Sabi ko nga pumunta kami kahapon sa Manila para samahan yug kapatid ko mag-enroll, pero ang totoo nun, para talaga makapunta sa divisoria. Shopping, tipong ganun.
Maganda sa UST. Malinis, madaming puno at fountains, nag-invest yata talaga sila sa pagpapatayo ng fountains. Mamamangha ka din sa buildings na ilandaang taon nang nakatayo doon.
Pero hindi 'yun and kwento ko.
Naging marahas yung matandang pulubi na ikunwento ko sa panghaharang niya sa motorista. Pero bakit nga kaya ganun na lang ang ikinilos niya? Siguro kasi matanda na siya. Siguro kasi tumanda na siya na hindi nakakaranas matulog sa disenteng tahanan. Siguro kasi wala pang laman ang kumakalam niyang tiyan, sa kabila ng pag-aabang niya sa mga estudyante sa pamantasang iyon na limusan siya.
Siguro pinarahas na siya ng panahon at buhay na kinagisnan niya. Siguro.
Ilang minuto pagkatapos nito, mula sa kalayuan ay natanaw ko ang isang lalaking nagtutulak ng kariton, habang lumalapit sila sa kinatatayua namin, nakita ko ang isang babae sa loob ng kariton, siguro'y asawa niya. Huminto sila bago pa man makarating sa kinatatayuan namin. Tila naghahanap ang lalaki ng makakainan nilang mag-asawa. May humintong taxi at sumakay na kami. Kung ano ang nangyari sa mag-asawa at sa matandang lalaki, hindi ko na alam.
Dumaan kami sa isang mall. Madaming tao. Sigurado ako malaki kinikita nila kaya patuloy na lumolobo ang mga mall. Pumasok kami sa tindahan ng mamahaling tsinelas para bumili ang kapatid ko. Naisip ko, bakit itong mga taong 'to nagkakagulo dahil lang sa mamahaling tsinelas? Handa silang magbayad ng malaking halaga magkaroon lang ng ganun kamahal na tsinelas.
Aong kaugnayan ng mall? Hindi ko alam, pero bakit nga ba handa nating gawin ang lahat para mabili ang isang bagay na hindi naman natin talaga kailangan, pero kapag may humihingi ng tulong sa atin, konting barya lang, tila ipinagkakait pa natin?

Tumayo kami sa isang kalye para mag-abang ng bus pauwing Nueva Ecija, nakita ko yung isang matandang mama na nasa gitna ng kalye, medyo mabilis ang takbo ng mga sasakyan nang bigla siyang pumunta sa gitna at inilahad ang kamay sa paparating na kotse at maya-maya'y sumenyas upang huminto ang kotse. Huminto ang kotse, lumapit ang lalake sa gawing pintuan ng kotse. Pero sumenyas ang nasa loob na tila pinaaalis siya, bahagyang dumistansiya ang matanda at binusinahan nang malakas ng sakay ng kotse sabay harurot paalis.
Sinundan ko kung saan pupunta ang matandang mama, nakita ko siyang bumalik sa center island at umupo, tila naghihintay ng susunod na maaari niyang hingan ng tulong.
Naging marahas yung matandang pulubi na ikunwento ko sa panghaharang niya sa motorista. Pero bakit nga kaya ganun na lang ang ikinilos niya? Siguro kasi matanda na siya. Siguro kasi tumanda na siya na hindi nakakaranas matulog sa disenteng tahanan. Siguro kasi wala pang laman ang kumakalam niyang tiyan, sa kabila ng pag-aabang niya sa mga estudyante sa pamantasang iyon na limusan siya.
Siguro pinarahas na siya ng panahon at buhay na kinagisnan niya. Siguro.
Ilang minuto pagkatapos nito, mula sa kalayuan ay natanaw ko ang isang lalaking nagtutulak ng kariton, habang lumalapit sila sa kinatatayua namin, nakita ko ang isang babae sa loob ng kariton, siguro'y asawa niya. Huminto sila bago pa man makarating sa kinatatayuan namin. Tila naghahanap ang lalaki ng makakainan nilang mag-asawa. May humintong taxi at sumakay na kami. Kung ano ang nangyari sa mag-asawa at sa matandang lalaki, hindi ko na alam.
Dumaan kami sa isang mall. Madaming tao. Sigurado ako malaki kinikita nila kaya patuloy na lumolobo ang mga mall. Pumasok kami sa tindahan ng mamahaling tsinelas para bumili ang kapatid ko. Naisip ko, bakit itong mga taong 'to nagkakagulo dahil lang sa mamahaling tsinelas? Handa silang magbayad ng malaking halaga magkaroon lang ng ganun kamahal na tsinelas.
Aong kaugnayan ng mall? Hindi ko alam, pero bakit nga ba handa nating gawin ang lahat para mabili ang isang bagay na hindi naman natin talaga kailangan, pero kapag may humihingi ng tulong sa atin, konting barya lang, tila ipinagkakait pa natin?
No comments:
Post a Comment