Friday, February 6, 2009

Network Busy

Kailangan ko 'tong i-post hindi dahil gusto kong siraan ang GLOBE pero dahil naiinis ako sa CSR na nakausap ko sa 211.

CSR: Hello this is Tisha, ano pong kailangan nila?"

Ako: Kasi nag-register po ako sa UNLITXT20 tapos binawasan na po ng PhP20.00 yung load ko pero hindi ko pa din nare-receive yung 2nd confirmation message.

**Hiningi mobile no. ko at name tsaka location

Ako: Science City of Muñoz.

CSR: Ma'am?

Ako: Muñoz,Nueva Ecija.

CSR: So, sa Metro Manila area po kayo?

Ako: Science City of Muñoz, Nueva Ecija nga eh.

CSR: Ma'am iche-check ko lang po sa system namin kung may pending request po kayo pero bago po iyon Ma'am inform ko lang po kayo sa bagong promos ng Globe, ang UNLITXT service po ay extended hanggang March21 at isang number na lang po ang gagamitin natin para sa lahat ng promo ng Globe.

Biglang nawala ang linya. Anak ng pating Miss Tisha ng Globe, muntik mo na akong matulungan, nag-DJ ka na lang sana sanay na sanay ka naman sa pag-aadvertise ng mga bagay na walang kinalaman sa problema ko.

Scene 2.
CSR: Hello, this is Allan, ano pong maitutulong ko?

Ako: Ahm kasi po nag-unli po ako, binawasan na yung load ko pero hindi pa pala ko registered.

CSR: Ano po bang ginawa niyo Ma'am nung nag-register kayo?

Ako: Syempre ti-nype ko UNLITXT20, all caps, no space tapos si-nend sa 8888.

CSR: Ma'am all caps po ba?

Ako: Oo nga.

CSR: sa 8888 niyo po ba sinend kasi may bago na po-

Ako: OO sa 8888 nga sabi.

CSR: (tinanong no. ko) Ma'am san po location nila?

Ako: Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

CSR: Ma'am malapit po ba kayo sa Guimba?

Ako: Hindi. Malayo.

CSR: Eh sa Gen. Tinio po?

Ako: Mas malayo, bakit ba?

CSR: Eh sa Gabaldon po?

Ako: Malayo pa din bakit ba?

CSR: Ma'am accdg. po sa system namin, wala naman pong system enhancement sa lugar niyo. Abangan na lang po natin hanggang 24 hours yung confirmation ng ating UNLITXT.

Ako: Eh bakit 24 hours eh sabi sa text niyo within 1 hour lang mapa-process na ang UNLITXT request ko?!

CSR: Eh ma'am kasi po may SOP po sa company na kapag hindi na-process within 1 hour, may 24 hours pa po tayo bago mag-expire ang ating request.

Ako: Eh wala na akong ka-text kung 24 hours pa, ibalik niyo na lang yung load ko.

CSR: Ah, Sorry ma'am pero-

**Naputol ulit linya.


Wateber Ms. Tisha and Mr. Allan.

Wala kayong future sa trabaho niyo.

Tinuan niyo PLEASE.


6 comments:

  1. nyahaha :D
    nangyayari rin sakin yan.
    kabusit nuh?

    ReplyDelete
  2. tnx 4 d compliment!
    madali lang naman po gawin ung mga yun sa site ko eh. :)

    ReplyDelete
  3. oo nga buwisit na globe yan..
    ang tagal mg register ng unli..
    tapos minsan tapos na uni mo, wla pang warning.. ubos 2loy load.. haha!

    ReplyDelete
  4. @PONKAN21: salamat sa komento. :) oo nga eh, bad trip ang Globe kaso hindi mo naman maitapon kasi mahirap magpalit ng number.

    ReplyDelete
  5. hi..alam mo mukhang kilala ko ang mga nabanggit mo...pineda at dr. monta..nanjan pa pala sila. hehe..sabagay, kailan lang naman ako nag-graduate. nanjan ako this sat. attend ako ng ac aniv.

    salamat sa pagdalaw sa blog ko ha. add kita link ko. dalaw ka uli ha.

    ReplyDelete
  6. April 7, 2009

    3:23 PM: Autoload 50

    3:23 PM: Received 50 load

    4:03 PM: Sent 1 text to a globe number

    4:03 PM: Current Balance P49

    6:20 PM: Subscribe to UNLITXT20

    6:22 PM: Send Bal to 222

    6:22 PM: Current Balance is 17.50

    This is not an isolated case. This is the 2nd time that occur to me after I subscribed to UNLITXT. This is what i report to the CSR in 730100

    I think there is a problem in GLOBE. Imagine your earning MILLIONS everyday and yet you will steal something from us.

    I'm very disappointed with GLOBE. I'm very loyal in your company but you still got the guts to play with your poor subscribers.

    I wish justice is served in this kind of crimes.

    09053452596 (a loyal and disgust prepaid subscriber)

    ReplyDelete