malapit na mag-hatinggabi at dapat nakahiga na ako dahil aalis kami bukas ng alas kuwatro ng umaga para pumunta sa Divisoria at magpa-holdap (wag naman). Pero hindi ko mapigilan na isulat (i-publish) ang blog na ito dahil baka mawala na sa isip ko 'to bukas.
10 am. Nagising ako sa init. Maya-maya, binuksan ng kapitbahay ang videoke dahil may party pala sa kanila(hindi kami invited!) at magdamag nagtitili at bumabanat ng "Touch by Touch", "My Love Will See You Through", "Wherever You Will Go (feeling rocker eh.)", at ang ultimate best-seller sa lahat ng videoke-han, ang walang kamatayang "One Moment in Time". Imagine, polluted ang kalye namin sa ingay ng mga batang parang pinakawalan sa kulungan, mga traysikel na tila pinapatag ang daan sa bilis magpatakbo at ingay ng makina at ang pinaka-nakakainis sa lahat, yung mga nagvi-videoke na kahit may sinusundan na lyrics eh wala pa din sa timing kumanta! anyameten.
5 pm. Uwian ng mga bata galing eskwela, syempre lahat ng friends ng celebrant doon dumeretso. Bida ang mga bata. Alas sais nang isa-isang sumirena ang mga nanay sa kalsada, kanya-kanyang tawag sa mga anak na hindi pa nagbibihis. Syempre, sunod sila ah-ikaw ba naman ulanan ng mura ni nanay.
5pm-10:30 pm. Inuman blues. Eto ang pinaka-nakakainis na part- gusto kong manood ng balita tungkol kay General Dela Paz at sa ka-epalan ni Gonzalez sa interview ni Jorge Carino kay Kumander Bravo pero umaalingawngaw sa buong bahayan ang bulol na hiyaw ng isang lasenggo sa kapitbahay. Anak ng teteng, Bandila na lang papanoorin ko.
Sinusubaybayan ko yug Three Dads With One Mommy sa 2 kaya gising pa ako nang mangyari ang isang pambihirang kaganapan, tumahimik na ang paligid at wala na ang nakaka-iritang tunog ng videoke na super bass support ang nakalagay.
Maya-maya, nagulat kami (mama,dadi,jelyn,nafnaf) kasi may nabasag na bote, at may isa pa at isa pa. Humupa ang pagkagulat at umiral ang pagiging tsismosa ko. Sumilip ako sa bintana at narinig ko ang mala-pelikulang batuhan ng linya ng mga kapitbahay namin:
may dalawang kapitbahay ang lumabas at naki-gulo, pero gaya ng role ng mga pulis sa pelikula-tapos na ang exciting na eksena nang dumating sila.
Masaya makinig sa mga away ng kapitbahay namin. Pramis. Minsan nung bata ako may naghabulan pa ng itak, muntik nang makarating sa amin pero buti na lang nagpaka-bayani yung isa naming kapitbahay at pumagitna sa away. Minsan din may mag-asawang nag-away dahil pinalo ni Husband yung bata, ayun, pinalayas siya ni Wife pero nagmakaawa si Husband kaya pinatawad din siya.
Sige, matutulog na ako. Happy Reading! :)

Wife: Wag mo naman akong ganituhin ________ (name of our kapitbahay)
Kapitbahay: Wala akong pakeelam! (with matching bato ng bote one more time)
Kuya ng Kapitbahay: Hindi mo na ba ako ginagalang??! Respetuhin mo naman ako!
Kapitbahay: (nagbasag na naman ng bote, this time simultaneous naman kaya mas malakas)
Wife: Tumigil ka na nga, halika na!
Kuya: Tara na. Pumasok ka na! Pu&*(&%$#!

silence
basag ng bote again.
basag ng bote again.
may dalawang kapitbahay ang lumabas at naki-gulo, pero gaya ng role ng mga pulis sa pelikula-tapos na ang exciting na eksena nang dumating sila.
Masaya makinig sa mga away ng kapitbahay namin. Pramis. Minsan nung bata ako may naghabulan pa ng itak, muntik nang makarating sa amin pero buti na lang nagpaka-bayani yung isa naming kapitbahay at pumagitna sa away. Minsan din may mag-asawang nag-away dahil pinalo ni Husband yung bata, ayun, pinalayas siya ni Wife pero nagmakaawa si Husband kaya pinatawad din siya.
Sige, matutulog na ako. Happy Reading! :)
No comments:
Post a Comment