Monday, January 19, 2009

of dreams and death

Siguro isa sa mga pinaka-nakaka-negang bagay sa mundo ay mapanaginipan mo ang isang taong hindi mo naman ka-close o ni hindi mo aakalaing ni sa hinagap ay mapapanaginipan mo. Ewan ko ba. Talagang weird ang mga panaginip ko this Holiday season. Siguro dahil sa dami ng kinakain ko at sa haba ng tulog ko eh kung ano-ano na pumapasok sa panaginip ko.

The Day the Earth Stood Still.
Hindi ko pa napapanood yung movie pero may nakapagsabi sa akin na tungkol sa aliens ang pelikulang ito. Sa labinwalong taon na inilalagi ko sa Earth eh kahit kailan hindi ako naging interesado sa posibilidad na ma-invade ng aliens mula sa Saturn o Uranus ang Earth pero pagkatapos ng Noche Buena namin, napanaginipan ko sila.

May tatlong UFO na lumilipad noon,parang ambulansya pa nga daw yung kulay ng ilaw nila tapos nakatayo daw ako sa labas ng bahay namin at unti-unting tinitingnan ang pag-landing ng UFO sa harap ko. Na-freeze ako sa kinatatayuan ko, manghang-mangha sa nakikita ko ang hindi ko alam, type pala ako ng pinaka-commander ng UFO na 'yon, mukha siyang robot at puro ilaw ang katawan. Inilahad niya ang kamay niya na tila inaaya ako na sumama sa kanila-no way! Tapos nung tumanggi ako, hinila niya ako pero yung superhero kong kapatid iniligtas daw ako. Tapos lumipad na ulit pabalik ng kalangitan ang tatlong UFO.

Pumasok kami ng kapatid ko sa bakuran namin nang may mapansin akong UFO ulit na hugis crib. Bumagsak yung UFO tapos may nakalitaw na ulo ng baby, syempre may ilaw-ilaw effect na naman sa gilid-gilid tapos may picture ng bear sa isang gilid nito. Nung tinanggal namin yung kumot ng baby, napatutop daw sa bibig yung kapatid ko kasi yung lower body niya, katawan ng bear. Inihagis daw namin yung baby pabalik sa crib-UFO tapos nawala na sa kalangitan.

Flashback.
Mate-take ko yung aliens pero ang mapanaginipan o ang ex(?) mo anak ng christmas balls naman. Ni hindi nga kami close nun eh.

May trip ang barkada, nakasakay kami sa isang jeep na medyo maikli ang length than the usual, yung mga lumang style ng jeep ganun. Nasa harap yung barkada ko na mayaman-siya yung driver kasama yung dalawa ko pang ka-barkada na supplier ng pagkain.
Nasa likod daw ako tsaka yung iba ko pang ka-barkadang babae tsaka siya (si ex) at isa pa niyang kaibigan. Nasa likod lang ako ng driver para makakasandal ako anytime tapos siya din nasa aisle ng jeep, doon siya nakaupo. Naka-shorts ako nun tapos hinawakan daw niya yun binti ko, na-bad trip ako nag-sorry siya, masungit pa din daw ko hanggang ngayon (oh well) tapos hindi ko na siya pinansin. Nag-stop-over kami sa isang bahay para maki-ihi, pagbalik sa jeep nasa dating pwesto ako at handa nang matulog para sa mahabang biyahe tapos bigla niyang hinawakan yung kamay ko at sinabi: "sana nagawa ko sa'yo 'to dati"


Naputol ang panaginip ko nang maramdaman kong napiprito na ang mukha ko sa sikat ng araw- alas diyes na pala ng umaga. lintek.

********************************************************************************
DEATH.

Kahapon (Jan.18, 2009) nabalitaan ko na isang kaibigan ang namatay. Malungkot pero mas nakakalungkot na malaman na binaril siya. Tuwing may kaibigan akong nawawala, bigla kong mare-realize kung gaano kahalaga ang buhay. Unti -unti kong maiisip lahat ng bagay na gusto kong gawin, lahat ng mga salitang hindi ko masabi, lahat ng pangarap na gusto kong tuparin.

Nakaka-senti.

Kasi hangga't andyan yung mga taong mahal natin, nagiging ordinaryo na lamang sila sa paningin natin, ang hindi natin alam lahat dadating ang panahon na mawawala sila at wala na tayong magagawa kundi balikan ang mga ala-alang iniwan nila sa puso natin.

Nakaka-bigla.

Noong isang taon, nawalan ang klase namin ng isang kaibigan isang araw matapos ang debut niya sa isang aksidente.
Ngayon, sa bala ng baril natapos ang buhay ng isa sa mababait na taong nakilala ko.
Yung mga taong hindi ko lubos akalain na mawawala ng ganun-ganun na lang ang mga nauunang bumalik sa langit.
Yung mga taong may maganda sanang kinabukasan.
Yung mga taong may kabuluhan ang buhay.


May you rest in peace, Kuya Vehjel. You'll always be remembered in our hearts, we'll miss you.



1 comment:

  1. Hi Miss. I'm George. I heard about Vehjel's death over our Yahoo Group of Gamma Kappa Rho. I never had the chance to know him personally pero as a brother, I would like to know the details why he was shot dead. If you won't mind, can you introduce him to me? Yeah, it's too late, pero I guess it's worth knowing a man who in a way related to me, not by blood, but by creed. Please send my condolences to his family. Thank you. You may e-mail me at george_silandote@lavabit.com

    ReplyDelete