Sunday, February 8, 2009

realizations.

Noong Biyernes, nagkaroon ng seminar sa college at nagmaganda ang lola mo doon bilang Master of Ceremony por da pers taym in her entayr layp.

Topic 1: Open/Distance Learning

Speaker ang CLSU-Open University Director (yes, may Open University ang CLSU.ΓΌ)
Medyo busy si Doc Monta kaya sandali lang siya nag-talk pero nalinawan naman kami lahat sa konsepto ng Open at Distance Learning at natawa kami sa mga jokes na binitawan niya.

Topic 2: Educating Indigenous Peoples (oo, Peoples ang appropriate term na ginagamit ayon sa batas ng Pilipinas)
Speaker si Sir Pineda and Sir Gaoat from NCIP-Nueva Ecija. Noong una, medyo boring ang discussions pero habang tumatagal ang dami ko biglang natutunan.

Naalala ko bigla yung mga pagkakataon na iniiwasan ko ang mga Aetang namamalimos o pinagtatawanan ko sila tuwing nakikita ko silang naglalakad sa Clark, Pampanga dala ang mga supot ng gabi.

"Hindi naman nila gusto iyon eh, ang problema kasi may mga pumupunta sa mga tirahan nila, niloloko sila, at dinadala sila sa kapatagan para gamitin sila sa mga kalokohan nila"

Tama sila. Nakakalungkot na kapwa Pilipino ang nanloloko sa kapwa nila.
Nakakalungkot kasi sa kulay, buhok at edukasyon natin sinusukat ang pagiging "tao" ng isang tao.
Marahil, ito ang epekto ng kolonisasyon sa atin- na nakalimutan natin na lahat tayo galing sa iba't-ibang tribo na nasa Pilipinas na bago pa man dumating ang mga mananakop sa atin- na lahat TAYO ay minsan naging Aeta, Dumagat o Kankana-ey.

Pagkatapos ng seminar, naging interesado ako sa pagsama sa Sitio Bacao sa Palayan, Nueva Ecija upang mamahagi ng mga damit para sa mga kapatid na Aeta kahit pa hindi ko kasundo ang organizer ng activity, hindi naman para sa amin yung gagawin, hindi naman mababawasan yung pagkatao ko kapag ginawa ko iyon, at tingin ko wala namang lugar ang personal na sigalot, kung talagang gusto mong tumulong sa kapwa mo.

Salamat sa NCIP at sa CLSU Open University sa mga realisasyon na natutunan ko kahit MC lang ako. haha.

Mabuhay ang mga GURO.



No comments:

Post a Comment