lahat ng anger niya sa pamilya niya, like pag nagka-pera siya lalayas siya tapos di na siya magpapakita. 

Pero ang pinakanakakatakot dun is that he's telling me na ang pinakamadaling paraan lang naman daw para matapos ang problema niya is to end his life-since doon din naman daw tayo pupunta lahat. 

I asked him kung kaya niya bang iwan yung mga taong nagmamahal sa kanya? Sabi niya hindi naman daw lahat magpapa-apekto kapag nawala siya- and that death is a natural process that we would all go through eventually.

Sinubukan ko na lahat para hindi sulsulan yung mga sinasabi niya, naging careful ako sa pagbibitaw ng salita kasi nga hindi naman ako yung nagdadaan sa pinagdadaanan niya. Sinabi ko din na kausapin niya yung mga magulang niya para sabihin yung totoo nyang nararamdaman sa set-up ng pamilya nila-pero wala din, hindi naman daw sya pakikinggan ng mga magulang niya,.

Kaya hindi ko na talaga alam gagawin ko. Hayyy.

 Ano pa ba pwede kong gawin??

Blog Review: It's Not Always About Me

What caught my attention the first time I stumbled upon this blog is the unique header that says: "It's not always about me.. but most of the time it is".

Its pink, purple and white color combinations are really cute and very girly. It has a three-column template with lots of navigations to choose from, including different contests, blog groups, money-making sites and other colorful, cute and fancy badges from some of the most-read blogs in the internet.

This blog is written and maintained by Miss Yuuki, and will be celebrating its first blog anniversary this month!

It also contains a first-hand article about the newest internet experience that will surely take the world by storm. Aside from that, Yuuki helps other bloggers by making reviews of other blogs and giving relevant informations to the readers. It is also an interactive blog where readers can make comments on the posts and via the chatbox.

 



This is a blog review entry for Yuuki’s TwinBlogversary Contest.

Blog Review: The Drama Queen


Living up to its tagline: Addicted to Asian Dramas, the Drama Queen, a site maintained by a fellow blogger Yuuki is dedicated in giving you all things Asian especially the hottest actors and actresses that captured our hearts in the series like Meteor Garden, Boys Over Flowers, Hot Shot among many others.

Who would ever forget the heart-breaking moment of San Cai and Dao Ming Ze in Meteor Garden, and of course the Meteor Necklace that girls like me wished to received from our crushes or boyfies. :)


The Drama Queen is not just about Asian Dramas, but it also provides visitors relevant links may it be from earning money online, accessing beautiful and interesting blogs just like the Drama Queen. Furthermore, it provides various intensive featured blog posts about health products relevant to the society. 

Moreover, it is also an earth-friendly blog since it uses black as its main background color so less energy is used everytime you visit the blog. The blog and red combination of the over-all look of the blog makes it so dramatic or even emo, again, living up to its titile, the Drama Queen.

So the next time you blog-hop or just want to have a good time reading articles about your favorite Koreanovelas and characters, just click The Drama Queen!

This is a blog review entry for Yuuki’s TwinBlogversary Contest.

The blogosphere goes social

I've been blogging since 2008, and I must admit that sometimes I find blogging boring and I want to shut down my blog, but then again when I blog-hop, I find blogs that I find very interesting including the persons behind it. So to make things more exciting for my world wide web adventure, I joined a new group of bloggers who shares the same interest, and I encourage you to be one of us too! :)



Calling all bloggers who want to gain friends in the blogosphere and build links at the same time –  BC Bloggers 3 is now open.  To join just visit Mommy Diary, read the requirements, and fill out the Application Form.

Having a blogoversary with prizes? Now that's cool.

I have seen a LOT of blogs on the world wide web through blog-hopping until I come across with this blog, and eventually found out that the blog will be celebrating its anniversary with a big bash! 


That's why I blogged it here and hope that you could join too! There's nothing to lose, and besides, it is free, fun and it has ΓΌber-cool prizes in store for the winners. Just don't forget to add in your entry that I am your referrer. Thanks and Happy blogging!



What is YTBC?
YTBC stands for Yuuki's Twin Blogversary Contest. It is a month-long contest in celebration of her blogs' anniversary



So, are you ready? Here are the mechanics for the contest:




Special Notes:
* For those with multiple blogs, you can do items A to D on all your blogs with full credits (but use one name/ email add)
* Contest Sponsors gets 100 points top-up
* To qualify for the Raffle Prize, you must have a minimum of 500 points (contestants can have more raffle tickets depending on her total points, e.g total points = 1100 is equivalent to 2 raffle tickets)




1st YTBC (Yuuki’s Twin Blogversary Contest)
Come and join us, as we celebrateIt’s Not Always About ME andDrama Queen turns 1 this May2010!

My Blogs
Meet my sponsors



Cash Prizes

Major
1st Prize – $100
2nd Prize – $30
3rd Prize – $20
Raffle
$5 x 5nos

Special Awards:

FC (First Commenter) Blab Award
1 month Adgitize GC
1 info domain and 1-yr blog hosting (Pinay Mommy Online)
Best Blog Review Award
1 month Adgitize GC
1 info domain and 1-yr blog hosting (Pinay Mommy Online)

Friday, May 7, 2010

and the winner is... (the top 5 political ads-for me. ΓΌ)

1. Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?



Manny Villar's political campaign ad that started it all. I must admit, na-LSS din ako sa kanta, pero habang tumatagal ay nakakairita na!

2. Jamby Madrigal's semi-horror TVC



Try mo kaya panuorin 'to ng gabing-gabi at ikaw na lang ang gising sa bahay niyo, kaloka ang background music 'teh! Kamusta naman ang pag-iikutan nila, anu yun bilug-bilug-bilugan, asaynment-asaynment, suntukan?



3. TG Guingona at ang crocodile




Naloka ako sa kawawang crocodile na ito. Yun lang!




4. Lito Osmena swims for Senate



Hindi ko ma-gets yung paglangoy niya sa dagat, parang nakakaloko lang a.



5. Manong Johnny



Napaka-old school ng steps sa sayaw ni Manong Johnny, kasing tanda ng mga talents sa TVC niya, at syempre ni Manong Johnny.