Kung may floating teacher sa mga public schools, masasabi kong meron din floating student- ako yun.
Minsan nagtataka nga ako kung normal ba ako o hindi, kasi kahit na napapaligiran ako ng mga nerd kong classmate, hindi pa rin nila ako naaakit na mag-review ng lessons isang gabi bago ang quiz at exam, sa halip na 30 minutes bago mag-exam magbasa ng mga notes, mag-memorize ng formulas at gumawa ng mnemonics sa hangin.
Hindi naman ako nerd, hindi din ako yung pinaka hindi matalino sa klase, kumbaga, wala lang, playing safe ng lola mo. Nagre-recite sa klase pag nabunot yung class card, nakita yung pangalan sa seat plan at tinapik ng teacher. Minsan nakaka-tsambang mag-highest sa exam at quizzes dahil naka-10 points sa 20 points essay. Kaya siguro floating ako, walang "label" na maipapakat sa akin.
Kasi madalas bully din ako, lalo na kapag hindi ko malilimutan ang isang bagay gaya na lang nang "Snow Beer" eka nga ng kaklase ko, kaysa sa "Snow Bear"-isang brand ng kendi na pag hinalo mo daw sa Mountain Dew kung sosi ka at Sparkle kung medyo nagtitipid ka eh parang tumira ka din daw ng Red Horse pag tinamaan ka. Kung totoo 'yun, hindi ko alam. Mas effective daw kung durog na durog yung Snow Beer. Balik sa kwento, ayun, araw-araw yata sinasabi namin yung word na Snow Beer, buti na lang hindi pikon yung kaklase ko at kaibigan ko din, hindi gaya ko.
Mahilig din akong sumali sa sa mga school activities, kahit saan ako ayain, go lang ng go, exempted dyan ang sayawan, kantahan at poster-making contest. Wala akong specialty, siguro mahilig lang talaga akong sumubok sa kung anu-ano na wala naman talaga koneksyon sa buhay ko at sa isa't-isa.
At higit sa lahat, kaya ako floating student kasi nga--- hindi ako ga-graduate sa oras. :)
Sabi nga ni Kuya Jonnie, hindi pa ako handang pumirma ng kontrata ng graduation sa isang taon.
Tama naman siya. Hmmmm.

No comments:
Post a Comment