Ang haba ng title daba. Ganun talaga.
1. Walang mawawala kung ngingiti.
..pero dapat yung totoong ngiti ha, at sa mga totoong tao LAMANG. :)
2. Hindi lahat ng bagay, makukuha mo.
..kasi may mga mang-aagaw, tsaka mawawalan ng thrill ang buhay kapag lahat nakukuha mo, at kadalasan maraming tao ang mag-iisip na swapang ka kahit hindi naman. Pero ayos lang, kasi hindi naman kabawasan sa pagiging tao mo kapag hindi mo nakuha lahat, kasi nga TAO ka, hindi ka perpekto.
3. Hindi masamang magkamali, madapa at mabigo.
..dahil matututo kang pahalagahan ang mga simpleng bagay sa mundo gaya ng lakas ng pagtawa sa isang joke sa oras na bigong-bigo ka, dahil makikilala mo ang mga taong sasamahan ka sa taas at sasaluhin ka sa baba, dahil malalaman mo na ang mundo ay hindi laging masaya, makulay at may happy meal at laruang kasama, minsan kailangan masaktan, umiyak at makuntento sa kung ano ang meron at pahalagahan ito to the highest level. Dahil sa bawat pagkakamali, pagdapa at pagka-bigo, mas makikilala mo ang sarili mo, mas malalaman mo kung ano ang kaya mong gawin at magagawa mo ang mga bagay na hindi mo inakalang makakaya mo.
4. Tao lang tayo, hindi superhero.
..akala ko kasi dati kaya ko lahat, tapos masaya na pero hindi ganun, sobrang hindi. Maaaring nakayanan mong tumawid sa alambre, kumain ng pitong kilong siling labuyo at maglaslas ng pulso ng limang beses pero tao ka pa din. May karapatan kang magkamali, lumuha kung kinakailangan at aminin sa sarili mo na pumalpak ka, syempre dapat din i-redeem ang sarili agad para naman hindi obvious na affected ka ng bonggang-bongga sa mga nangyari. Move on!
5. Mahalin ang sarili palagi!
..hindi kailangang magpaka-emo kasi dapat mahalin muna ang sarili ng bonggang-bongga, gawin mo lahat ng bagay na nagpapasaya sa'yo at yung mga bagay na ikagaganda mo, dahil kapag nagawa mo 'yun, tsaka mo pa lang pwedeng sabihin na handa kang magmahal ng isang tao na hindi magpupuno sa pagkukulang mo at kukumpleto sa'yo subali't isang tao na magmamahal sa buong pagkatao mo ng buong-buo, walang labis, walang kulang.
6. Maraming tao ang dadaan upang manatili at umalis ulit.
..hindi gaya noong high school na solid ang barkadahan, na kumpleto ang tropa sa bawat lakad, joyride at trip, habang tumatandaerz ay madalang na ang mga taong makikilala at ituturing kang kaibigan kahit mabaho ang paa mo o malakas kang mag-hilik, pero masuwerte ka kapag nakakita ka ng ganun kaya gawin mo ang lahat para manatili sila.
7. Walang masama sa pagpapakita kung sino ka talaga.
..dahil doon mo makikilala kung sino ang mga taong tatanggapin at mamahalin ka nang walang hinihinging kapalit.
8. Kaya mong magbago.
..hindi para kanino man kundi para sa sarili mo. Mas masarap sa pakiramdam apag alam mong nabago ka ng mga pangyayari at naging mas tao ka.
9. Sumubok ng mga bagong bagay.
..para hindi boring ang buhay at mas matuto.
10. Live with no regrets.
..naks, English..dahil ang mga bagay na naganap na ay ginusto natin at minsan tayong napasaya.
Live with no regrets.
ReplyDelete..naks, English..dahil ang mga bagay na naganap na ay ginusto natin at minsan tayong napasaya.
----tama ito!
"Walang masama sa pagpapakita kung sino ka talaga"
ReplyDeletetotoo yan ipakita natin kung sino or ano tayo para hindi cla mag expect ng iba pa sa iyo.
mahirap mag paka plastik.
hindi ko ikakahiya kung sino tlaga ako
good day