Sunday, November 2, 2008

10 hours left.


Sampung oras na lang tapos na naman ang pagliliwaliw ko sa internet at sa pakikipag-utuan sa mga pamangkin ko.


Siguro, sa tingin mo exaggerated kung sasabihin ko na mahirap maging teacher. Pero totoo 'yun. Isa sa pinaka-mahirap na kurso ngayon ang pagtuturo, lalo na kung sa state university ka nag-aaral kung saan madaling makapasok pero halos gumapang ka na, makalabas lang sa tamang oras. At lalo na kung mahina ka sa Math gaya ko (yun eh kung pinapangarap mong maituro lahat ng subject sa mga estudyante mo at may matutunan sila sa iyo, lalo na sa elementary-gaya ko.)

Pero sasabihin ko sa'yo, hindi talaga madali.

Walang chance maghabol ng back subject tuwing summer kasi required mag-summer ng dalawang taon (2nd year at 3rd year), full load pa. Tsk Tsk.

Masasabi ko na siguro ito na ang pinakamasayang parte ng pagiging Eduk schudent sa CLSU- ang sembreak. Kahit kulang isang linggo lang na walang pasok, ayos lang, at least kahit papaano nakahinga kami ng maluwag-luwag, nakatulog ng higit sa limang oras at nakakain ng tunay na edible na pagkain na luto ni Nanay.

Kahit drowing lang yung sembreak namin, ayos pa din. Madami akong natutunan sa pagpasok kahit opisyal nang dineklara na sembreak na. Eto yung ilan:

  • Dahil may mga pasaway na teacher na sem-break nagbibigay ng final exams, nangangahulugan din na kailangan bukas ang opisina ng CEd-Student Council para mamigay ng Final Exam Permit. Nangangahulugan din ng meryenda overload at Dacoco overload o Ipay overload kasi hindi na bukas ang mga canteen at si Kuya Minder! (yahoo. :))

  • Minsan, nakukuha sa tiyaga at charm ang mga teachers na desididong bigyan ka ng 4 o 5 para gawing mahiwagang 3 ang grade mo. Yun eh kung matiyaga ka talagang suyuin at dalawin ang teacher mo, at syempre kung likas na may kakaiba kang charm. Ayun eh.

  • Minsan din, kailangan mamili ng teacher na gagamitan mo ng charm, kasi may mga teacher na sing-dumi ng kanal at sim-baho ng mga kambing, kalabaw at kabayo ang ugali. Kadalasan nilang linya:"Wag mong sasabihin na kinausap/tinext kita ha. Pag nagpunta ka, ikaw lang mag-isa dapat." Gets mo?

  • Masarap makipag-bonding sa mga dati mong teachers o sa mga magiging teacher mo next sem tuwing sembreak, lalo na kung lagi kang nasa college kasi andun din sila kahit sembreak na.

  • Minsan din, sinusubukan ka ng teacher kung hanggang saan ang kaya mong gawin para ipasa ang subject lalo na kung talagang alanganin ka. Isa lang ang masasabi ko dito: matuto kang kumilatis kung sino talaga ang concerned sa'yo at kung sino ang nakikipag-gaguhan lang sa'yo, maniwala ka, mai-ca-categorize mo talaga sila sa ganyang klase. Promise.

  • Hindi madaling magbigay-serbisyo sa mga kapwa estudyante lalo na kung nire-raygun ka nila ng masasakit na salita sa mga bagay na nakikita nilang hindi maganda sa'yo. Pero ayos lang, kasi kahit papaano, naimumulat mo sila sa realidad na tao ka lang din, gaya nila, may karapatan magkamal, pumupurol ang utak dahil sa gutom at sumasablay paminsan-minsan.

  • Malalaman mo kung sino ang totoo at ka-sanggang-dikit mo sa mga taong nakikipag-plastikan lang sa'yo pag nagpakitaan kayo ng grades. Peksman-cross my heart, padlock-susi.

  • At higit sa lahat, walang thrill ang buhay college kung wala kang pinoproblema sa eskwelahan. Naniniwala ako na kung lahat ng bagay ay nakukuha kaagad ng walang kahirap-hirap at walang ka-challenge-challenge, BORING ang buhay mo kung ganun! :)

1 comment:

  1. ala pa po ako nilalagay na mga links eh. opo, from sci hi din. 4th year na po.=D

    ReplyDelete