Friday, January 29, 2010

Ilang bagay na natutunan ko sa SUC III Olympics.

SUC III Olympics- State Universities and Colleges in Region III Olympics

Hindi, hindi ako atleta, coach o ano pa man na may kinalaman sa isports, pero isa ako sa mga mamamahayag na kabilang sa publikasyon para sa buong SUC III olympics.

Masaya sana dahil bakasyon engrande ng isang linggo, pero pinili kong tanggapin ang trabaho hindi dahil sa gusto ko lang magkaroon ng dahilan sa hindi ko pago-observe sa Field Study subject ko pero dahil "once in a lifetime" ang pagkakataong gaya nito.


Hindi ko na inisip ang tutulugan ko sa isang linggo o kung may kaibigan ba akong makakasama sa pagtili at pagpipigil sa emosyon ko sa tuwing natatalo ang CLSU sa mga laro. Sa halip, inisip ko na lang na ito ang GUSTO kong gawin. Ito ang kaya kong gawin at ito ang magagawa ko para sa pamantasan ko.

Bukod pa dito, nabalitaan ko kasi na makakasama namin sa pagtatravaho ang mga bigatin sa larangan ng pagsusulat sa aming pamantasan, bihira lamang na makaka-trabaho mo sila, kaya bakit naman ako tatanggi dito diba?

Likas akong inggitera, kaya tuwing may ganitong okasyon, naiinggit ako sa mga atleta na suot-suot ang makukulay at bagong-bagong mga "jersey", jacket at sapatos nila, naisip ko, bakit hindi ako kailan man nahilig sa isports?

Habang pinapanood ko silang maglakad mula main gate hanggang sa oval, naisip ko na naman: it couldn't get any bongga than this!". At tunay nga naman na bonggang bongga ang naging simula ng palaro dahil sa fireworks display noong gabi, tila bawat isa'y bumalik sa pagkabata at hindi napigilan ang sarili sa pagsasabi ng "HUWAW!" tuwing magsasabog ng liwanang ang mga paputok, at isa ako sa mga iyon!

Field reporter ako.

Naalala ko tuloy noong bagong salta ako sa CLSU Collegian, intramural games noon sa CLSU at sa opisina kami natulog para makaabot sa parada at makapag-cover ng opening program, pero sa huli, nauna din sa amin ang parada at sumunod kami sa banda habang suot namin ang t-shirt namin.

Swimming ang event na ci-nover ko noon, nagpaalam ako sa Educator (pahayagan namin sa kolehiyo) na sa Kule ako magsusulat, maswerte ako dahil pumayag naman sila. Mahirap maging field reported kung wala kang kakapalan ng mukha na kausapin at harapin ang pagalit ng mga game supervisors sa pangungulit mo sa kanila tuwing hihiramin mo ang records ng mga natapos na event-isang bagay na natutunan ko sa CLSU Collegian na hinding-hindi ko malilimutan.

Gusto ko sana na volleyball o basketball ang i-cover ko, para sa grandstand lang ako, nakaupo habang hinihintay na matapos ang mga laro at kausapin ang game supervisor, pero naunahan ako kaya football na lang kako, bukod sa wolleyball, basketball, badminton at taekwondo, isa ang football sa mga larong masarap panuorin at punong-puno ng emosyon na gustong gusto ko naman dahil ma-drama akong nilalang. Haha.

O siya, heto ang ilang bagay na hindi ko malilimutan ngayong SUC III olympics.

1.Kahit ilang taon kang manalo, kung nandadaya ka naman, mauubos ang RESPETO ng tao sa'yo!
(ehem!)

2. Malamang ay hihilingin ko na palaging may presswork lalo pa't walang maliw ang pagkain, kape at libreng wi-fi connection! Aba, masarap ata magtrabaho kapag ganun!

3. Bilang miymebro ng media, dapat ay hindi ka bias, pero minsan dahil sa kapipigil ng emosyon mo, bigla ka na lang mapapatili kapag naka-goal ang team ng eskwelahan niyo at mahihiya ka sa katabi mong mabait na game supervisor, at mula noon ay hindi mo na siya malapitan sa sobrang hiya!

4. Huwag na huwag makikipag-away sa iniirog mo dahil lang hindi kayo magkita o magkasama kahit nasa iisang lugar kayo, lalo pa kung atleta siya at maaga silang natalo sa laro kung ayaw mong magkaroon kayo ng giyera!

5. Kung inaakala mo na okay na okay na ang artikulong ipapasa mo sa mga editors mo, maling-mali ka dahil mahaba-habang pag-aayos pa pala ang dapat gawin.

6. Huwag kang magrereklamo sa lasa ng pagkain lalo pa't hindi ka naman nagbayad!

at higit sa lahat,

muli kaming nagka-sama-sama at nag-bonding ng mga dati kong ka-batak sa CLSU Collegian!
na-miss ko kayo, grabeh!

Siya, 'yan na muna.

Wag na wag kayong magbubulsa ng bato at buhangin ha!

Ag biag ti ASCOT, BASC, BPSU, CLSU, DHVTSU, PAC, PMMA, PhilSCA, NEUST, RMTU, TCA at TSU!


No comments:

Post a Comment