Tuesday, April 27, 2010

Jeepney

Summer class.
Para sa akin, ito ang parte ng buhay ko na pinaka-nae-enjoy ko.
Walang stress. Walang pressure. Fast-paced. May thrill.
Hindi nakakasawa.

Alas onse y medya tapos ng klase ko, ihahatid namin si BattleHopper sa headquarters ng sekyu, tapos sasakay kami ng jeep pauwi ng Talavera at Cabanatuan. Tipikal na araw, mainit, nakaka-antok, nakakainip ang biyahe.

Nilabas ko ang pringles coin purse ko para magbayad, sa sobrang antok siguro, nakalimutan ko siguro na ilagay sa bag yung purse, nakababa na kami ng jeep nung naalala ko na hindi ko na pala hawak yung purse ko. 

Sa kabila ng matinding sikat ng araw, isa lang ang naisip ko, habulin yung jeep na sinakyan namin. Papalabas pa lang ako sa kalsada nang makita ko na umaatras yung jeep na sinakyan namin. Hawak ng isang mama yung purse ko at tinanong kung sa akin daw ba 'yon.  "Thank You Po" na lang ang nasabi ko sa mga pasaheros ng jeep na nasakyan namin.

Tatlong beses akong nawalan ng cellphone, lahat hindi ko nakuha lahat. Simula noon, naniwala na ako na kapag may naiwala o na-misplace ka sa isang pampublikong lugar, wag mo ng asahang bumalik pa ito sa'yo. 

Pero binago ng nangyari sa akin ang paniniwala kong iyon. 

Kung nagkataon lang na mabait yung mamang nakapulot, hindi ko alam. Ang mahalaga ngayon, napatunayan ko na ang kabutihan ay hindi regalo o talento, makagagawa tayo ngg kabutihan sa kapwa natin kung pipiliin nating maging mabuti.


No comments:

Post a Comment