Nabasa ko ang bagong libro ni Bob Ong.
Hindi gaya ng inaasahan ko, medyo ma-drama ang bagong libro nguni't mas malawak at malalim ang bawat titik at kapitulo ng libro.
Siyembpe, para ma-thrill kang basahin at para hindi ka ma-imbiyerna sa akin kapag kinuwento ko sa'yo ang daloy ng libro, hindi ako magkukuwento ng kahit ano.
Pero sasabihin ko sa'yo, ibang Bob Ong ang makikilala mo, mas totoo at malapit sa realidad na buhay Pilipino ang sinsalamin ng kuwento.
At marahil, pagkatapos mong basahin ang huling pahina ng libro, mas lalong tataas ang respeto mo sa isang manunulat na walang mukha nguni't hinahangaan ng marami.
Sa panahon at henerasyon kung saan tila hindi malinaw ang kahulugan ng pagiging Pilipino, binigyan ako ng aklat na ito ng bagong perspektibo sa pagtingin sa sariling bayan at sa mga mamamayan nito, madalas ay napapatango, napapangiti at napapailing ako sa mga nilalaman ng aklat tungkol sa karaniwang buhay Pinoy sa bansa.
Sana gaya ko ay mapukaw din ang iyong damdamin sa akda ni Ong. Sana lang din, gaya ng panawagan ng maraming manunulat, basahin natin ang mga aklat sa paraang dapat itong basahin, binubuklat at ninanamnam ang halimuyak ng mga ideya at pilosopiyang inilapat sa mga papel.
Sana bukod sa Twilight at Harry Potter, mabasa mo din ang mga akda ng mga lokal na manunulat, sana tulungan natin na maging best-seller ang mga akda ng kapwa nating mga Pilipino gaya ng pagtulong mo kay Stephanie Meyer at J.K. Rowling dahil may naghihintay na libreng bookmarks na pwede mong ipagyabang sa mga kaibigan mo kapag binasa at ninamnam mo ang Kapitan Sino ni Bob Ong.
Magandang Araw. :)

ate, ano yung title nung bagong book?
ReplyDeleteKapitan Sino ang title. PhP 175.00 sa NBS. Nakakalat lang dun yung second batch ng copies. :)
ReplyDeletemalapit sa realidad ng buhay in the sense na tinalakay niya sa simpleng pamamaraan ang pangkasalukuyang kalagayan ng mga mamamayan.
ReplyDeletesa clsu, sa maynila, sa bawat parte ng Plipinas, - kailangang tumayo ang bawat isa at gawin ang kanyang magagawa para sa bayan.
hijessa pwede bang i share mo dito mga nilalaman ng libro ni ong tingnan ko din kung hahanga ako sa mga sinusulat niya ni isa wala pa akong nbabasa mula sa mga sinulat ni bob ong pero mtagal ko na naririnig yan. Gusto ko rin siyang pantayan kahit man lang kalahati ng kanyang istilo sa pagsusulat. thanks
ReplyDelete