Sunday, March 1, 2009

lambingan moment

Sa pagitan ng araw-araw na mga pag-aaway ni MahalKO ay nag-desisyon kami biglang mag-date kanina sa NE Pacific Mall dahil sa pang-aaaway ko sa kanya at pagpapa-cute maya-maya.

Ayos naman date namin, palakad-lakad sa mall, window shopping at kinaladkad ko siya sa mga tindahan upang maghanap ng cute na backpack. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong bumili ng backpack, nakiki-uso siguro ako. Pero nung napagod at nagsawa kami kapaparoo't-parito sa mga tindahan ng sapatos, tindahan ng damit, tindahan ng laruan, tindahan ng sapatos, tindahan ng damit at tindahan ulit ng laruan eh nag-away kami ng konti ulit kung saan ba kakain.

Jessa: Sa Joey's na lang, gusto ko ng baked-macaroni.

Don: Ayoko nun. Chicken gusto ko.

Jessa: Chicken na naman eh kauulam lang namin ng chicken kanina.

Don: Eh di um-order ka na lang sa Joey's tapos dalhin natin sa KFC.

Jessa: Sige.


Pero nung papunta na kami sa Joey's eh may kung anong supernatural power ang pumigil sa akin sa pagbili sa Joey's.

Jessa: Siomai na pala gusto ko.

Don: (naka-simangot, na-bad trip sa bilis ng pagbabago ng likaw ng bituka ko)

Jessa: Ay sa Chowking na lang tayo.

Don: Jollibee para nasa gitna.

Jessa: (ha? hindi sumagot)

Don: Ay oo Chowkig na lang, may Spicy Beef and Chicken dun, tara!

Jessa: Eh yung siomai?

Don: Meron naman siomai dun diba?............ ay mas mura pala dito.


Ayon, bumili kami ng siomai sa Siomai House at matiwasay na nalagyan ng laman ang tiyan namin. Umuwi na kami pagkatapos, sumakay ng jeep papuntang crossing, habang nasa jeep biglang nagsalita si MahalKO.

Don: Gusto kong Minute Maid.

Jessa: Ano, dadaan muna tayo sa NE Crossing?

Don: Oh sige.

Nasa counter na kami para bayaran ang mga pinamili namin, habang may nauunang customer na nagbabayad, sabi niya:

Don: Bili mo nga ako nun ( Sabay turo sa mga naka-hilerang sigarilyo sa taas ng counter. Marlboro Red ang gusto daw niya.)

Jessa: (Nagwala). sige, bibilhin ko lahat 'yan basta sabay-sabay mong ilalagay sa bibig mo.


*Napatingin yung matandang lalaki na nagbabayad at napa-ngiti sa akin.

Don: Wala ka naman pambili.

Jessa: Meron! may 2k akong dala ngayon.

Don: Joke lang noh.


1 comment: